“Break the Cassanova’s Heart” Operation
Special Chapter
New Love


epilogue

Epilogue

[Jeanell’s POV]

Jeanell, dinalhan kita ng meryenda para may makakain ka pag nag break kayo” inabot saakin ni Vin ang isang plastic bag “doughnut yung nandiyan at ang favorite mong mogu mogu”

May practice kami ngayon sa pepsquad. Dahil sa available na yung isang gym, hiwalay na ang practice ng basketball team pati narin ng pep squad. Every practice, laging dumadaan dito si Vin para dalhan ako ng meryenda.

Kinuha ko yung pagkain na inabot niya saakin “ikaw talaga lagi kang nag aabalang bilhan ako! Mamaya tumaba na ko ng tumaba kasi lagi mo na lang akong pinapakain!” biro kong sabi sa kanya

“ok ng tumaba ka wag ka lang magkasakit” sabi naman ni Vin saakin.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Vin then he slightly pinched my cheeks “balik na ko sa gym namin ah? baka katayin na ko ni coach! Mamaya ah ihahatid kita sa inyo! Kita na lang tayo sa may locker!” paalam ni Vin saakin

“opo opo! Bumalik ka na doon baka mapagalitan ka pa ng coach mo!”

“yes master!” tumalikod na si Vin at tumakbo palabas ng gym pero bago siya tuluyang makalabas lumingon ulit siya saakin “JEANELL!!! I LOVE YOUUU!” sigaw niya ng pagkalakas lakas kaya naman pinagtinginan kami nung mga kasamahan ko sa pep squad kasama narin ng ilang bystanders.

Bago pa ako makapag react, kumaripas na siya ng takbo paalis.

Napailing na lang ako kay Vin habang nakangiti.

“Jeanell ang sweet naman ng manliligaw mo! kung ako sayo sinasagot mo na yan” sabi nung isa naming kasamahan sa pep squad

“oo nga! Tsaka grabe ka alagaan oh. For sure magiging perfect boyfriend siya para sayo”

Nginitian ko lang sila then tinignan ko yung dala-dalang food saakin ni Vin.

I sighed.

Naalala ko dati kada break or pagkagaling sa practice sabay kaming nag me-meryenda ni Drew sa 7-11. Minsan cup noodles, minsan yung mga instant kanin at ulam na di-init sa microwave. Tapos ililibre niya ko ng mogu mogu or slurpee.

Kamusta na kaya ang lalaking yun? It’s been two weeks at hindi ko pa siya nakikita. Ni makasalubong sa school wala. Ni text nga hindi nagpaparamdam eh. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanya.

Napailing ako bigla.

Bakit ba hanggang ngayon grabe parin ako mag-alala kay Drew? Nakakaasar na. Dapat ibaling ko na lahat ng attention ko kay Vin dahil siya ang nandiyan palagi sa tabi ko, siya ang nag aalaga saakin at siya ang nagmamahal saakin.

Not Drew

“Jeanell..”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Kryzel na papalapit

“oh Kryzel nag meryenda ka na ba? Gusto mo ng doughnut?” alok ko sa kanya

Naupo siya sa tabi ko then tinignan niya yung foods “dala ni Vin?” I nod “I see, naku sayo na yan”

Natawa  naman ako sa sinabi ni Kryzel. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang init talaga ng dugo niya kay Vin.

“wag ka mag alala babayaran ko to kay Vin kaya kumuha ka lang” sabi ko sa kanya

“naku wag na! nagkakamabutihan na pala kayo. Sasagutin mo na siya?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya then I shrugged “siguro..”

“ibig sabihin nag aalinlangan ka parin?”

Hindi ko sinagot yung sinabi saakin ni Kryzel.

Nagaalinlangan? Sa totoo lang buo na talaga ang desisyon ko na sasagutin ko si Vin, pero aaminin ko, deep in side, meron at meron parin talagang pag aalinlangan.

“Jeanell, what if Drew told you na mahal ka na niya? Will you give him a chance?”

Nagulat ako sa tanong ni Kryzel kaya naman napayuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya “b-bat mo naman tinanong yan?”

“I just want to know..”

I sighed “I don’t know Kryzel… hindi ko alam kung magiging masaya pa ako pag nalaman ko yun. Maguguluhan ako lalo dahil ang naka set na sa isip ko ay kay Vin ako sasaya..”

“pero sigurado ka bang kay Vin ka sasaya?”

Hindi ko sinagot si Kryzel instead ipinako ko lang ang tingin ko sa sahig.

She tapped my back “I know not all the times pakikinggan natin ang puso natin, but sometimes, by listening to our heart, we find happiness..” sabi niya saakin then nginitian niya ko “mag warm up lang ako para sa practice ah? sunod ka na lang”

Pumunta na si Kryzel doon sa gitna ng gym habang ako naman naiwan doon.

Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko? Oo alam kong si Drew parin ang mahal nito, hanggang ngayon, si Drew parin ang tinitibok nito.

 




Kaya lang natatakot na kong masaktan…

 




 

 

Saglit lang ang practice namin sa pep squad dahil matagal pa naman ang susunod naming laban. After ng practice, agad akong dumiretso sa dressing room para magbihis. Medyo pagod narin kasi ako at isa pa baka inaantay na ko ni Vin.

Nang makapagpalit ako ng damit, dumiretso na ako sa locker ko para kuhanin ang mga gamit ko kaya lang napahinto ako ng makita ko si Drew na naglalagay din ng mga gamit niya sa locker niya.

Tinitigan ko siya. Mukhang pagod na pagod siya pero parang hindi siya umattend sa practice nila dahil naka school uniform pa siya. After two weeks ngayon ko lang ulit siya nakita.  Parang gusto ko siyang lapitan ngayon at yakapin. Nakaramdam ako ng sobrang pagkamiss sa kanya.

Oh snap out of it Jeanell! Ni hindi ka nga niya kinamusta eh. 

Plano ko na sanang tumalikod at umalis kaya lang napansin kong may injured ang braso niya. Before I could stop myself, napasigaw na ko ng pangalan niya.

“D-drew!”

Nakita kong biglang napatingin saakin si Drew at gulat na gulat siya ng makita niya ako.

“Jeanell—“

“anong nangyari diyan sa braso mo?! bakit may injured ka?!”

Iniwas niya ang tingin niya saakin “w-wala, na hulog kasi ako sa hagdan..”

“nahulog ka sa hagdan?! Drew bat di ka nagiingat! Alam mong malapit na ang tournament niyo tsaka ka pa nainjured! Ang tagal mong inantay ang tournament na to di ba?!” galit na galit kong sabi sa kanya “tsaka bat di mo manlang sinabi saakin na ganyan ang lagay mo?” mangilid ngilid ang luha ko habang tinatanong ko ang bagay na yun sa kanya.

Hindi naman ako sensitive na tao eh pero hindi ko alam bakit ako nasaktan sa fact na hindi manlang ako sinabihan ni Drew about sa lagay niya. Alam kong hindi naman niya ako girlfriend eh pero best friend niya ako! Among others ako ang pinaka nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang dadating na tournament.

Nakita kong yumuko si Drew “s-sorry kung di ako nagiingat” after niyang sabihin yun, isinara niya ang locker niya at tumalikod na siya saakin at naglakad palayo.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, dali-dali kong hinabol si Drew at niyakap ko siya from the back.

“Sorry Drew.. sorry sa sinabi ko. Alam ko namang nade-depress ka ngayon eh. Sorry talaga”

Inalis ni Drew ang pagkakayakap ko sa waist niya at hinarap niya ako “ayos lang, di naman ako galit. Sige Jeanell, una na muna ako sayo..”

Patalikod na ulit sana si Drew kaya lang bigla kong hinila ang braso niya

“may problema ba Drew?”

Iniwas niya ang tingin niya sakin “wala”

“then bakit ang cold mo saakin?! may nagawa ba akong mali?!”

He sighed “Jeanell, c-can we talk? May kailangan lang akong sabihin sayo” he told me while looking uneasy.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa friendship namin at kung bakit kami nagiiwasan ngayon. Pero siguro tama na magusap na kaming dalawa.

I nod “ok, let’s talk. Madami din talaga akong dapat sabihin sayo”

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko then umalis na kami ni Drew. I just texted Vin na umuna na akong umuwi dahil may kailangan akong gawin.

Sabi ni Drew doon na lang daw kami sa 7-11 mag usap para makapag meryenda narin kami. Though wala naman talaga akong ganang kumain ngayon dahil sa mga sasabihin ko kay Drew, pumayag narin ako kasi matagal ko nang di nakakasama tong lalaking to mag meryenda.

Sakto namang pagdating namin sa 7-11 walang masyadong tao at talagang magkakaroon kami ng “privacy”

“wait bibili lang ako ng makakain. Anong gusto mo?”

“uhmm wala. Ok lang ako.”

“ok then I’ll just buy you a slurpee and cup noodles, beef flavor” sabi niya saakin

Napangiti naman ako. Kada kasi pupunta kami dito yun palagi ang binibili ko.

Tinignan ko lang si Drew habang nagtitingin ng pagkain doon at naramdaman ko na naman na parang bumilis ang tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko pa talaga ang lalaking to. Kung sana nabigyan lang ng pagkakataon na maging kami, ako na siguro ang magiging masayang babae sa buong mundo.

Yun nga lang, parang napaka layo na mangyari ng bagay na yun. Masyado ng maraming nangyari. Masyado narin akong nasasaktan kaya siguro, dapat ko na talagang pakawalan si Drew.

Mas magiging ok kung magkaibigan na lang kami.

Drew and me ate in silence. Nakakabingi yung katahimikan. Usually kasi kapag magkasama kami, wala kaming ibang ginawa kundi magdaldalan ng magdaldalan ng kung anu-anong bagay. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko na ang laki ng pinagbago sa relasyon namin.

“u-uhmm Jeanell…”

Napatingin ako kay Drew at nakita kong nakatingin siya saakin ng seryoso

“sorry kung di ako nagparamdam sayo ng ilang araw ha? nagiisip isip kasi ako”

“ok lang yun, dahil doon nakapag isip narin ako..”

“Ah Jeanell--”

Pinutol ko yung sasabihin ni Drew “Sasagutin ko na si Vin”

Tinignan lang ako ni Drew nun at hindi siya umimik sa sinabi ko kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagsasalita

“Aaminin ko na i-ikaw parin hanggang ngayon pero Drew masaya ako kada kasama ko si Vin kaya naman alam kong hindi ako mahihirapan na mahalin siya. At tama ka, siguro hindi nga talaga tayo para sa isa’t isa dahil alam kong hanggang kapatid na lang talaga ang pag tingin mo saakin. But this time ayoko nang masaktan. Gusto kong maranasang mahalin ng taong mahal ko kaya naman Drew, sorry kung hihilingin ko sayo to pero sana, sana wag muna tayo magkita hanggang sa mahulog na ako ng tuluyan kay Vin…”

Hindi ulit sumagot si Drew but instead nakayuko lang siya habang nilalaro laro niya ang straw ng slurpee niya.

I sip my drink para mawala din ang awkwardness na nararamdaman ko.

“I-I see” Drew said after a while “n-naiintindihan ko. Actually yun din ang sasabihin ko” inangat niya ang tingin niya then our eyes met “sana maging happy ka na Jeanell” he told me while smiling.

He’s wishing me to be happy. Pero bakit nung bitawan niya ang mga katagang yun parang nadurog ang puso ko?

[Drew’s POV]

 

“Sasagutin ko na si Vin”

Dire-diretso kong ininom yung isang bote ng beer ng maalala ko na naman ang sinabi ni Jeanell.

Alam ko namang dadating talaga ang araw na magiging sila. Akala ko sa ilang araw na pagiwas ko kay Jeanell, tanggap ko na yun. Pero hindi pala. Nakalimutan ko na hindi parang computer ang puso na pwedeng mag delete ng memory.

Masakit, sobra.

Nung mga panahong nag uusap kami ni Jeanell, dapat talaga ay aamin na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Para atleast, kung kailangan man naming maghiwalay ng landas, nasabi ko manlang ang tunay na nararamdaman ko. Pero nung sinabi saakin ni Jeanell na sasagutin na niya si Vin at layuan ko na siya, I decided na wag ko na lang ituloy ang pag amin. Ayoko ng makagulo pa sa isip ni Jeanell.

All I want for her is to be happy.

Pero hindi ko ring maiwasang hindi masaktan.

“hay kaya ka naaagawan eh kasi lagi kang nagpapaka martyr”

Napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko si Stephen sa tabi ko na kasalukuyang umiinom ng juice na shake.

“nakakailang bote ka na ba ng beer?” tanong niya saakin “tignan mo ko shake lang. Healthy living ako eh”

Hindi ko pinansin si Stephen at pinagpatuloy ko lang ang pag inom.

“uy bro alam mo ba may alam akong sikreto mo?” sabi na niya saakin but again, di ko siya pinansin kaya pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita niya. Inakbayan ako ni Stephen “alam kong hindi naman talaga kayo ni Jeanell simula pa lang”




Napalingon ako kay Stephen dahil sa sinabi “p-paanong--? Wait alam ba ni Naomi?”

Nginitian niya ako then uminom siya ng shake niya atsaka niya ako sinagot “so that’s the reason. Kaya ba nagpanggap na kayo ni Jeanell is because of Nami?”

Hindi ko sinagot ang tanong ni Stephen

“if you’re worried about Naomi, don’t worry wala siyang alam. Pero tingin ko mas dapat nag-aalala ka ngayon kay Jeanell. Naagaw ko na dati sayo si Nami, ngayon hahayaan mo ulit maagawan ka ng babae? Buti sana kung kasing gwapo ko yung unggoy na umaaligid kay Jeanell kaso hindi eh”

“wala kang alam” sabi ko sa kanya

“siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mong kasiyahan”

“shut up!”

“forever ka ng hindi magkaka girlfriend kasi wala kang ibang ginawa kundi ipaubaya ang mga babaeng minamahal mo sa ibang lalaki”

“I said shut up!!”

Tumayo si Stephen at tinapik ako sa braso “naalala mo dati nung nalaman ko ang contract at nandito din ako sa bar na to at umiinom? Then dumating ka at ginulo mo ang utak ko nun. Gantihan lang pare”

“what the hell--!!"

“pero lahat ng sinabi ko totoo. A simple advice, minsan kailangan natin mag take ng risk para sumaya..”

Matapos sabihin ni Stephen yun, umalis na siya.

Napayuko ako habang nakasandal ang ulo ko sa magkabilang kamay ko. Sa totoo lang tinamaan din naman talaga ako sa sinabi ni Stephen.

Lahat na lang ba ng babaeng mamahalin ko kailangan kong ipaubaya sa iba? Una si Naomi, ngayon naman si Jeanell. Ano ba talagang problema bakit lagi na lang napupunta sa iba ang mga babaeng mahal ko?

“siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mong kasiyahan”

 

Napaangat ang ulo ko ng maalala ko ang sinabi ni Stephen.

Siguro nga napaka duwag ko. Wala akong ibang ginawa kundi magparaya. Ni hindi ko manlang nasabi kay Jeanell kung gaano ko siya kamahal.

Binayaran ko lang yung ininom ko at lumabas na ako sa bar. Pauwi na sana ako nun ng makita ko si Vin at Jeanell na magkasama.

Hawak hawak ni Vin ang kamay ni Jeanell at masaya silang naguusap dalawa.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naalala ko dati nung mga panahong nakikita ko rin si Naomi at Stephen na magkasama. Masakit, but at the same time, ayos narin kasi nakikita kong masayang masaya si Naomi.

Pero bakit ngayon hindi ko na maukhang maging masaya? Bakit puro sakit na lang ang nararamdaman ko?

Paulit ulit sinasabi ng puso ko na sana ako na lang ang kinakausap ni Jeanell, sana ako na lang ang kasama niya, sana ako na lang ang may hawak ng kamay niya at sana, ako ang dahilan kung bakit masaya siya.

 Pero hindi. Iba ang kasama niya.

"A simple advice, minsan kailangan natin mag take ng risk para sumaya..”

Siguro nga this time kailangan ko ng mag take ng risk. This time kailangan ko ng sabihin kay Jeanell ang lahat kahit na hindi ako ang piliin niya.

Dahil this time, ayoko ng magpaka duwag.




[Jeanell’s POV]




 “Jeanell gusto mo bang kumain? Nagugutom ka na ba? Or pagod ka na ba? Gusto mo magpahinga muna tayo?”

Hay buhay.

“Jeanell?” naramdaman kong may tumapik saakin kaya naman napalingon ako bigla kay Vin

“h-ha? bakit?”

“kanina pa parang malalim ang iniisip mo diyan ah? sabi ko kung nagugutom ka na ba?”

“ah hindi pa. Tara lakad lakad tayo” sabi ko kay Vin nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Vin ang kamay ko kaya napa atras ako bigla.

“oh s-sorry Jeanell, akala ko ok lang”

“ah hindi hindi, nagulat lang ako” kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito “sorry”

He smile at me then we walk in silence.

It’s been two weeks eversince makausap ko si Drew. Simula nun hindi ko na nga talaga siya nakita. Putol na lahat ng communication naming dalawa. Ni-hindi ko narin siya nakakasalubong manlang sa school.

Alam ko ginusto ko to pero sa totoo lang, ang hirap pala. Araw araw umaasa ko na makasalubong manlang siya, kahit na makita ko man lang siya ng isang beses. Pinilit kong alisin si Drew sa utak ko kaso wala, siya parin ang laman nito.

At sa totoo lang, ayoko na. The more na minamahal ko si Drew, mas lalo lang akong nasasaktan.

Napahinto ako bigla sa paglalakad.

“Jeanell, bakit?”

Tinignan ko si Vin then hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

“Vin m-may sasabihin ako sayo”

 

“hmm?”

 

“a-ahmm halos isang buwan ka narin nanliligaw saakin at nakita ko naman kung gaano ka ka-sincere saakin. Nakita ko kung gaano mo ako pahalagahan at alagan. Alam kong alam mo na h-hindi pa ako ganoong na f-fall sayo pero Vin I want to—“

“Jeanell” naputol ang sasabihin ko ng banggitin niya ang pangalan ko “bago mo ituloy yan may gusto muna akong aminin sayo”

“h-ha? ano?”

 

“hindi ako ang naglitas sayo nung nahulog ka, it’s Drew”

 

“huh? What are you saying? Ikaw yung nakita kong nasa tabi ko!”

 

“ako yung nagdala sayo sa ospital, ako yung nagbantay sayo hanggang sa magising ka pero si Drew ang sumalo sayo. Kaya hindi ka niya nabantayan is because he got injured by saving you..”

Hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni Vin then it hit me. Yung bali ni Drew sa braso. Yung injury na yun. . . ako ang may gawa nun?

Ipinatong ni Vin ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko atsaka niya ako tinignan maigi sa mata.

“Jeanell, alam ko kung ano yung sasabihin mo saakin pero bago yun, may gusto pa akong ipaalam sayo. Drew loves you..”

 

Pagkasabing pagkasabi ni Vin nun, bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko.

 

“i-impossible.. impossible.. hindi niya ko mahal. P-paano nangyari yun! please! Wag kang magbibiro ng ganyan!” umiling iling ako habang tinatakpan ang mukha ko ng mga kamay ko “hindi niya ako mahal…”

“He loves you Jeanell. Alam ko napakatanga ko para ipaalam pa sayo ang mga bagay na to pero ramdam na ramdam kong hindi ka magiging masaya saakin. Isa pa, ayoko rin na maging panakip butas” hinawakan ni Vin ang kamay ko “come with me”

Hinayaan ko lang na hilahin ako ni Vin. Wala akong idea kung saan kami pupunta dahil hanggang ngayon, occupied parin talaga ang utak ko sa mga sinabi niya.

Mahal ako ni Drew? Paano nangyari yun? halos hindi ko mapaniwalaan ang nalaman ko. Parang napaka imposible.

“Jeanell! Vin!”

Natauhan naman ako ng makita ko si Kryzel na tumatakbo papalapit saamin. Doon ko lang napansin na dinala ako ni Vin sa quadrangle ng university namin.

“Buti dumating kayo!” sabi ni Kryzel

“huh? Bakit?” takang taka na tanong ko naman sa kanya but instead na sagutin niya ako, si Vin ang kinausap niya.

“salamat” sabi ni Kryzel kay Vin

“bayad ko na ang kasalanan ko ah?” sabi naman niya at tumalikod na siya saamin

“Wait Vin saan ka pupunta?” habol ko sa kanya kaya lang tuloy tuloy siyang naglakad palayo

“Jeanell come with me” sabi ni Kryzel at hinatak niya ako papalapit doon sa stage

anong meron kryzel?”

 




And again hindi niya ako sinagot, instead, ngumiti lang siya saakin.

“oh nandito na si Jeanell!”

Napatingin ako doon sa nagsalita at nakita ko sina Naomi na papalapit saakin.

“baklaaa!” tinapik ako ni France sa balikat “ang haba ng hair mo!”

 

“Fransisco Juan di pa nag i-istart, wag excited!”

 

“t-teka ano ba talagang nangyayari?!” sigaw ko sa kanila.

An tupa naman oh! Ano bang meron?! Sumasakit na ang ulo ko dito ha! Hindi pa ko nakaka recover sa mga sinabi ni Vin dumadagdag pa tong sila Kryzel!

Ano ba kasing---

“hello”

Napalingon ako bigla sa stage ng marinig kong may nagsalita at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Drew na nasa stage at may hawak na gitara.

“uhmm sorry kung naabala ko kayong lahat na pumunta dito. Sa totoo lang, hindi ko nga alam bakit ko naisipang gawin ang bagay na ito. Siguro dahil isang araw nagising na lang ako na pagod na akong magpaka duwag” nakita kong naglabas ng panyo si Drew at pinunasan niya ang noo niya “sorry medyo kinakabahan ako kasi unang beses ko lang gagawin ang bagay na to. Pero bago ang lahat, may ikukwento muna ako. Meron akong bestfriend, lagi siyang nandiyan nung mga panahon na sobrang nasasaktan ako. Hindi niya ako iniwan nun kahit pinagtabuyan ko siya palayo. Sabi niya saakin mahal niya kasi ako. Kaso ako hanggang kapatid lang ang tingin ko talaga sa kanya nun. Pero kahit ganun, hindi niya ako iniwan. Kaya lang, lahat ng tao napapagod din lalo na kung paulit-ulit silang nasasaktan. Isang araw nagising na lang ako na hindi na ako ang may hawak ng kamay ng bestfriend ko. Nakita ko na lang na may kasama na siyang iba. Nasaktan talaga ako nun. Akala ko nga dahil siguro nasanay lang ako na nandiyan siya. Yun pala hindi” ibinaba ni Drew ang mga tingin niya sa audience at nagulat ako ng mag meet ang tingin naming dalawa “mahal ko na pala ang best friend ko. Mahal na mahal…” sabi ni Drew habang nakatitig siya saakin “napaka tanga ko lang at hindi ko manlang maamin amin sa kanya yun”

 




“w-what…” bulong kosa sarili ko “w-what is he saying..”

 

“napakalinaw na Jeanell, mahal ka niya. Mahal ka ni Drew” sabi ni Kryzel saakin

At dahil sa sinabi ni Kryzel, napatakip na lang ako ng bibig habang nangingilid ang luha ko.

“imposible…”

“Mahal kita Jeanell. Alam ko huli na ang lahat para aminin ko pa to sayo. Alam ko na ilang beses ka naring nasaktan ng dahil saakin pero gusto ko, bago mo manlang bitawan ang nararamdaman mo saakin, naamin kong mahal kita para naman hindi narin ako magsisi”

Nakarinig ako ng malakas na hiyawan galing sa mga tao pero ni-isa sa mga sinasabi nila ay wala akong naiintindihan. Para akong biglang nabingi at ang tanging boses na lang na naririnig ko ay kay Drew

“imposible..” bulong ko ulit sa sarili ko

Drew started strumming his guitar at kumanta siya habang nakapako ang tingin niya sa mga mata ko.




“This time, this place
Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?”


 




“Jeanell, mukha ba talagang imposible na magustuhan ka niya? Tignan mo tong ginagawa ni Drew, mukha ba talagang imposible?”

Napailing na lang ako habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.

“Just one chance
Just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know,
You know, you know”

Mahal ako ni Drew? Mahal ba talaga niya ako? Bakit niya sinasabi to ngayon kung kelang ayoko na? 



Bakit kung kelang nakapag decide akong bitawan siya atsaka siya lumalapit ngayon?

 

“That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away too far too long”

Naramdaman kong may pumatak na luha sa mata ko. Oo nakakaasar talaga ang lalaking to! Nakakayamot talaga siya! Matapos ng madaming luhang ibinuhos ko dahil sa kanya tsaka niya gagawin to? Matapos akong mapagod tsaka niya sasabihin ang mga bagay na to?




“I keep dreaming you'll be with me
And you'll never go
I’ll stop breathing if
I don't see you anymore”

 

Pero kahit na iniyakan ko siya, kahit na nasaktan ako ng paulit ulit dahil sa kanya, bakit ako nakakaramdam ng sobrang saya ngayon? Bakit pakiramdam ko parang gusto ko siyang yakapin ngayon?


“On my knees, I'll ask for one
Last chance for one last dance
Cause with you, I'd withstand
All of hell to hold your hand”



Nakita kong napatingala si Drew then he blinked. Alam kong pinipigilan niya na pumatak ang mga luha sa mata niya

“I'd give it all
I'd give for us
Give anything but I won't give up
'Cause you know,
You know, you know”

Nasasaktan siya dahil akala niya sasagutin ko na si Vin? Alam kong ang selfish selfish ko, pero bakit ako natutuwa sa idea na yun?


“That I love you
I have loved you all along”

Mahal din kita Drew at kahit kelan hindi nagbago yun

“And I miss you
Been far away for far too long”

Kung alam mo lang na halos mabaliw ako nung mga panahong nilalayuan na natin ang isa’t isa.



“I keep dreaming you'll be with me
And you'll never go”

Huminto si Drew sa pag strum ng gitara then tinitigan niya ako

“I’ll stop breathing if I don't see you anymore”

After he said those line, ibinaba niya ang gitara at tinalikuran niya kaming lahat atsaka tumakbo palayo. Pero bago yun, I got a glimpsed on his face at nakita kong may tumutulong mga luha dito.

“ay naku nag runaway yung papa!” rinig kong tili ni France




“ay anak ka naman ng--!! Drew Fernandez naman! Bat ka tumakbo!!” sigaw naman ni Kryzel.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, agad agad akong tumakbo paakyat ng stage at hinawakan yung mic na gamit gamit kanina ni Drew.

“DREW FERNANDEZ!!!” I shouted at the top of my lungs kaya naman lahat sila napatakip ng tenga nila. Nakita kong napahinto din sa pag takbo si Drew at napatingin siya saakin.




“a-ano…” ay anak naman ng tupa… ano nga ba sasabihin ko sa kanya? Na mahal ko pa siya? na siya parin talaga ang makakapagpasaya saakin? na wala akong ibang minahal kundi siya?

Na wala akong paki kung sinaktan niya ko dati basta ang alam ko mahal na mahal ko parin siya?

Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng tao yun pero naisip kong ituloy yung kinakanta ni Drew kanina.

“I wanted
I wanted you to stay

'Cause I needed
I need to hear you say”

Nakita kong unti-unting lumapit si Drew sa stage habang hindi niya inaalis ang mga mata niya saakin



“That I love you
I have loved you all along”

At kahit kailan di nagbago yun

 

“And I forgive you
For being away too far too long”

Kahit na nasaktan ako sayo, kahit na umiyak ako ng dahil sayo.. alam ko sayo at sayo parin talaga ko babalik.




“So keep breathing
'Cause I'm not leaving you anymore”

At kahit kelan, di na talaga ako aalis sa tabi mo.

Bumaba ako ng stage at inabot ko ang kamay ko kay Drew


“Hold on to me and
Never let me go”

 

“J-jeanell…”







 “baliw!” sigaw ko sa kanya “tatakbo ka agad ni hindi mo pa naririnig ang reaction ko sa ginawa mo!”

“h-ha?”

 




“ang corny corny corny corny ng ginawa mo alam mo bay un? Ilang pelikula nab a ang nakita mong gumawa ng ganitong eksena ha? isa pa kakanta ka pero hindi mo tatapusin!”

Nakita ko naman ang naguguluhang expression sa mukha niya kasabay ng tawanan ng mga tao dahil sa sinabi ko.

“s-sorry kung ang corny at ang jologs ng ginawa ko. Alam ko mas higit pa ang mga ginawa ni Vin dito pero hindi ko naman talaga intended na sirain kayong dalawa. Gusto ko lang na umamin sayo Jeanell. At ito lang ang naisip kong way para maniwala ka sa sinasabi ko. But in the end masakit parin pala talaga na malamang iba na ang gusto mo”

“hindi mo ba pinakinggan ang lyrics nung kinanta ko kanina?”

 




“h-ha?”

Bigla na namang tumulo ang luha sa mata ko at kinanta ko ulit yung lyrics na kinanta ko kanina.

I-I l-love you. I h-have lo-ve y-you all a-along…” hinawakan ko ang kamay ni Drew at nakita kong tumulo narin ang luha sa kanya “A-and I forgive you, for being away t-too f-far too l-long..” hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ko ang luha na tumutulo galing sa mga mata niya “S-so keep b-breathing cause i-im not l-leaving you anymore”

Bigla akong hinila ni Drew papalpit sa kanya at niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit

hold on to me and never let me go…”

 




“I love you, Jeanell…”

 




“h-hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya marinig na sabihin mo ang salitang yan?”

Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin atsaka pinunasan niya ang luha sa pisngi ko “edi araw araw ko ng sasabihin sayo ang mga bagay na yan. Jeanell mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan nung panahong kasama mo si Vin. Napaka duwag ko kasi eh… pero this time ayoko na magpaka duwag dahil gagawin ko ang lahat maging masaya lang ako…. Tayo..”

“i-inaasahan ko yan ah?”

He smiled at me habang pumapatak din ang luha sa mata niya

“I’ll never let you go…”

And after he said those words, he gave me one sweet kiss.

End.

**

Mensahe ni majinbu:

Atlast natapos narin po ang BTCHO Special: New Love! Salamat po ng madami sa pag babasa ng story ni Jeanell and ni Drew! Anyways, as promised dalawa ang magiging special nito. Meron pang BTCHO Special: The Wedding ... Special chapters naman po for Naomi and Stephen before ng "wedding" nila.. kung nabitin man din kayo sa story ni Jeanell at Drew, don't worry, makikita niyo kung paano sila as couples sa next btcho special.

Ayun lamang po. Salamat po ulit sa mga nagbasa.

Favor naman po kung may time kayo, kindly tweet to me your favorite part sa BTCHO Special: New Love >> @iamAlyloony 

Salamat po ulit! :)