“Break the Cassanova’s Heart” Operation
Special Chapter
New Love


Chapter 5.1
*man-to-man* 


Chapter 5.1

*man-to-man*

Part 1

[Jeanell’s POV]

“Jeanell!” tumakbo palapit saakin si Kryzel pagkadating na pagkadating ko sa gym para sa practice namin ng pepsquad “how are you? Ayos ka na ba? Wala bang naging damage sayo ang pagkakabagsak mo?”

Nginitian ko si Kryzel “ok lang ako. Wala ni galos. Thanks to Vin”

Tinignan ako ni Kryzel “Vin?!”

“huh? O-oo. Siya nag ligtas saakin di ba?”

 

 

“sinabi niya sayo na siya nagligtas sayo?”

“Oo sabi niya tsaka isa pa siya naman naabutan ko sa tabi ko”

Nagulat naman ako dahil biglang sumimangot si Kryzel.

“bakit hindi ba siya?” tanong ko sa kanya

“hmm sabi niya siya di ba” sagot naman ni Kryzel saakin.

Ok? Bakit para atang naiinis si Kryzel? Ano kaya meron?

Napalingon naman ako sa likuran niya at nakita ko na puro foam at mattress yung sahig.

 

“teka, bakit puro ganyan yung nasa sahig?”

Kryzel shrugged “I don’t know. Pagdating namin ganyan na yan eh. Siguro yung taong naglagay niyan ay laking takot na mabagsak ka na naman” Kryzel told me teasingly.

Nginitian ko si Kryzel “naku tumigil ka nga diyan!” tinignan ko yung mga foam sa sahig at napangiti ako. Alam ko naman kung sino ang naglagay niyan eh kahit hindi pa sabihin saakin.

“Hey Jeanell!”

Pareho kaming napalingon ni Kryzel sa tumawag saakin at nakita namin si Vin na tumatakbo palapit saamin.

 

“have you rested well?” tanong niya saakin

I smile at him “oo naman, salamat ah”

 

“no worries. Alam mo naman na love kita eh!”

Medyo tinulak ko siya “tumigil ka nga diyan! Anyway, ikaw nag lagay nun no” turo ko sa mga foams

Nginitian ako ni Vin “na-touch ka naman!”

 

 

“pasaway ka! Hindi naman namin magagamit yan dahil di kami makakapag practice with that. But still thank you!”

“makita ko lang safe ka masaya na ko”

Nginitian ko ulit si Vin. Hay naku naman, ang sweet naman ng isang to saakin. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag alala saakin. Lagi pa niya ako inaalagaan. After ko mahulog, todo pag aalaga ang ginawa ni Vin saakin kahit hindi naman ako nagalusan. Samantalang si Drew ni kamustahin ako hindi niya ginawa. Oo alam ko naman na hindi niya ko mahal eh, pero as a best friend man lang di ba? Baka pati friendship namin itinapon na niya :’(

Hay, siguro nga dapat ko ng ibaling lahat ng nararamdaman ko kay Vin. At least siya mahal ako. Atsaka di naman siya mahirap mahalin eh.

Napatingin ako doon sa mga varsity ng basketball at doon ko lang napansin na wala si Drew. Teka, usually lagi siyang maaga sa practice ah? tsaka kanina pa nag start ang practice nila, bakit wala pa siya?

“uhmm Vin, nasaan si Drew?” tanong ko sa kanya

“ay wala si Drew, Jeanell! Di siya makakapag practice!” pag sagot naman ni KRyzel sa tanong ko sabay tingin ng masama kay Vin

“bakit hinahanap mo pa si Drew, Jeanell?” tanong ni Vin sabay hawak sa kamay ko “he doesn’t deserve you. Minahal mo siya kaso hindi niya pinansin yun. Binalewala niya lang lahat ang nararamdaman mo sa kanya. Please forget him ok?”

 

“h-ha? ano ka ba Vin! I’m just asking. Don’t give it a deeper meaning”

 

 

“I-I’m sorry. Ayoko lang na masaktan ka ulit Jeanell”

 

“hay naku bat ganun parang sumama yung ihip ng hangin?!” pag sabat naman ni Kryzel “nangangamoy ampalaya! Uy jeanell, mag bihis ka na at maguumpisa na practice natin. Doon muna ako ok?” after that tinalikuran na kami ni Kryzel at naglakad palayo saamin.

 

“Errr bat parang badtrip ngayon si Kryzel?”

I shrug “I don’t know. Sige Vin una na ko need ko na magpalit eh”

 

 

“ok, Ah, Jeanell!” napalingon ako sa kanya “I love you”

I just smile at him tapos naglakad na ko papunta sa locker room.

Sana sa susunod na sabihin ni Vin saakin yan, masagot ko na siya ng buong buo at totoo.

Nagsimula na yung practice namin. This time medyo nagingat na kami sa mga pag bubuhat. Good thing wala naman na disgrasya na. Nung break time, nagkumpulan lang kami sa gilid at kumain ng mga pang meryenda namin. Naupo naman ako sa tabi ni Kryzel nun.

“uy kanina ka pa tahimik ah” sabi ko sa kanya “nag away kayo ni Rence no?”

 

 

“naku hindi no! sobrang sweet kaya nun saakin ngayon”

“oh eh bat parang kanina pa nakasimangot yang mukha mo?”

Kryzel sighed “ewan ko pero nababadtrip talaga ko”

 

 

“hmm kanino naman?”

Nag buntong hininga si Kryzel then tumingin siya saakin “Jeanell, please answer me truthfully. Tingin mo ba talaga na binalewala talaga ni Drew ang nararamdaman mo para sa kanya?”

Iniwas ko ang tingin ko kay Kryzel “b-bat mo naman biglang naitanong saakin yan?”

 

“Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It’s just that he really cares for you kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero never ka niyang binalewala..”

 

 

“K-kryzel--!”

“Naiintindihan ko si Drew  because I’ve been there before. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya dahil lahat ng napagdadaanan niya ngayon, naranasan ko rin bago maging kami ni Rence. Nandoon yung sakit dahil sa naidulot sa kanya ng past niya. Nandoon din yung takot niya na mag mahal ulit. Maaring nagpapakaduwag siya ngayon, but I totally understand him. Masakit kaya yung umasang mahal ka ng taong mahal mo. Masakit kaya yung makita mong masaya sa iba ang taong akala mo eh sayo na. Masakit Jeanell. Yun nga lang, mas masakit yung kay Drew… dahil dalawang beses na niya tong nararanasan…”

Napatulala ako sa sinabi ni Kryzel “w-what do you mean”

Nginitian niya lang ako ng malungkot at tinapik ako sa balikat and instead na sagutin niya ang tanong ko, eto ang sinabi niya “Drew’s your bestfriend right? Then try to understand him a little more…”

Hindi nakaimik dahil sa sinabi ni Kryzel saakin. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nasaktan na ewan ng dahil sa sinabi niya.

Hay nakakapagod!

Pagakarating na pagkarating ko sa bahay, agad agad akong sumalampak sa kama dahil ramdam na ramdam ko ang pagod dulot ng practice namin sa pepsquad. Gumulong ako sa side ko at napatingin naman ako doon sa picture frame na nasa study table ko. Doon sa picture frame ay nakalagay yung picture naming dalawa ni Drew. Kinuha ko to at tinitigan. Bigla naman nag flashback sa isip ko yung sinabi saakin ni Kryzel.

“Drew’s your bestfriend right? Then try to understand him a little more…”

 

Drew’s my best friend, pero inintindi ko nga ba siya? Oo alam ko nasasaktan siya kay Naomi alam ko yun. Pero sa kabila ng yun lagi kong iniisip na bakit hindi niya magawang iwan si Naomi? Bakit hinahayaan niya na patuloy siyang mahirapan dahil kay Naomi? Bakit ganun? Bakit hindi niya kayang lumingon saakin?

 

“Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It’s just that he really cares for you kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero never ka niyang binalewala..”

Parang isang matulis na patalim ang sumaksak saakin ng maalala ko ang sinabi ni Kryzel saakin. Hindi niya binalewala ang nararamdaman ko? oo tama, hindi niya binalewala. Ayaw niya kong gawing panakip butas. Ayaw ni Drew na mas masaktan ako.

Ibig sabihin, mali yung ginagawa ko kay Vin?

Napahinga ako ng malalim habang nararamdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mata ko.

Hay bat ba napakahirap ng sitwasyon namin? Bakit ba nahantong lahat sa ganito? Mas gugustuhin ko pa na magalit na lang si Drew saakin eh para mas madali akong makakabitaw sa kanya.

Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko parin kung gaano ko siya kamahal. Pero this time, gusto ko ng magpaka selfish.



Ayoko ng masaktan









***




A/N:




So ayun po, part 1 pa lang po ito ng Chapter 5. Sorry po kung maikli ang update. Nasira po kasi yung landline namin kaya damay pati internet connection namin kaya naman nakicomputer lang po ako. Sinave ko muna yung natapos kong itype para atleast makapag update ako kahit papaano kasi baka matagalan na naman ang next update dahil di ko alam kung kailan magagawa ang internet connection namin. Sorry po talaga ang i hope you guys understand.




Anyways, after ng part 2 ng chapter 5, may epilogue pa and that'll be the last update for "New Love". 




Salamat po sa lahat ng nag babasa! Godspeed to all :)