Emotions

04/22/2012

6 Comments

 
Nakakatuwa para sa mga manunulat pagka may nagsabi na mambabasa niya na "kinilig, naiyak o natawa" sila sa story na ginawa mo. Para kasi sa isang author, ang hirap paiyakin, pakiligin o patawanin ang mga readers nila... pero paano nga ba ito nagagawa?

I'm not really a professional author pero ang way ko para mailabas ang emotions ng mga characters ko and maisulat ang right words na siyang nag dedescribe sa nararamdaman ng characters is by putting myself on the shoes of my characters.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko "paano kung saakin nangyari to? anong mararamdaman ko?"

Parang ganito lang, if your character is in pain, you should also feel the pain. If your character is happy, you should also feel their happiness. In that way, you'll be able to form into a words their emotions. 
 ”In able for you to give justice to the emotions of your character, you should put yourself in their shoes. You need to feel their pain and joy.” 

 
 
Sabi ni Bob Ong sa isa sa mga libro niya “walang manunulat ang hindi nakaranas na gayahin ang iniidolo nila”



I agree with that kasi inaamin ko, kahit ako naranasan ko. Nung bago bago pa lang akong author sa internet, minsan pag naho-hook ako sa binabasa ko, nagagaya ko yung writing style or minsan yung idea ng author na yun. But as time goes by, marerealize ng isang author, na mas maganda kung makakaisip ka ng sarili mong idea, ng sarili mong scenes pati characters. Mas maganda kung magkakaroon ka ng sarili mong style sa pag susulat.

At pag narealize na ng isang author yun at nagawa niya, doon mo masasabi na unti-unti na siyang nag iimprove.

 

Author

04/22/2012

0 Comments

 
May mga nagtatanong, paano mo masasabing isa ka ng “author”?

Pagka ba nakapag sulat ka na?

Pagka nakagain ka na ng reads?

Pagka sumikat na ang akda mo?

Siguro sa iba ganun ang basehan nila. Pero para saakin, matatawag na na isang “author” ang isang tao once na makaramdam siya ng deep passion in writing at makapag sulat siya ng isang story to express his/her self. If that person started to write not because he/she wants to be popular or to gain a lot of readers but because he/she loves writing and wants to inspired people through the use of his/her imagination. For me that’s a real “author”

Like what J.K Rowling said

"I didn’t write with a target audience in mind. What excited me was how much I would enjoy writing about Harry. I never thought about writing for children — children’s books chose me. I think if it is a good book anyone will read it."

 
 
The reason why I write is because that is my passion and also that is my way of expressing myself. Through writing, I experience being a different characters. Mapa bida, kontrabida, sadista, masokista, boy, girl, bakla, tomboy, butiki at baboy, lahat yan nararanasan ng isang author kasi nga they need to put their selves on the shoes of the characters to give justice to it. Lahat ng klaseng nilalang sa story nila, kailangan nilang ma-feel at maexperience para makasulat sila ng maganda, hindi yung basta chippy chippy bang bang lang.

Though mahirap maging isang author at minsan nakakapagod na. Nandiyan si makukulit na readers, nandiyan si mga haters. Pero kahit pagbali-baligtarin natin, malaki ang nagiging parte ng readers para sa isang author. Dapat mahalin ng isang author ang mga nagbabasa at nakakaappreciate ng stories niya, dapat wag niyang balewalain ang suporta at pagmamahal ng mga mambabasa niya oonti man ito o marami. 

Napansin ko kasi, may ibang mga authors na once na maka gain na ng madaming readers, wala na silang pakielam sa mga ito. Hindi na nila ito pinapahalagahan at nagkakaroon na sila ng view na “wala akong paki kung may mawala man akong reader, magaling naman ako eh, madami parin magbabasa ng story ko”



Mali yun. Dapat lahat ng mga readers ay inaalagaan din at pinapasaya. Dapat nag rerespond tayo sa walang sawa nilang pag support at pag intindi saatin. Inaamin ko minsan, napipikon din ako sa ibang readers pag grabe silang mag demand at sobrang kulit nila. But still, I treasure them. 

Nagsusulat ako ng plot the way i wanted it to be. Sinusulat ko kung ano ang mga gustong mangyari sa story at may mga pagkakataon na alam ko hindi ito magugustuhan ng readers. But still, I make sure na sa every story na sinusulat ko ay maihahatid ko sa kanila ang message na gusto ko.

Medyo nalungkot lang ako dahil sa isang magaling na author na nakilala ko na ngayon eh parang ang layo na niya sa pagkakakilala ko. Hindi na siya katulad ng dati.

Sabi nga sa kanta ng Paramore na brick by brick

“keep your feet on the ground, when your head’s on the cloud”

- you can dream high but always keep your feet on the ground hindi pati buong pagkatao mo eh nagmamataas na. 

Mahalaga ang mga readers. Kung wala sila, wala tayo. Kung di sa overflowing nilang pagmamahal at pag support, hindi magiging maganda ang stories natin at hindi tayo magkakaroon ng lakas ng loob para sumulat ulit ng panibago.

Ayun lamang po. Just wanted to share my thoughts.

Happy Easter everyone :)

 
 
A common question that most of the writers think it’s hard to answer. Pero sa totoo lang, simple lang naman ang answer na diyan eh.

Masasabi mong gusto mo talaga ang pagsusulat once na nagsulat ka ng story na kahit walang pumapansin, walang nag vvote or nag cocomment eh patuloy mo parin isinusulat.

Yung iba kasi lalo na yung nagsisimula pa lang, naghahangad agad na magkaroon ng madaming readers. Na pag walang pumansin ng gawa nila, they’ll ditch their story and will tell their selves that writing is not for them. Parang kung gaano nila kabilis magustuhan ang pagsusulat, ganun din nila kabilis ito bitawan. Those people doesn’t really love writing. Ang gusto lang nila ay maka gain ng attention.

Pero yung mga nagmamahal sa pagsusulat, sila talaga yung kahit walang readers, hindi sumusuko. Nagsusulat parin ng nagsusulat at nagsisikap na mag improve. Sila yung kahit ilang beses ng nareject ang story ay patuloy paring nagsusulat. Kahit nasabihan ng “panget” ang gawa nila or nasabihan na silang “manggagaya” ay hindi parin tumigil sa pagsusulat. Simply because they love writing. Eto yung mga klase ng taong most likely na mag success sa pagsusulat.

I remember what i read about JK Rowling. Bago maging ganyan ang Harry Potter, a lot of publishers rejected it. Pero tignan niyo naman ang narating ngayon ni JK Rowling and ng Harry Potter? It became a legend.

Sa mga gustong magsulat, write for God, write to inspire other people and most specially, write for yourself..

Para saakin, matatawag ng “author” ang isang tao once they show their love for writing :)

 
 
Start blogging by creating a new post. You can edit or delete me by clicking under the comments. You can also customize your sidebar by dragging in elements from the top bar.
 

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    April 2012

    Categories

    All