angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 22
*Subic* 

Picture
[Dionne’s POV]

“Japoy malapit na ba tayo? Onti na lang ba makakarating na tayo” tanong ko kay Japoy habang tinutusok tusok ko ang pisngi “uy Japoy gumising ka na! baka padating na tayo!”




“Anak ng--!!!” tumalikod saakin si Japoy at ng kabit ng headset.





Hala napikon na ata kakakulit ko. O__O




Papunta kasi kami ngayon sa Subic para mag shoot nung movie nila Japoy. One week kaming mag i-stay doon at nung malaman ko yun, sobrang excited ako. It’s been a long time eversince makapunta ko sa beach! Mahal na mahal ko talaga ang mga beaches kaya naman excited na excited na ko. Sana makarating na kami agad! ^__^




“manong malapit na po ba tayo?” this time yung driver naman ni Japoy ang tinanong ko




naku malayo pa tayo, ay mag papa gas muna ako ah”




“ay sige po”




Dumaan kami sa isang gas station then nagpa gas si manong driver. Nag paalam din siya na mag c-cr daw muna siya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Japoy sa kotse.




“Japoy?” tawag ko dito sabay kalabit sa braso niya kaya lang di niya ako nilingon. Mukhang nakatulog ata ang isang to.




“Japoy penge ako nung chichirya mo ah? nagutom ako eh!” ^__^




Hindi parin kumibo si Japoy kaya naman nagbukas na lang ako ng chichirya niya doon at nagsimula itong kainin. Tinignan ko ang natutulog na likod ni Japoy.




Hay siguro nga pagod na pagod siya lately dahil sa pagaasikaso kay Maya tapos sabayan pa na ang dami-dami niyang shootings at mga kung anu-anong interview. Dumagdag pa nga ata sa pagod niya nung nagkasakit ako. Imbis na ako ang mag-alaga sa kanya, siya pa tong nag alaga saakin.




“sorry Japoy” bulong ko sa kanya “promise ko, mas aalagaan na kita ngayon. Promise ko talaga yan”




Nagulat ako ng biglang tumagilid si Japoy saakin pero nakapikit parin siya. I waved my hand near his face para i-check kung gising ba siya pero hindi, ang lalim ng tulog niya.




Maya-maya na lang, nagulat ako ng bumagsak yung ulo niya sa balikat ko.




“o-oy Japoy—“ napatingin ako sa mukha niya. Ang amo amo nito habang natutulog. Akala mo hindi siya yung Japoy na napaka sungit at lagi akong sinisigawan..




I smile then hinaplos ko yung pisngi niya.




Ay pagong!




Agad agad kong inalis yung kamay ko sa mukha niya.




Bat ko ba hinahaplos ang mukha niya?! Ano ba tong pumapasok sa isipan ko?! at isa pa bat ba ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?!




Seriously, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkakaganito?

Dahil sa awkwardness na naramdaman ko, kumuha na lang ako ng chichirya at agad agad kong isinubo to kaya lang pagsubo ko, nakagat ko naman bigla yung dila ko.




“Araykupo!” T__T




Gulat na gulat na napabangon si Japoy at napatingin saakin “huh?! Ano nangyari?!”




“Japoy nakagat ko labi ko! huhuhuhuhu” T___T




“ano ba naman kasi pinag gagagawa mo?! tsk!” tinabing niya yung kamay ko na nakakapit sa labi ko “patingin nga!”

“mahapdi” T___T




“hindi naman masyadong nagdudugo eh” sabi niya then pinahiran niya yung onting dugo sa labi ko gamit yung mga daliri niya kaya lang nagulat ako ng bila na lang huminto si Japoy habang nakahawak parin siya sa labi ko at nakatitig dito.




“J-japoy.. uhmm..”




“wag ka magsalita” sabi niya saakin na halos pabulong at titig na titig siya sa mga labi ko.




And again, bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang any minute aatakihin ako dito. Gusto ko tabingin ang kamay niya pero sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw kumilos ng buong katawan ko na parang na-istroke na ko doon.




“Dionne, tell me.. may nakahalik na ba sayo?”




“uy Japoy a-anong sinasabi mo diyan.. w-wala ano ka ba..”




“paano kung sabihin kong meron nang nakahalik sayo? Ano gagawin mo?”

 




“h-ha?” bigla akong naguluhan sa sinabi ni Japoy. Teka ano bang nangyayari sa isang to? Ganito ba talaga siya pag bagong gising? >__<




“gusto mo take two?”




“J-japoy—“




Before pa ako makapag react nakita ko na lang na papalapit na ng papalapit ang mukha ni Japoy saakin habang pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko. Sinasabi ng isip ko na itulak ko siya papalayo pero hindi ako makakilos.




Napapapikit na lang din ako bigla habang inaantay ang malambot na labi ni Japoy saakin kaya lang nagulat ako ng bigla-bigla lang siyang lumayo saakin.




“b-bibili lang ako ng... uhmm... a-alcohol” sabi niya sabay labas ng van at takbo papunta doon sa 7-eleven.




O-kay? Ano yun?

[Jake’s POV]




Pakshet! Pakshet talaga!! >__<




Sinipa ko yung haharang harang na bote ng softdrinks sa harap ko dahil sa sobrang yamot ko sa sarili ko.




Seriously ano bang masamang espirito ang sumanib na naman saakin at bakit muntikan ko na naman mahalikan ang babaeng yun?!




Nung nahawakan ko kanina yung lips niya, naalala ko nung hinalikan ko siya dati habang natutulog siya. At hindi ko alam kung ano ang hinayupak na tumama saakin, parang gusto ko ulit ulitin yun. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya saakin.




At pakshet talaga, bakit ko naisip yung mga bagay na yun?! And worst bakit ko nagawa ang mga bagay na yun?!




In love na kaya ako sa chimay ko?




No! that’s impossible!!




Ako? Si Jake Marquez? Gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango ay maiinlove lang doon sa chimay na yun?! no way!! Ang type ko ay yung matangkad, sexy at maganda! Gusto ko yung artistahin talaga at tipong pag pinag tabi kaming dalawa ay aakalain nilang isa kami sa mga Gods and Goddesses na kabababa palang sa Mt. Olympus!




There’s no way na magkagusto ako doon sa chimay na yun! =___=




Dumiretso na ako sa 7-eleven tapso kumuha ako ng tatlong bote ng alcohol atsaka binayaran ko ito. After nun, bumalik narin ako sa kotse at sakto, nakita ko yung driver na nadun na. Instead na tumabi ako kay Dionne, sa unahan na ako naupo nun at baka mamaya kung ano na naman ang sumanib saakin pag natabi ako sa babaeng yan. Feeling ko may lahing mangkukulam ang isang to eh. =__=




Maya-maya lang din, nakarating na kami sa isang resort sa Subic kung saan kami mag sho-shooting.




“Woooooowwww! Ang ganda ganda dito!” sabi ni Dionne pagkababang pagkababa niya sa van. Mukha atang nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Buti naman =__=




“Japoy! japoy tara mag swimming tayo!”




“manahimik ka! Kailangan ko magpahinga!” =___=




“eeh Japoy! gusto ko mag swimming!” T___T




“edi mag swimming ka?! Pinipigilan ba kita! Basta ako matutulog inaantok ako! Wag na wag mo kong iistorbohin kundi patay ka talaga saakin!” pag babanta ko sa kanya.




Ang kulit kulit kasi nakakaasar! Parang di chimay ang kasama ko eh! feeling ko may kasama akong seven years old dito na dapat kong i-baby sit! >__<




“oh I see” bulong ni Dionne kaya naman napalingon ako




“ang ano?”




“uhmm siguro kaya ganun yung inasta mo kanina kasi inaantok ka! Siguro nag sleeptalk ka kanina no! ikaw ha ano ang pinapaniginipan mo bat ganun ang ginawa mo?” tanong niya saakin habang ngiting ngiti




Parang bigla naman umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Anak ng pagong naman! Kailangan pa ba niya i-bring up ang bagay na yun?! Nakakaasar lang! bwisit! Inaalis ko nga sa isip ko eh tapos ipapaalala naman niya?! Nakakabadtrip talaga!! >__<




“e-ewan ko sayo!!” sagot ko sa kanya sabay talikod.




Nakaka badtrip na babae.




“Dionne-chan! Jake!” napalingon ako doon sa tumawag saamin at nakita ko naman na papalapit saamin sina Rui at Maisie.




“kuya ang tagal niyo naman dumating” sabi ni Maisie saakin




“medyo na traffic lang. Kanina pa kayo?”




“oo kuya, maaga din kasi ako umalis dahil may kailangan din ako asikasuhin!”




“Dionne-chan!” napalingon kami kay Rui na kasalukuyang papalapit kay Dionne




“hi Rui!”




“waaah Dionne-chan nakakain ka ba ng asukal?”




“huh?” takang takang tanong ni Dionne sa kanya




“ang tamis kasi ng ngiti mo” ^__^




“a-ano ba Rui! Ikaw talaga masyado kang maloko!” sabi naman ni Dionne na ngiting ngiti




“sino nagsabi na nagbibiro ako? Totoo kaya yung sinabi ko!” kinuha ni Rui yung bag na dala-dala ni Dionne “ako na magdadala nito, ayokong napapagod ka eh”




“salamat!”




Tss, ang landi landi nung dalawa! Tapos tong si Rui makabanat pa napaka korny!! Nakakabanas!




“huy Maisie! Ok ka na ba talaga na mapunta sa chimay na yan ang Rui mo ha?!” bulong ko kay Maisie “hindi ka ba gagawa ng paraan ha?! tignan mo oh nilalandi nung chimay na yun si Rui!!” =__=




Nagulat ako ng biglang tumawa si Maisie




“bat ka tumatawa?” =__=




“kasi nama kuya eh halatang nag seselos ka! Saakin ok na kung sino ang gustong mahalin ni Rui. Pero ikaw kuya, ok lang ba sayo na mapunta si Dionne kay Rui?”




“a-anong sinasabi mo diyan!”




“hay naku wag na kasi in denial! Sige ka baka mamaya maunahan ka talaga ng japayuki na yan. Si Rui pa naman madaling mahalin” tinapik niya ako sa balikat “pero don’t worry kuya, pag dating kay Dionne sayo parin ako boto!” she winked at me then sinundan narin niya sina Dionne at Rui papasok doon sa resort.




Bwiset! Akala ba niya may gusto ako sa chimay na yun?!

HINDI MANGYAYARI YUN!!!!






****




Mensahe ni Majinbu.




Sorry po kung ngayon lang nakapag update. Medyo pagod po kasi palagi sa work and halos pang gabi lagi ang schedule ko kaya lagi po akong puyat. umaga na ko nakakauwi kaya naman the whole day tulog ako. Pasensya na po talaga kayo. 




Salamat po sa lahat ng matyagang nagaantay at nakakaintindi!




Sorry din kung di na ko madalas makasagot sa mga pm niyo sa fb and dito sa twitter. Hindi na rin po kasi ako madalas nag o-online dito. But i'm very active in twitter. Tweet me if you like >> @iamAlyloony :)