Originally posted on Oct. 7, 2011
Love for writing




Alam ko marami na nakapag sulat dito ng tips about writing. Kung paano mapapaganda yung story, kung ano mga dapat ilagay, kung ang yung mga dapat gawin at kung ano ang makakapagpa hook sa mga readers.

Ako naman, siguro ang maibibigay ko na lang sa inyong tip bilang isang manunulat is kung paano niyo "lalabanan" yung mga trials sa pagiging manunulat.




Alam ko na lahat naman ng authors eh gustong makilala ang akda nila. Sino ba namang hindi? Nakakatuwa pag may nagbabasa ng stories mo, nakakatuwa lalo kung padami sila ng padami.

Pero paano kung wala halos nagbabasa ng sinulat mo? Wala pa masyadong nakakapansin? Halos mag makaawa ka na pero wala parin? In the end unti-unti ka na nawawalan ng gana. Feeling mo ginawa mo na lahat kaso wala parin nangyari. And then one day, you decided to stop.

Before I continue, let me tell you “my” experience.

14 years old ako nung nag start ako magsulat. Pinost ko yung first story ko sa isang Filipino online forum under the name “bluesmine.” Katulad ng mga baguhang writers sa watty, wala halos pumapansin ng story ko. May mag co-comment mga padalawa-dalawa lang. Pero kahit ganoon yun, natapos ko yung story, at sinundan ko pa ng isa pa. That time kasi hindi ko habol noon ang comments eh. Ang habol ko lang dati is makagawa ng story dahil nainggit ako doon sa isang member doon na nakapagsulat ng napakagandang story. Ok na saakin ang isang comment. Kahit isang comment lang masaya na ko.

Dati din nung hindi pa ko member sa watty at sa CC (teentalk) lang ako nagsusulat ng stories, wala rin halos pumapansin saakin doon. Wala pa sa 20 ang comments ko nun. Bilang na bilang mo sa mga daliri mo. Alam niyo ba kung anong story ko ang hindi pinapansin dati sa CC?

 



My Prince.

 

Nung pinost ko siya dito sa watty doon lang ako nagkaroon ng madaming readers. Nagulat nga ako kung paano sumikat yun dito eh samantalang sa CC di naman siya masyadong napapansin.

14 ako nag start, 19 ako nagkaroon ng madaming readers. 4 years ang itinagal bago ko masabing kahit papaano “may narating” ako.

Isa lang naman ang tip ko dito sa lahat ng new authors, wag kayong mag madali. For sure yung mga authors na nasa what’s hot ang story nila eh hindi naman agad agad din napansin. Believe me “kung gaano kabilis ang pag akyat mo, ganun din kabilis ang pag bagsak mo” Alam niyo kung bakit? Kasi once na napansin ka agad, feeling mo magaling ka na at ok na yung gawa mo kasi marami na-hooked. There’s no room for improvement. Mas maganda yung habang nagsusulat ka nag iimprove ka kasi mapapaisip ka “bakit walang nagbabasa ng stories ko? Ano bang mali sa writing style ko? Panget ba yung flow?” then kung masagot mo ang mga questions mo, mas pagsisikapan mo pa na mapaganda ang story mo.

Simple advice, be observant. Try niyo magbasa ng works ng iba then compare it to your works. Hindi naman sa gagayahin niyo yung way ng pagsusulat nila, i-observe niyo lang kung ano meron ang story na yun kung bakit naho-hooked yung mga readers. Maybe because maganda ang pagkaka deliver ng story? May humor? Hindi siya puro conversation? Etc… then kung tingin niyo wala yung story niyo na ganun, then try improving it.

Another is, don't be discourage easily. Tyaga lang naman ang kailangan diyan. Continue writing, continue improving. Mapapansin at mapapansin ka rin as long as may pagmamahal ka sa ginagawa mo.

Wag kayo magmadali na mapansin. Kahit yung mga professional authors din na sina Nicholas Sparks, J.K Rowling, Paulo Coelho, Bob Ong etc.. naranasan din nilang ma-reject, hindi mapansin, at madapa. Pero kung mahal mo talaga ang ginagawa mo, kahit 0 reads 0 comments and 0 views pa yan, itutuloy mo yan.

Also, be open to criticism. Madalas yan ang pinaka nakakatulong saatin para mag improve tayo. Wag masaydong sensitive when it comes to criticism. Dapat matutunan mong tanggapin lahat ng pagkakamali na nakita sayo and try improving. 

And the best advice I could give is, write for yourself, write because you want to write and you love to write hindi para makakuha lang ng attention ng iba or para sumikat o para may pumuri sayo. Ang mga taong nagsusulat lang para makakuha ng attention ng iba at para "magpapansin" lang eh walang kahahantungan. If you really want to be known, love your work first. Mahalin mo ang sinulat mo at ang pagsusulat :)

Ayun, sana naka help ako sa inyo.

Just bare in mind

the person who has not tasted bitter, doesn’t know what sweet is”

“the person who doesn’t experience any hardship wouldn’t know how great it is to succeed”

 
Originally posted on September 17, 2011
Ren and Amber.

Nag bback read ako sa comments ng My Prince and sobrang dami pala talaga ng against sa Ren<3Amber loveteam? hahahaha lahat maka Arcie<Ren ... or kung hindi naman, mapunta na daw si Ren sa kahit na sino wag lang si Amber... 

Poor Amber... but still never kong pinagsisihan ang decision ko kahit more than half ang mga readers na nangiwan saakin ng dahil na dito. 

Honestly speaking, sila talaga ang pinaka favorite loveteam na nagawa ko sa lahat ng characters ko. Mas kinikilig ako sa kanila kesa kay Jiro at Arcie, or Stephen and Naomi.

Alam mo yung sobrang opposite nila? ang hirap isipin na mahal nila ang isa't isa pero *boom* nadevelop silang dalawa. 

Kada susulat ako ng sweet scenes nila, oh kahit na yung aso't pusa scene nila or indenial scenes nila..  kinikilig ako. Mwahahahahhaa. Yung bang damang dama? tagos hanggang buto? feeling ko ako si Amber. XD

May nakapag sabi saakin "sundin mo kung ano ang gusto ng nakakarami mong readers"

Actually muntikan ko na talagang gawin si Ren ang makakatuluyan ni Arcie then magkakabalikan si Arcie and Jiro, but naisip ko, hindi naman talaga ito ang gusto kong mangyari eh. Gusto ko si Ren at Amber at kahit iwan ako ng mga readers ko ok lang. Kahit madissapoint sila ayos lang. EH ETO GUSTO KO EH. 

Ang story ko ay hindi isang business na kailangan kong gumawa ng fesibility study at intindihin ang "wants" ng mga target market ko. Ang story ko ay isang pag aari ko... na pwedeng ihalintulad sa underwear (walang magandang example na maibigay ang author. ipagpatawad) ... paki ba ng mga tao kung ano ang kulay ng underwear na gamitin ko o kung anong brand? ako naman nagsusuot eh! tsaka di nila ko binabayaran para isuot ko ang kulay ng underwear na gusto nila =__=

Well matatawag niyo kong failed author sa paggawa ng love team kasi hindi ito nagustuhan ng madaming readers.. pero naisip ko lang, idea ko yun... eto ang sa tingin ko ang tama, akin yung story, at boss ko ang sarili ko hindi yung ibang readers. Ang dahilan kung bat ako nagsulat dati kasi "gusto ko" ... ganun din siguro ang dapat na idahilan ko sa bawat pagtatapos ng story

Wala lang, naishare ko lang. Hahahaha.. but all in all I'm very happy kasi yung ibang readers ko eh natutunan mahalin si Amber.... at gusto na nila si Amber kay Ren... dahil dito ang saya ko... mwahahahahaha

Doon sa mga nagpatuloy magbasa ng REACHING YOU. SALAMAT PO.

Doon sa may ayaw sa Ren<3Amber, sorry po talaga. Pero para saakin mas bagay si Jiro kay Arcie, si Ren kay Amber :)

 
Originally posted on September 11, 2011
Cliche

- typical lovestory, paulit ulit, common na at gasgas na.

Kung isa kang magaling na author, iiwasan mo na yung magsulat ng ganitong story. Syempre iisip ka ng mas unique and mas bago sa paningin ng iba.

Pero dahil hindi ako magaling na author at abnormal ako, pagdating sa mga short stories mas ‘feel’ kong isulat yung mga cliche na story. Yung tipong “in love ako sa best friend ko”… “crush siya ng bayan kaya di ako mapapansin” … “may mahal ng iba ang taong gusto ko” … etc etc.

Alam niyo kung bakit? Kasi madami ang nakakarelate.

Kaya nga cliche eh… common na.. madalas nangyayari sa buhay natin…

Di ba mas masarap mag basa kung nakakarelate ka sa mga nangyayari sa character doon sa story? Parang habang binabasa mo ito paulit ulit mo sinasabi sa sarili mo na “oo tama siya! shet tinatamaan ako! ganyang ganyan ang nararamdaman ko ngayon!” … Kesa naman yung magbabasa ka ng isang babae sasaktan ang isang cassanova para mailigtas ang buhay nito? (hahahaha sige inaway ang sariling akda) Pshh… unique pero nakakarelate ka ba? hahahaha (OY BAKA DI NIYO NA BASAHIN YUNG BREAK THE CASSANOVA’S HEART AH?! ECHOS LANG TO)

Some Jokes are half meant »> opo cliche to sobra. Pero naka recieve ito ng 278 votes, 148 comments, 5,727 reads… nagulat ako kasi expected ko na walang papansin nito kasi nga “cliche” at predictable ang ending. Kaya tuwang tuwa ako ng madami ang nagbasa. Tapos may mga nanghihingi pa ng copies. 

Gitara: Dear Ideshiie » another cliche story. A typical “inlove ako sa bestfriend ko” na story. Predictable din ang ending. Obvious na obvious. Pero madami din ang nagbasa. For just 2 weeks, 154 votes. Another nakakagulat. 

Hindi po sa nagyayabang. Pero gusto ko lang talaga ipagtanggol ang side ni cliche na kinahihiya ng karamihang authors. Yep maganda kung makakaisip tayo ng unique story. Pero wag din natin kakalimutan na kung minsan, masarap din magsulat at magbasa ng cliche stories :)

 
Originally posted on June 23, 2011

At dahil umuulan ngayon at nagaalala ko kung babahain ba kami o hindi, naisipan kong gumawa ng kwento..... at yung kwento na to ay nangyari sa totoong buhay... walang halong edit o ano man.

Syempre ang bida dito ay ako. Oo ako, si Alyloony. At ang aking first love, ang pagsusulat. 

Ayun, hindi ko ipopromote to dahil nakakahiya. Bahala na lang si batman kung may magbasa nito o wala. Pero kung binabasa mo man to, wag ka sanang ma bored sa kwento naming dalawa.

***

13 years old. 1st year highschool.

Kasalukuyan akong naghahanap ng mga quotes noon sa net ng mapadpad ako sa isang online Filipino forum na FNETS. Nung una pagala gala lang ako doon ng maisipan kong gumawa ng account. Username ko pa noon ay bluesmine. Sa FNETS ako nagkaroon ng mga kauna-unahan kong mga cyber friends. And hanggang ngayon, yung iba sa kanila ay nakakacommunicate ko pa. Mabait din ang admin doon, si tatang. Lahat kami kinakausap niya. At binansagan pa niya akong MILO Kid dahil sa mga napaka haba at energetic kong mga comments.

Sa FNETS may mga nagpopost doon ng mga one shot short stories and talagang mahilig akong magbasa ng mga short stories noon. Pero meron talagang isang member doon na pinost niya yung story niya sa FNETS na title is "Suntok sa Buwan." Gandang ganda ako sa story na yun lalo na nung malaman ko pang siya mismo ang gumawa noon. Sad to say hindi niya natapos yung story pero yung story na yun ang nakapag inspire saakin para magsulat.

14 years old, 2nd year highschool.

Pinost ko sa FNETS ang aking kauna-unahang story. "Ang love nga naman" ang title niya. Nung binasa ko ulit yung story na yun napansin kong ang daming gramatical errors and kulang na kulang sa emotions but still nagulat ako kasi may ilang nagbasa ng story ko. Bawat update ko sinusubaybayan nila kaya natutuwa naman ako.  Kahit napakababaw ng plot nit at ang daming grammatical errors.

Nung matapos ko ang 1st story ko, gumawa ako ng kasunod. "The blackstar" ang title niya. Medyo mahaba na ang story ko na to kumpara sa nauna and natuwa ako dahil medyo madami narin ang nagbasa nito. Again sa FNETS ko siya ipinost. After ilang years binasa ko din tong story na to and walang pagbabago, madami parin ang grammatical errors pero kahit papaano nakita ko na nag improve na ko sa story na to. Naalala ko dahil din sa story na to kaya mas dumami ang cyber friends ko. Napuri pa nga ako ni tatang (admin ng FNETS) kasi sabi niya madami daw ang gumagawa ng account sa FNETS ng dahil sa story ko. At napaka milo kids ko talaga. Tuwang tuwa naman ako sa sinabi ni tatang nun.

After ng The blackstar, naisipan kong gumawa ng 3rd story at ang title nito ay My Soulmate kaso hindi ko siya natapos. Meron pa akong ginawang mga stories tulad ng Sky cafe at How to fight the past love kaso pare-pareho ko ding hindi natapos.

Napadpad ako sa teentalk and pinost ko doon yung 2nd story ko na the black star though lilima lang ata ang nag co-comment. Ang dami kasing magagaling na writers sa teentalk. Walang wala ako.

Ilang taon akong huminto sa pagsusulat. Puro basa na lang muna ako. Mga stories sa teentalk ang kadalasang binabasa ko. Nahilig din ako sa mga novels, lalo na yung harry potter and novels nina Mitch Albom, Nicholas Sparks and Paulo Coelho. Dahil sa kanila nainspire ulit akong magisip ng story

1st year college nung maisipan kong paganahin ulit ang imagination ko. This time sinabi ko sa sarili ko na tatapusin ko na to no matter what. Pinost ko sa teentalk yung story ko. MY PRINCE ang title. 2 years ko bago natapos yung story dahil sa una, tamad ako mag update, pangalawa, busy sa school at pagatlo nagkarron ako ng mga problems tulad ng nung namatay ag dad ko and garbe talagang pain ang naramdaman ko nun at dumagdag pa yung bwiset na lovelife ko. Pero natapos ko siya. *tears of joy* Yun nga lang sa kasamaang palad at sa kabobohan din ng author, accidentally ko siyang na-delete sa teentalk kaya drafts lang yung natira saakin T___________T 

halos maiyak ako nung mga panahon na yun.

Sinundan ko ang My Prince ng dalawang stories, ang Break the casanova's heart operation at *toooo* censored muna kung ano. Dahil yung *toooot* ay kaduktong ng My Prince at kasalukuyang hindi pa nakapost. Sasabihin ko na lang yung title pag tapos ko na ang MP dito sa watty.

Nung pinost ko ang BTCHO, may nakilala akong reader doon at the same time isa ding magaling na author na si HAVEYOUSEENTHISGIRL. Ang aking pinaka mamahal na sis idol. Isa sa mga hinahangaan kong author. Siya ang nagpakilala saakin ng WATTPAD. Una kong pinost doon ang BTCHO. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay may mga pumansin ng story ko. Then nung sinipag sipag ako, pinost ko din ang My Prince. Though matindihang pag eedit ang ginawa ko dito dahil sa kadahilanang drafts na lang ang natira saakin na kopya nito kasi nga nabura ko siya sa teentalk. Hindi ko expected na aabot sa first page ang My Prince. Tuwang  tuwa ako noon kasi sa teentalk  hindi naman masyadong pinapansin ang mga stories ko. Wala pa sa 20 ang readers ko sa teentalk kaya tuwag tuwa ako dahil sa watty madaming pumansin ng gawa ko.

Na try ko ding mag post ng short story dito pati narin ng poem.

Marami din ang nag fan saakin dahil doon sa ginawa kong short story na "some jokes are half meant" kadalasan mga newbie sila sa site and hanap pa nila is short story. Natotouch din naman ako doon.

At ngayon, natutuwa naman ako dahil kahit papaano pala, may napapasaya ako sa mga stories ko. May mga times na nape-pressure ako and hindi ko mahandle ng husto ang mga problems ko when it comes to writing. May mga times din na naisipan kong huminto muna. PERO dahil sa mga nagmamahal sa gawa kong stories lalo na yung mga readers ko na hindi nagsasawa sa pagbibigay ng inspiring words saakin, hindi ko ginawa. Kayo ang talagang inspiration ko sa pagsusulat. Salamat talaga.

Writing is my passion, not my work. I should enjoy writing stories katulad ng pageenjoy ko nung 14 years old pa lang ako at nakukuntento sa limang readers. 

But still thankful ako sa inyong lahat. Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, YOU GUYS ARE MAKING ME HAPPY. Wala naman akong kakilala na mapag share-an ko ng hobby ko. Ni hindi nila alam na nagsusulat ako (besides sa kapatid ko at sa bf ko) At the same time nahihiya rin akong ipabasa sa kanila ang gawa ko. Kaya kayo talaga ang nagpapalakas ng loob ko.

SALAMAT


    Alyloony

    Welcome to my dreamland

    Everything that is posted in here are just a random craps like my thoughts, my rants, etc..

    Caution: Danger inside. Prepare a weapon before entering.

    Archives

    March 2012

    Categories

    All
    Stories
    Writing