At dahil umuulan ngayon at nagaalala ko kung babahain ba kami o hindi, naisipan kong gumawa ng kwento..... at yung kwento na to ay nangyari sa totoong buhay... walang halong edit o ano man.
Syempre ang bida dito ay ako. Oo ako, si Alyloony. At ang aking first love, ang pagsusulat.
Ayun, hindi ko ipopromote to dahil nakakahiya. Bahala na lang si batman kung may magbasa nito o wala. Pero kung binabasa mo man to, wag ka sanang ma bored sa kwento naming dalawa.
***
13 years old. 1st year highschool.
Kasalukuyan akong naghahanap ng mga quotes noon sa net ng mapadpad ako sa isang online Filipino forum na FNETS. Nung una pagala gala lang ako doon ng maisipan kong gumawa ng account. Username ko pa noon ay bluesmine. Sa FNETS ako nagkaroon ng mga kauna-unahan kong mga cyber friends. And hanggang ngayon, yung iba sa kanila ay nakakacommunicate ko pa. Mabait din ang admin doon, si tatang. Lahat kami kinakausap niya. At binansagan pa niya akong MILO Kid dahil sa mga napaka haba at energetic kong mga comments.
Sa FNETS may mga nagpopost doon ng mga one shot short stories and talagang mahilig akong magbasa ng mga short stories noon. Pero meron talagang isang member doon na pinost niya yung story niya sa FNETS na title is "Suntok sa Buwan." Gandang ganda ako sa story na yun lalo na nung malaman ko pang siya mismo ang gumawa noon. Sad to say hindi niya natapos yung story pero yung story na yun ang nakapag inspire saakin para magsulat.
14 years old, 2nd year highschool.
Pinost ko sa FNETS ang aking kauna-unahang story. "Ang love nga naman" ang title niya. Nung binasa ko ulit yung story na yun napansin kong ang daming gramatical errors and kulang na kulang sa emotions but still nagulat ako kasi may ilang nagbasa ng story ko. Bawat update ko sinusubaybayan nila kaya natutuwa naman ako. Kahit napakababaw ng plot nit at ang daming grammatical errors.
Nung matapos ko ang 1st story ko, gumawa ako ng kasunod. "The blackstar" ang title niya. Medyo mahaba na ang story ko na to kumpara sa nauna and natuwa ako dahil medyo madami narin ang nagbasa nito. Again sa FNETS ko siya ipinost. After ilang years binasa ko din tong story na to and walang pagbabago, madami parin ang grammatical errors pero kahit papaano nakita ko na nag improve na ko sa story na to. Naalala ko dahil din sa story na to kaya mas dumami ang cyber friends ko. Napuri pa nga ako ni tatang (admin ng FNETS) kasi sabi niya madami daw ang gumagawa ng account sa FNETS ng dahil sa story ko. At napaka milo kids ko talaga. Tuwang tuwa naman ako sa sinabi ni tatang nun.
After ng The blackstar, naisipan kong gumawa ng 3rd story at ang title nito ay My Soulmate kaso hindi ko siya natapos. Meron pa akong ginawang mga stories tulad ng Sky cafe at How to fight the past love kaso pare-pareho ko ding hindi natapos.
Napadpad ako sa teentalk and pinost ko doon yung 2nd story ko na the black star though lilima lang ata ang nag co-comment. Ang dami kasing magagaling na writers sa teentalk. Walang wala ako.
Ilang taon akong huminto sa pagsusulat. Puro basa na lang muna ako. Mga stories sa teentalk ang kadalasang binabasa ko. Nahilig din ako sa mga novels, lalo na yung harry potter and novels nina Mitch Albom, Nicholas Sparks and Paulo Coelho. Dahil sa kanila nainspire ulit akong magisip ng story
1st year college nung maisipan kong paganahin ulit ang imagination ko. This time sinabi ko sa sarili ko na tatapusin ko na to no matter what. Pinost ko sa teentalk yung story ko. MY PRINCE ang title. 2 years ko bago natapos yung story dahil sa una, tamad ako mag update, pangalawa, busy sa school at pagatlo nagkarron ako ng mga problems tulad ng nung namatay ag dad ko and garbe talagang pain ang naramdaman ko nun at dumagdag pa yung bwiset na lovelife ko. Pero natapos ko siya. *tears of joy* Yun nga lang sa kasamaang palad at sa kabobohan din ng author, accidentally ko siyang na-delete sa teentalk kaya drafts lang yung natira saakin T___________T
halos maiyak ako nung mga panahon na yun.
Sinundan ko ang My Prince ng dalawang stories, ang Break the casanova's heart operation at *toooo* censored muna kung ano. Dahil yung *toooot* ay kaduktong ng My Prince at kasalukuyang hindi pa nakapost. Sasabihin ko na lang yung title pag tapos ko na ang MP dito sa watty.
Nung pinost ko ang BTCHO, may nakilala akong reader doon at the same time isa ding magaling na author na si HAVEYOUSEENTHISGIRL. Ang aking pinaka mamahal na sis idol. Isa sa mga hinahangaan kong author. Siya ang nagpakilala saakin ng WATTPAD. Una kong pinost doon ang BTCHO. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay may mga pumansin ng story ko. Then nung sinipag sipag ako, pinost ko din ang My Prince. Though matindihang pag eedit ang ginawa ko dito dahil sa kadahilanang drafts na lang ang natira saakin na kopya nito kasi nga nabura ko siya sa teentalk. Hindi ko expected na aabot sa first page ang My Prince. Tuwang tuwa ako noon kasi sa teentalk hindi naman masyadong pinapansin ang mga stories ko. Wala pa sa 20 ang readers ko sa teentalk kaya tuwag tuwa ako dahil sa watty madaming pumansin ng gawa ko.
Na try ko ding mag post ng short story dito pati narin ng poem.
Marami din ang nag fan saakin dahil doon sa ginawa kong short story na "some jokes are half meant" kadalasan mga newbie sila sa site and hanap pa nila is short story. Natotouch din naman ako doon.
At ngayon, natutuwa naman ako dahil kahit papaano pala, may napapasaya ako sa mga stories ko. May mga times na nape-pressure ako and hindi ko mahandle ng husto ang mga problems ko when it comes to writing. May mga times din na naisipan kong huminto muna. PERO dahil sa mga nagmamahal sa gawa kong stories lalo na yung mga readers ko na hindi nagsasawa sa pagbibigay ng inspiring words saakin, hindi ko ginawa. Kayo ang talagang inspiration ko sa pagsusulat. Salamat talaga.
Writing is my passion, not my work. I should enjoy writing stories katulad ng pageenjoy ko nung 14 years old pa lang ako at nakukuntento sa limang readers.
But still thankful ako sa inyong lahat. Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, YOU GUYS ARE MAKING ME HAPPY. Wala naman akong kakilala na mapag share-an ko ng hobby ko. Ni hindi nila alam na nagsusulat ako (besides sa kapatid ko at sa bf ko) At the same time nahihiya rin akong ipabasa sa kanila ang gawa ko. Kaya kayo talaga ang nagpapalakas ng loob ko.
SALAMAT