Glig Graphics

Chapter 25
*second*

Picture
A/N: This one is originally updated in wattpad last August 26, 2012

[Jake’s POV]

Nasaan na ba yang chimay na yan?! Bat ba ang tagal tagal niyang bumalik dito sa hotel ah?! Sabi niya saglit lang siya sa beach! Pero kanina pa siyang alas-tres umalis eh! Anong oras na ngayon?!

Napalingon ako doon sa wall clock. It’s 3:15

Eh b-bakit ba! Kahit 15 minutes ago lang siya umalis mainipin ako! Ayoko pinagaantay ng matagal!! =__=

Dahil sa sobrang badtrip ko, nahiga na lang ako sa kama at sinubukang matulog.

After 2 minutes.

Anak ng tokwa talaga!!!

Bumangon ako sa kama at napakamot na lang ng ulo ko dahil sa sobrang inis. Bwiset na PA yan oh! Kesa pagaanin ang trabaho ko puro kunsumisyon pa ang dinadala saakin!!

Bakit ko nga ba yun pinayagang sumama kay Rui ha?! Ang kapal ng mukha ng babaeng yun! Binabayaran ko siya hindi para lumandi! Arggh! Nakakaasar!

Tumayo ako at agad agad sinuot yung tsinelas ko and nag t-shirt. After that dali-dali akong lumabas ng kwarto. Mapuntahan na nga yang chimay na yan at maturuan ng leksyon! Dapat ipaalala ko sa kanya na trabaho niyang pagsilbihan ako hindi yung landiin yung hapon na yun!

Pagka baba ko sa lobby, nagulat naman akong lapitan ng isang grupo ng mga babaeng naghahagikgikan na akala mo eh kinikiliti yung mga singit nila.

“H-hi Jake Marquez!” kaway nung isang babae

At kahit na iritang irita na ako, nginitian ko sila then nag wave ako sa kanila dahil mga fans sila. At ayun mga nagtilian.

“OMG! Nag smile siya! Nag smile siya! Ang gwapo niya talaga!”

“uwaaaaaa makalaglag panty ito!”

“di na kailangan malaglag ng panty ko dahil willing akong hubarin to para sa kanya!”

Tinalikuran ko sila. Putek nakakadiri. But oh well, can’t blame them. Iba talaga ang nagagawa ng charms ko. >:)

 Bago pa maisipan ng mga babaeng to na sunggaban ang katawan ko, dumiretso na ako agad sa beach. Sa hindi kalayuan nakita ko agad sina Rui at Dionne na parehong nakahiga sa buhanginan.

Ano ba yan! Mag sa-sun bathing na nga lang sa buhanginan pa hihiga?! Nakakadiri!

Medyo lumapit ako sa kanila at naaninag ko na itinaas ni Dionne yung kamay niya at parang may tinitignan siyang bato. Bigla naman kinuha ni Rui yung bato sa kamay ni Dionne at tinignan niya rin to.

Medyo lumapit pa ako sa kanila at nakita kong umayos ng upo si Rui at inabot ulit yung hawak niyang bato kay Dionne.

“sayo na lang. Ingatan mo yan, puso ko yan” dinig kong sabi ni Rui

Bigla akong napahinto ng marinig ko yun. For a second, parang bigla atang may kumurot sa puso ko. Tokwa, epekto ba to ng sobrang pagkain ng matataba at masesebong pagkain? Iiwasan ko na nga yan at baka magkasakit ako sa puso. =__=

“ikaw talaga Rui! Ang hilig mong magbiro! Pero kung puso mo to hindi ko to matatanggap” dinig kong sabi ni Dionne at nakita kong nakaayos narin siya ng upo.

“h-huh? Bakit naman?”

“kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo”

 

I nod. Tama! Tama si Chimay! Bakit niya ibibigay ang puso niya kay Dionne ha?! Mahal niya ba to?! Adik ba siya?! Naka drugs ba siya?! Obvious na obvious na si Maisie ang mahal niya no! =__=

Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Rui pero nakatitig lang siyang maigi kay Dionne na akala mo eh pagkain si Dionne.

Ay tokwa mamaya rapist pala tong lalaking to ah?! =__=

Pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Rui ang mga kamay ni Dionne

“R-rui m-may problema ba?” rinig kong sabi ni Dionne

“keep the heart-shaped stone please”

 

“h-huh?”

“Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko diba? Then I’m giving you my heart…”

“t-teka Rui—“

“Dionne, hindi ko alam kung paano nangyari to. Oo aaminin ko sayo na unang beses pa lang kita nakita, na-attract na ko sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama. May times pa na naiinis ako ay Jake-nii chan kasi pinapahirapan ka niya. Meron din times na nag seselos ako kasi parang feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Dionne… Aishiteru.. Mahal kita..”

Napatulala si Dionne sa sinabi ni Rui. At katulad niya, parang napatulala din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong sumugod doon at sapakain si Rui. Parang bigla akong nakaramdam ng sobrang galit, sobrang inis … at sobrang insecurity.

 

At the same time, nakaramdam din ako ng takot sa magiging sagot ni Dionne kay Rui.

“R-rui.. Uhmm a-ano kasi .. ahmm—“

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bigla na lang akong napasigaw ng malakas at tinawag ang pangalan ni Dionne

“DIONNE!!”

Parehong napatingin saakin sina Rui at Dionne habang tuloy-tuloy ang paglalakad ko.

“J-japoy?!”

Hindi ako umimik at hinawakan ko lang si Dionne sa wrist niya at hinaltak ko siya papalayo kay Rui.

“t-teka Japoy---“

 

“babalik na tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!” sabi ko kay Dionne habang tuloy tuloy parin ang paghila ko sa kanya. Bwisit! Hindi ko alam bat galit na galit ako! At hindi ko rin alam bat hila hila ko tong chimay na to ngayon!!

Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa kabilang wrist ko at nakita ko si Rui na seryosong nakatingin saakin.

“teka, di ba nag paalam si Dionne-chan? Bakit ngayon pinapabalik mo siya?”

 

Tinabing ko ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama

“wag ka makielam!

After that, dire-diretso ko ng kinaladkad si Dionne pabalik sa kwarto namin.

Bat ba ko asar na asar?!?!

[Dionne’s POV]

“J-japoy! Teka lang ano ba! Ano bang problema!!” tanong ko sa kanya habang hatak hatak parin niya ako pero hindi ako pinapansin ni Japoy. Ramdam na ramdam ko ang galit niya pero hindi ko naman malaman kung bakit siya nagagalit.

Ano kaya problema ng isang to?

“uy japoy!”

Hindi parin niya ako pinansin hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin. Pagkasaradong pagkasarado niya ng pinto, tsaka na lang niya ako binitiwan.

“uy Japoy! Bat galit ka? Ano bang problema? Bat mo naman ako hinatak ng ganun kanina?” tanong ko sa kanya.

Though in some ways, thankful parin ako sa paghatak niya saakin dahil kanina, hindi ko na talaga alam ang isasagot ko kay Rui. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact dahil sa sinabi niya. But still, mali parin na iwanan si Rui ng ganun ganun lang. Kawawa naman siya. Alam kong hindi madali sa kanya ang ginawa niyang pag amin saakin tapos bigla lang sisirain ni Japoy.

“uy Japoy. Kawawa naman si Rui, iniwan ko siya. Bat mo ba ko kinaladkad? Ano ba yung ipapagawa mo saakin? Gagawin ko na agad para makabalik ako doon.”

Biglang humarap saakin si Japoy at nagulat ako ng makita kong galit na galit siya “makabalik?! Para saan?! Para sagutin mo siya ha?!”

“n-narinig m-mo y-yung sinabi niya?”

Hindi niya ako sinagot instead lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabila kong braso atsaka niya inilapit ang mukha niya at tinitigan ako sa mata.

“listen, wala kang ibang dapat intindihin kundi yung trabaho mo saakin. You’re my PA for pete’s sake! Ako ang nagpapalamon sayo! Ako ang nagsu-sweldo sayo kaya naman saakin ka lang dapat titingin! Wag ka nang makikipaglandian kay Rui!”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Japoy at halos mapaiyak ako dahil sa sakit ng mga binitiwan niyang salita “kaibigan ko si Rui..” halos pabulong kong sabi sa kanya

“Amo mo ako! Sundin mo ako!”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bigla ko na lang siyang sinampal.

“Oo pinapasweldo mo ako, pero hindi mo binabayaran ang buhay ko. Tandaan mo yan.”

May tumulo na luha sa gilid ng mata ko na agad ko namang pinunasan

“Aalis muna ko saglit” halos pabulong kong sabi sa kanya at tinalikuran ko na siya.

Maglalakad na sana ako papunta sa may pintuan ng hilahin ulit ako pabalik ni Japoy at isinandal niya ako sa pader

“J-japoy—“

“D-dionne!! Y-you’re s-so – y-you’re s-so—“

Tinignan ako ng masama ni Japoy at nagulat ako ng biglang ilapit niya ang mukha niya to the point na ramdam na ramdam ko na ang pag hinga niya

“you’re so…”

At sa isang mabilis na iglap lang..

…naramdaman ko ang labi ni Japoy na nakadikit sa labi ko.

1 second

2 seconds

3 seconds..

Biglang humiwalay saakin si Japoy

“you’re so ugly..” bulong niya saakin. Afterwards, lumayo na siya saakin at tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Pagkasarang pagkasara niya ng pinto, napaupo na lang ako sa sahig habang hawak hawak yung labi ko.

At sa hindi malamang kadahilanan…

…hindi ko maialis ang ngiti sa mukha ko




***




A/N




Uwaaaaaaa sorry ngayon lang po nakapag update! And sorry kung mga lame na ang updates ko. Pasensya na talaga. Pero salamat sa lahat na patuloy na nag babasa nito! <3