angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 20
*let go* 

Picture
[Jake’s POV]


“Tito!!! Tito si Dionne!!” sigaw ko sa labas ng bahay nila Tito Jin habang buhat buhat ko si Dionne sa braso ko.


Nung himatayin siya kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman ang unang pumasok sa isip ko ay dalhin siya dito kay Tito Jin. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa namumutlang mukha ni Dionne.


“Tito Jin! Open this fckin’ door!”

Tsk ano ba yan! Bat ba ang tagal tagal niya buksan yung pintuan?! Halos ma-rape ko na tong door bell nila hindi parin niya binubuksan!! Dapat pala dineretso ko na si Dionne sa ospital!


Patalikod na sana ko ng marinig kong may nagbukas ng pintuan nila at nakita ko si Tita Chyna.


“Oh Jake what happened? Ano ang nangyari kay Dionne?!”

“Tita, I don’t know! She just lose consciousness!”

“Naku sige ipasok mo siya sa loob”

Ipinasok ko si Dionne sa loob ng bahay nila habang tinatawag naman ni Tita Chyna si Tito Jin. Maya-maya lang din ay lumabas ito ng kwarto nila.


“Bring her inside the room!” sigaw ni Tito saakin kaya dali-dali kong ipinasok si Dionne sa room nila.


Nakita kong agad inilabas ni Tito Jin ang stethoscope niya then itinapat niya ito sa dibdib ni Dionne. After that naglabas siya ng thermometer.


“Tito anong nangyari sa kanya ha? bat ganyan siya? bat hinimatay siya? ano sakit ni Dionne? Bat ayaw niya pa gumising? Uy tito! Ano ba nangyari diyan ha? sabihin mo saakin ano ang nangyari kay Dionne?!”

Tumingin si Tito Jin saakin then huminga siya ng malalim “Jake… I’m really sorry but I think kailangan mo ng mag hanap ng bagong PA” sabi niya ng seryosong seryoso..


“huh?! Bakit! Ano nangyari kay Dionne! For pete’s sake tell me what’s fckin’ happening to her!!” nanggagalaiti kong tanong sa kanya.


Palitan si Dionne? Bakit? Ano ba talaga ang meron? Sa expression pa lang ni Tito eh kinakabahan na ako.


“Jake wag kang mabibigla” sabi ni Tito then ipinatong niya ang kamay niya sa braso ko “may malalang sakit si Dionne…”

“No” napaupo ako sa sofa sa room nila “no.. you’re lying…” halos pabulong kong sabi


Una si Maya, and now it’s Dionne?! Bakit ba niya pinapahirapan ang mabubuting tao?! Bakit hindi na lang ako na barumbado?! Dionne taught a lot of things to me! Sa lahat ng PA ko siya lang ang nagtyaga at nag alaga saakin ng ganito. I know she’s annoying, crazy, nosy and weird! But she’s my angel in disguise! Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya!


“No.. hindi pwedeng mangyari yun! ayoko! Ayokong palitan si Dionne! It’s not the same without her! ayoko!!”


“Jake..” tawag saakin ni Tito Jin



Tinignan ko siya at nakita kung paano ang malungkot na expression niya….









..ay napalitan ng mapangasar na ngiti!








“Joke lang! hahaha to naman di ka mabiro oh! May lagnat lang si Dionne. Siguro over fatigue narin! Pero aminin nag alala ka no? hahahahahaha” sabi ni Tito Jin saakin habang tawa ng tawa na parang nakakaloko “ang sarap tignan yung mukha mo kanina eh! parang iiyak ka na! hahahahahaha!”

“ikaw talaga hunny ang hilig mong pinagaalala tong si Japoy” sabi naman ni Tita Chyna na natatawa tawa rin.


“hahaha eh hunny tignan mo naman kasi tong si Japoy eh kung makapag alala kay Dionne wagas. Kala mo asawa niya ang may sakit eh”


Tinignan ko yung dalawa na nasa harap ko. So pinag ttripan lang nila ko?


Badtrip!!! =___=


“h-heh! T-tumigil nga kayo! Ayoko lang magkasakit yan dahil ang h-hirap h-humanap ng PA!” >__<


“whooo may pa it’s not the same it’s not the same without her ka pang nalalaman diyan eh!” pangaasar saakin ni Tito!


“Heh! Tigilan mo ko!! patulog na nga lang sa kabilang kwarto! Kailangan ko bumawi ng tulog!!” sabi ko sabay layas doon sa kwarto nila.

Badtrip! Pinagtripan pa ko ng mga yun!! nakakabadtrip talaga!!


Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga.


But in some ways, I felt relief.



 ***



[Maisie’s POV]

“Eat this ng gumaling ka na! make sure na uubusin mo tong lugaw na to or else hindi kita suswelduhan!” pagbabanta ni Kuya Jake kay Dionne.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Tito Jin para dalawin si Dionne. Nabalitaan ko kasi kay Tita Chyna na sinugod daw dito ni Kuya si Dionne pati narin ang pantitrip na ginawa nila dito.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila Tito Jin, eto ang nadatnan ko. Si kuya pinapakain si Dionne ng lugaw at grabe ng dami ang pagbabanta niya dito ubusin lang ang lugaw niya.

I smile. Mukhang nakakahalata na ako sa kuya ko ah.

“oo naman Japoy uubusin ko to! Gawa mo to eh!” sagot ni Dionne sa kanya

“heh tumigil ka! P-pinabili k-ko ang lugaw na y-yan no!”

Pumasok na ako sa room then lumapit ako sa bed kung saan nakahiga si Dionne “Kuya bat ang daming maduduming kasangkapan doon sa kusina? Parang may nagluto ng lugaw” panlalaglag ko sa kapatid ko

Kuya Jake gave me a “shut-your-mouth” look kaya naman halos matawa ako sa expression niya.

“ang sweet mo naman saakin Japoy! Talagang pinagluto mo pa ko!” Dionne said innocently. Hay naku sana naman ay makaramdam na si Dionne sa tinotoktokitoktok ni Kuya. At sana naman itong si kuya ay tama na ang pag de-deny.

“a-anong sweet?! Manahimik ka! G-gusto lang kitang gumaling k-kasi hindi ako makakapasok ng walang chimay!!” >__<

Tignan niyo? Yan ang in denial! XD

“sige na nga! Kakainin ko na yan Japoy”

“oh ito isubo mo!” sabi naman ni Kuya then hinipan niya yung lugaw at sinubuan si Dionne.

Hay nakakainggit naman tong dalawang to. Sa totoo lang ang sweet nilang tignan. Ang swerte naman ni Dionne. Kelan kaya ako makakakilala ng lalaking magaalaga saakin pag may sakit ako? Yung pag wala ako sa paningin niya, ma-mi-miss niya ako. Yung tipo ng lalaking, masaya na, mapasaya lang ako.

I sighed.

Naalala ko bigla si Rui at yung issue namin na hanggang ngayon ay hindi parin mamatay matay. Dahil doon sa issue na yun, hanggang ngayon ay hindi parin kami nagpapansinan at lagi lang nagiiwasan, or should I say na ako ang umiiwas. Hindi naman sa galit ako sa kanya or what dahil alam kong hindi naman niya kasalanan yun. It’s just that… naiisip ko na sana “oo” ang sagot namin sa mga reporters. Oo kami ni Rui, oo may relasyon kami, oo nagmamahalan kami.

 

Kaso kabaligtaran lahat. Misunderstanding lang ang lahat ng nangyari. Walang namamagitan saamin, best friend lang talaga ang tingin niya saakin.

At hanggang ngayon, sobrang sakit isipin nun.

“Dionne-chan!!”

I was back to my senses ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Pare-pareho kaming napatingin sa may pintuan at nakita namin si Rui na nakatayo at bakas na bakas sa mukha niya ang pagaalala.

Dali-dali siyang lumapit sa kama ni Dionne at dinaanan niya lang ako na parang hindi niya ako nakita.

At mukha ngang hindi niya talaga ako nakita.

“Dionne-chan, I heared from Manager Rhian na may sakit ka daw! Are you alright?” hinawakan niya ang noo ni Dionne “hay hindi ka na ganoong mainit but still ang putla mo!” tinignan niya si kuya “Jake-nii chan ano ba kasi ginagawa mo kay Dionne? Bat siya napapagod?!” >__<

“huh?! Teka are you blaming me?!” sabi ni kuya Jake

“ah R-rui naku walang kasalanan ni Japoy… sadyang mahina lang talaga resistensya ko”

“oh.. pero dapat magpagaling ka na Dionne-chan!” kinuha ni Rui kay kuya yung lugaw “ako na bahala magpakain sa kanya! Promise aalagaan ko siya para gumaling siya kaagad!”

Kuya shrugged then lumabas na siya sa room.

“Dionne-chan kain na” sabi naman ni Rui habang sinusubuan niya ng lugaw si Dionne “may gusto ka pa bang kainin? Gusto mo ba ng fruits?”

She smiled at him “ok lang ako Rui, salamat sa pag-aalala mo”

“syempre naman mag-aalala ako sayo! You’re a very important person to me!”

Boom.

Very important person?

Bakit pakiramdam ko may deeper meaning pa yun?

Napatingin ako kay Rui at nakita kong napatingin din siya saakin.

“M-maisie..” bulong niya at parang ngayon niya lang na-realize na nandito ako sa room.

Tumalikod na ako at pumasok sa isang guest room nila Tito Jin kung saan ako madalas matulog pag nandito ako.

Bakit ba ang sakit?

Hindi ko alam kung bakit ganito. Noon pa lang, sobrang lapit ko na kay Rui pero bakit hindi niya nakuhang magkaroon ng nararamdaman para saakin? Pero si Dionne? Ngayon niya lang nakilala pero bakit napamahal agad siya dito?

Oo alam ko na mabait si Dionne at hindi siya mahirap mahalin.

But still…

But still ang sakit tanggapin.

Huminga ako ng malalim habang nararamdaman ko ang luha na bumabagsak sa mga mata ko.

Siguro nga ganun talaga. Kahit ano pang gawin ko, hindi niya ako magugustuhan. Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso eh. Sadyang hindi na lang talaga lalagpas ang tingin niya saakin kundi bilang isang kaibigan lang.

Ayoko na masaktan. Gusto ko na lang ulit maging kaibigan si Rui. Gusto ko na lang mag stay sa tabi niya.

Gusto kong makuntento ulit bilang isang kaibigan niya.

Alam kong napakahirap gawin ng bagay na ito… but I want to let him go.

Kinuha ko yung cellphone ko then tinawagan ko yung manager ni Rui.









“ma’am, please call a press conference. I’m willing to speak up the truth about sa issue namin ni Rui…”

***

A/N

Hello dears! So yeah i have a lot of things to say.

First is about my twitter account. I changed my username to @iamAlyloony.

I just want to clear things out, I am not forcing anyone to follow me on twitter so I hope kayo din, wag niyo po akong i-force na i-follow ko kayo. Sabi ko po na I only followed back those people I knew personally at hindi ako nag ffollow ng kahit na sino kasi ayoko matabunan yung tweets ng mga taong kakilala ko talaga. Yep, i do follow 'some' internet friends though yun po talagang napalapit lang saakin. I really hope you guys understand. Anyways, kung sumama po ang loob niyo dahil hindi ko kayo na-follow then you may unfollow me. No hard feelings :) .. I kinda understand naman kung tingin niyo na madamot po ako. Though ayoko lang ng sinasabihan akong FAMEWHORE because I know i not. Kasi i'm not a whore, at lalong hindi ako famous.. bwahaha ok ang korny ko.

Ganito na lang.. kung famewhore ako edi sana pinilit ko kayong i-trend ang mga stories ko at todo dedma ako sa mga tweets niyo? I usually answer tweets.. minsang i even RT it. 

Another thing is I'm going to be inactive starting next week. Na-hire na po kasi ako and mag wwork na ako. Medyo demanding ang work ko kasi I need to work 10 hours a day... at waley pang holiday ito. Kaya po sa ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad kung magiging mabagal ang paguupdate ko. Sana po ay maintindihan niyo.

Sa mga nagtatanong po kung ano ang work ko, I'm a barista in Starbucks


Mahal kayo ni Majinbu :3