angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 23
*unrecognized feelings* 

Picture
[Dionne’s POV]

“Japoy gising na, kailangan mo ng maligo at malapit narin mag breakfast kaya bumangon ka na!”




Nagtalukbong naman ng kumot si Japoy. At hindi ako pinansin.




Hay buhay, every morning na lang ganito kaming dalawa. Mag se-set siya ng time sa alarm clock niya, babagon siya para patayin pag nag alarm tapos balik ulit siya sa kama at matutulog. Pag ginising ko magagalit siya, pag di ko ginising magagalit parin siya.




At ngayon naman nandito kami sa Subic ganyan parin siya. May certain time lang yung breakfast buffet sa baba kaya naman pag di namin naabutan yun, di na kami makakapag breakfast dalawa! Nagugutom pa naman ako. T___T




“uy japoooooy! Bumanggon ka na! male-late ka na sa shooting mo oh. Dali na!!”




“tss wag ka magulo!!! Anak ng---kita mong natutulog yung tao oh!!” sigaw niya saakin.




See? Galit na naman siya! Ang cute cute talaga ni Japoy, kala mo kinder! ^__^




Hay no choice ako kundi gamitin ang huling alas ko para gumising ang isang to.




Huminga ako ng malalim at itinapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko atsaka sumigaw ng pagkalakas lakas.




“Magnanakaw!!! Magnanakaw!! May nakapasok na magnanakaw!! Uwaaaaaaa ninanakaw na ang mga alcohol ni Japoy!! Uwaaaaaaaaaaa!!”




Nakita ko namang halos napatalon sa kama si Japoy at mukhang gulat na gulat sa pagkakasigaw ko.




“ha?! Magnanakaw?! Nasaan!! Nasaan yung magnanakaw!!” kinuha niya yung lampshade na nakapatong sa gilid ng kama niya “nasaan?!” tanong niya saakin habang lumilingon lingon siya at nakaamba yung lampshade na any minute eh ipangpupukpok niya sa magnanakaw pag nag appear ito.




“joke lang! hehehe. Ligo ka na para makakain na tayo sa baba” sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti ako.




Nung matauhan si Japoy sa sinabi ko, ibinaba niya yung lampshade doon sa side table at tinignan ako. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya na dala ng galit na akala mo eh isa siyang bulkan na malapit ng sumabog. But for me he look so cute! XD




YOU--!!! YOU--!!! ARRGGGGGGGHHHHHHHHH!!! You’re making me insane!!!!!” sigaw niya sabay pasok sa loob ng C.R at ibinalabag ang pinto nito na akala mo eh masisira buong resort house na tinutuluyan namin.




Hala napikon ata saakin! O__O




Pero ok lang atleast naliligo na siya, makakakain na kami ng breakfast! ^__^







After maligo ni Japoy, bumaba na kami sa buffet hall para kumain ng breakfast. Nakita naman namin doon sina Maisie at Rui na kumakain narin.




“Dionne-chan!” tawag saakin ni Rui nung mapansin niyang palapit na kami sa kanila “here!”




Inusog niya yung isang upuan para saakin




“s-salamat Rui!” lumingon ako kay Maisie “good morning, Maisie!”




“good morning Dionne! Good morning kuya!” bati ni Maisie saamin




“Dionne-chan, ako na bahala kumuha sayo ng breakfast! Wait lang ha..”




“p-pero--!”




“hay naku Rui may paa yang chimay na yan! Kaya niya kumuha!!” yamot na sabi ni Japoy kay Rui then lumingon siya saakin “ikaw! Kumuha ka ng pagkain ko!” sigaw naman ni Japoy saakin “gusto ko nung bacon, at nung omelet. Tapos garlic rice. Ikuha mo narin ako ng cream of mushroom soup pati tinapay at strawberry jam. Pati pala kape ha!” utos niya saakin




“grabe ka naman Jake nii-chan! May paa ka! Kaya mo pumunta doon sa buffet table!” sabi naman ni Rui kay Japoy




“eh bakit ba! Chimay ko yan eh kaya may karapatan akong utusan yan dahil ako nagpapasweldo sa kanya!” sagot ni Japoy kay Rui




Sasabat pa sana ulit si Rui kaya lang pumagitna na ako sa kanila “okay lang Rui, tama naman si Japoy. Pwede mo ba akong samahan sa buffet table?” yaya ko naman kay Rui




“s-sure Dionne-chan!”




“tss” rinig kong sabi ni Japoy




Pumunta kami ni Rui sa buffet table at kumuha ng pang breakfast naming dalawa ni Japoy.




“hay grabe naman si Jake nii-chan! Ang dami dami naman pinapakuhang pagkain! Tsaka isa pa bat ba ang init init nung ulo nun”




“hehehe naasar ko kasi siya kanina kaya siguro bad mood” malamang yun talaga ang dahilan. Simula kasi nung lokohin ko siya kanina, nakabusangot na ang mukha niya.




Tama nga talaga ang sabi nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising. Wahahahaha. Pero ang cute din naman kasi ni Japoy kanina nung ginulat ko siya kaya di rin ako nagsisisi sa nagawa kong panloloko ko sa kanya ^___^




Di bale makabawi na nga lang sa kanya para mawala na ang pagkabadtrip niya saakin. XD




Kumain lang kami doon ng breakfast and after that, pinag pahinga lang saglit atsaka pinatawag na agad para sa shooting nila. Tuwang tuwa naman ako dahil sa beach kukunan yung mga eksena.




“Japoy, japoy! Gala tayo mamaya dito sa beach after ng shooting niyo ha! Please! Ang tagal ko ng di nakakapunta dito eh! Pulot tayo ng sea shells tapos gawa tayo ng sand castle!” yaya ko sa kanya habang nagbabasa siya ng script. Eksena pa kasi ni Rui ang kinukuhanan pati nung ibang cast na kasama nila kaya medyo nakapahinga muna si Japoy.




“tss para kang bata!”




“eh dali na Japoy ha? Please!”




“oh stop nagging him will you!” napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko si Venus na papalapit saamin “hindi mo ba naisip na after ng shooting pagod si Jake! Tss! What a very irresponsible PA!”




She rolled her eyes at me. Napayuko na lang ako at di pinansin ang sinabi niya. Sabi kasi ng mama ko, kung magpapaapekto ako sa masasakit na salita ng isang tao, magiging miserable daw ako.




At isa pa, alam ko kung bakit nagkakaganyan si Venus. Dahil sa mama niya. Kung pwede ko nga lang siya tulungan…




“anyways Jake, siguro naman aware ka sa scene natin ngayon di ba?” tanong ni Venus kay Japoy




“yeah, yeah I know that. Don’t worry I’m still an actor and I’ll give you a very good scene”




“Jake, Venus! Scene niyo na!” rinig kong sigaw ni direk from somewhere. Tumayo na si Japoy at inabot saakin yung script niya.




Nakita ko naman si Venus na nagtanggal ng bathrobe na suot niya at halos mapanganga ako ng makita kong naka two piece lang siya. Ang puti puti niya at ang kinis kinis pa.




Bagay nga sa kanya ang name niya, Venus, goddess of beauty.




Lumapit si Venus kina Japoy at doon sa director habang yung director naman, may ipinapaliwanag sa kanilang dalawa.




Napaisip tuloy ako bigla. Ano kaya ang tingin ni Japoy kay Venus? Alam ko na nagkaroon ng issue na naging sila. Alam ko rin na pag papanggap lang naman yun but still… lalaki parin si Japoy at natulog sila nun sa iisang kwarto dati. Sobrang ganda ni Venus, sexy, maputi, makinis. Ang tipo ng babaeng alam kong type ni Japoy. At hindi rin malabong hindi maakit si Japoy sa kagandahan ni Venus...




May nangyari na kaya sa kanila?




Bigla akong napailing dahil sa pinagiisip ko.




Ano ba Dionne, bat ba ang dumi mong magisip? Tsaka bat ba ko nabo-bother dito? Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang nai-insecure ako kay Venus na ewan?




Para madistract ang utak ko, pinanuod ko na lang yung eksena nina Japoy at Venus. Nakaupo si Venus sa may buhangin then may lumapit na dalawang lalaki sa kanya na parang gustong makipagkilala. Bigla-bigla naman pumasok si Japoy sa eksena at kinaladkad si Venus palayo doon sa mga lalaki.




“What are you thinking?!?!” sigaw ni Japoy kay Venus na mukhang galit na galit




Bigla naman hinila ni Venus ang braso niya sa pagkakahawak ni Japoy “bakit ba! Ano bang problema mo!”




“why are  you wearing those kind of clothes here!!” sigaw ulit ni Japoy kay Venus




“ano ba! Beach to! Natural ganito ang suot ko!”




“hindi mo ba napansin ang tingin nung mga lalaking yun sayo ha?! Para kang isang dessert na pag pe-pyestahan nila!”




Huminga ng malalim si Venus then iniwas niya ang tingin niya kay Japoy “a-ano b-bang paki m-mo?”




Parang biglang natigilan si Japoy then I saw a painful expression on his face “oo nga.. ano nga ba naman paki ko.. sino nga ba naman ako..” after that tumalikod na si Japoy.




Grabe! Halos mapa standing ovation ako dito! Ang gagaling nila umarte to the point na dalang dala ako sa eksena. Tumayo na ako at palapit kay Japoy para bigyan ng towel kaya lang sinenyasan ako nung isang crew doon na di pa tapos yung eksena at wag akong lalapit kaya naman napatigil ako.




“b-bakit…” halos pabulong na sabi ni Venus “b-bakit ka ba palaging nag aalala saakin? Bakit mo ba ko inaalagaan? Ano ba talaga ako para sayo ha?” nakita kong may tumulong luha sa mata ni Venus “ano ba talaga ako sa buhay mo?”




Bigla ulit lumingon si Japoy kay Venus at halos patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap niya si Venus.




Napahawak ako bigla sa may chest ko. Bakit ganun, bakit parang biglang may kumirot sa puso ko?




“hindi pa ba malinaw kung ano ka para saakin?” sabi ni Japoy then hinalikan niya ang ulo ni Venus “m-mahal kita. Mahal na mahal kita na halos mabaliw ako sa sobrang selos kada makikita kong may iba kang kasamang lalaki..”




Pagkatapos nun ay humiwalay si Japoy sa pagkakayakap niya kay Venus habang si Venus naman ay umiiyak pero may ngiti sa labi niya.




“alam mo bang ang tagal ko ng inintay na sabihin mo ang mga salitang yan?”




After that, unti-unting naglapit ang mga mukha nila habang unti-unti rin nag lalapat ang mga labi nila.




It was a slow, passionate kiss na kahit ako ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan nilang dalawa.




Alam kong acting lang to, pero dahil sa sobrang galing nila, parang totoo na ang eksena.




Yun nga lang bakit ganito ang nararamdaman ko?







Bakit kesa kiligin ako, nakakaramdam ako ng matinding sakit?












***










Mensahe ni Majinbu




Sorry sorry sorry po talaga sa matagal na pag uupdate. Halos pang gabi po kasi lagi ang schedule ko sa work and pag uwi ko, umaga na, natutulog na lang ako halos mag hapon. Kung hindi man, I'm too tired para mag type ng update kaya kesa mukhang ewan lang ang itype ko, nagpapahinga na lang ako. Pasensya na po talaga. But promise, I'll try my very best na mabigyan kayo ng mabilis na update at the same time, hindi lame. Pasensya na po talaga.




Salamat ng madaming madami sa matyagang nag aantay at patuloy na nagbabasa nito. Salamat talaga! Godspeed <3