Glig Graphics

Chapter 26
*The Goddess’ Pain*

Picture
(This one is originally updated in wattpad last September 5, 2012)


[Jake’s POV]

“sh1t! sh1t! sh1t!” paulit ulit kong sabi habang inuumpog ko yung ulo ko sa may manebela ng kotse ko.

 Pagkatapos kasi nung “nangyari” saamin ni Dionne, dumiretso ako palabas ng room namin ng hindi alam kung saan ako papunta kaya naman nauwi ako sa parking lot at pumasok sa loob ng kotse ko habang paulit ulit na inuumpog ang sarili sa manebela.

I think I’m going insane. Why the heck did I do that?! I kissed her…again! Pero this time with her eyes wide open! Nakita niya, naramdaman niya.. and now, ano sasabihin ko sa kanya kung bakit ko siya hinalikan?!

Because she’s …uhhh… ugly?!

Anak ng pagong oh!

Eh ano ba kasi talagang rason ko kung bat ko ginawa yun sa chimay n ayun?! Isa pa.. anak ng pagong! Mamaya hindi yun nag toothbrush! Nakakadiri.. =___=

Napabuntong hininga ako sabay napapikit habang nakatakip ang palad ko sa mata ko. Naalala ko na naman yung itsura ni Dionne kanina. Nung napatitig ako sa mata niya, nung napadapo yung tingin ko sa labi niya… para akong nakukuryente ng mga panahon na yun. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan. Basta ang alam ko lang ng panahon na yun, mababaliw ako kung di ko ginawa yun.

Putek! Nagiging manyak na ba ko?! At sa dinami-dami ng gusto kong manyakin ay yung chimay na yun?! Bumababa na ba ang taste ko?!

Napakamot ako sa ulo.

Baka naman inlove ako sa chimay na yun?

Ay tokwa! Ano ba yang iniisip ko!! Nakakadiri! Ako?! As in ako, si Jake Marques, gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango ay magkakagusto sa chimay na yun?!

Imposible! Ayun na ang pinaka imposibleng bagay na pwedeng mangyari! Dionne’s a complete opposite ng babaeng magugustuhan ko.

Ay ewan! Bago pa ko masiraan ng bait, makapag round trip na nga lang muna! Wala lang yung nangyari kaya hindi ko na dapat isipin. Sus, halik lang yun! Ilang babae na ba ang nahalikan ko? Madami-dami narin! Walang pinagkaiba yun sa halik ko sa chimay na yun.

 

Wala.

 

Pinaandar ko na yung kotse ko at pinaharurot ng takbo palabas ng parking lot. Nagikot ikot lang ako around Subic. Nung may nakita naman akong mga unggoy na nagkalat sa gilid ng kalsada, pinahinto ko lang saglit yung kotse ko sa may tabi nun at nakipagtitigan sa unggoy. Nung marealize kong ang laking gwapo ko sa mga unggoy na to at nakaka bored na ang panunuod ko sa kanila, pinaandar ko na ulit yung kotse ko.

Siguro mga alas-otso na ng gabi ng maisipan kong bumalik na sa resort dahil nagugutom narin ako. I can’t risk naman na kumain sa restaurant dito dahil hindi ko dala ang mga pang disguise ko. Mamaya pagkaguluhan ako bigla. Alam niyo na, sikat. Baka kung sinu-sinong mga bacteria people ang dumamba saakin.

Nung makarating ako sa rest house, nakita ko naman si Dionne na nakaupo sa dining table habang may nakahain na na food. Mukha atang hinihintay niya ako dahil hindi pa niya ginagalaw yung pagkain doon sa table.

Nung makita naman niya akong pumasok, agad agad siyang tumayo.

 

“Japoy! Nandiyan ka na pala! Tara kain na tayo!” sabi niya saakin while smiling brightly.

Tinignan ko lang siya tapos dumiretso ako sa dining table without uttering a word. Pakuha na sana ako ng food ng biglang hawakan ni Dionne ang kamay ko at pigilan ang pagkuha ko.

“What?!” pagalit kong sigaw sa kanya

“mag pray muna tayo Japoy” nakangiti niyang sabi saakin

Tinabing ko yung kamay niya “oh for Pete’s sake! I’m hungry!” at tuloy tuloy akong kumuha ng pagkain.

Napatingin naman ako kay Dionne at nakita kong nag sign of the cross siya at yumuko.

“God, thank you po sa food namin ngayon, at thank you dahil magkasabay kaming kumain ni Japoy. Sana po ay patuloy niyo po kaming gabayan at bigyan ng maraming blessings. Amen” nag sign of the cross ulit siya then tumingin saakin at ngumiti

“tara na, kain na tayo!” masiglang masigla niyang sabi then kumuha narin siya ng pagkain niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nakonsensya na ewan. Ay bwiset!!! Bat ba pag kaharap ko ang babaeng to, kahit wala naman siyang ginagawa o sinasabi eh nakakaramdam ako ng iba’t ibang nakaka bwiset na bagay?! =__=

Pero kesa mag react pa ko, pinili kong manahimik na lang for the sake of my tummy. Gutom na ako no! ayokong mawalan ng gana ng dahil sa babaeng to!

“Japoy bat mo pala ako hinalikan kanina?”

Halos maibuga ko yung pagkain sa bibig ko ng bigla niya akong taungin niyan. Alam niyo yung tono na parang nagtatanong lang kung ano ang kinain ko kanina? Very casual. Ganun ang pagkakatanong niya.

At nakaka speechless. =__=

“t-t-trip ko lang!” sabi ko sa kanya…

Nakita ko naman sumimangot si Dionne “p-pero kasi.. first kiss ko yun eh..”

“second na kaya” bulong ko

“ano yung sabi mo?”

“W-wala! Sabi ko pakielam ko kung first kiss mo yun!”

“p-pero h-hindi ka naman nanghahalik ng wala lang dahilan di ba?” tanong ulit niya and this time, nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

I smirk.

“why Dionne, ano bang nasa isip mo kung bakit ko ginawa yun?”

Hindi niya ako sinagot pero nakita kong mas namula ang mukha niya dahil sa tanong ko.

“Let me guess Dionne, you are thinking than I kissed you because I am starting to have a feelings for you… or baka naman dahil naiinlove na ko sayo.. am I right?”

“J-japoy—“

“let me clear myself, I only did that kasi trip ko lang. Wala lang ang halik na yun, kaya wag ka na umasa o magisip pa na may ibang meaning saakin ang halik na yun”

Biglang natahimik si Dionne. Tinignan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin saakin, na parang gusto niya akong sampalin o sigawan. Pero nagulat ako ng bigla na lang siyang ngumiti saakin.

“ganoon ba? Sige hindi na ako magiisip ng kahit ano. Uhmm tapos na pala akong kumain, maliligo muna ako saglit ah tsaka ko maghuhugas ng pinggan” after niyang sabihin yun, tumayo na siya at dumiretso sa loob ng kwarto niya.

And this time, bigla na lang nawala ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng something na mabigat sa dibdib ko.

[Venus’ POV]

 

“oh Venus, you’re so early para sa shooting natin ngayon ah” sabi ni direk saakin ng madatnan niya ako sa may tabi ng beach habang nag aantay ng shooting namin.

“lagi naman po akong maaga” sagot ko sa kanya

Nginitian ako ni direk “alam mo ikaw bata ka, napaka dedicated mo talaga sa trabaho. Pero dapat matuto ka ring mag enjoy..”

Nginitian ko lang si direk then nagpaalam narin siya dahil kailangan pa nila mag prepare para sa shooting.

Enjoy?

Well, hindi ko naman talaga gusto mag artista at ginagawa ko lang lahat to para kay mommy pero lately, parang nag eenjoy na ako.

Napahawak ako bigla sa labi ko at naalala ko na naman ang kissing scene namin ni Jake. He may have a foul attitude but I can’t deny, he can kiss well. At kahit na sobrang yabang niya, I can’t deny, siya ang nagiging dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

Yun nga lang masyadong panira yung chimay niya. Nakakaasar talaga! Kung umasta kasi parang hindi P.A eh! Ang landi! Napaka bigat talaga ng loob ko sa babaeng yan na kada makikita ko siya eh gusto kong ingudngod ang mukha niya sa sahig! Nakakakulo talaga ng dugo! >__<

Nagbasa-basa lang ako ng script doon para marefresh yung utak ko sa lines namin mamaya habang nag se-set up pa sila. Nagulat naman ako ng biglang may nag abot saakin ng tubig. Pagkakita ko si direk.

“salamat” sabi ko sabay kuha nung tubig na inabot niya

“ang sipag mo naman masyado. Mamaya niyan pati lines ng iba kabisado mo na.”

“hindi naman po. Nre-refresh lang ako ng utak..”

 

“ok sabi mo eh. By the way, I’ve heared you have a good diction while you speak. At gustong gusto ko talaga yung way ng pagsasalita mo. Gusto mo bang mag host ng isang reality show?”

Napatingin ako bigla kay direk “host?”

“yap! Acutally, meron na akong nasa isip talaga na mag ho-host though parang hindi siya suit for the job. Ikaw talaga yung bagay doon eh kaso iniisip ko baka hindi pumayag ang mom mo. Pero nagbabakasakali lang din ako na baka gusto mo.”

Bigla naman lumawak ang ngiti sa labi ko “sige po! Opo! I’ll accept your offer! Gusto ko po talaga yun! Please let me host that program! Please!”

“pero paano ang mom mo?”

 

“ako na po bahalang kumausap sa kanya!”

“ok, it is settled then. Pag balik natin sa Manila, we’ll have a contract signing”

 

“opo! Salamat po talaga!” ngiting ngiting sabi ko kay Direk.

Sobrang tuwang tuwa ko lang talaga ng i-offer niya saakin yun. Alam ko na hindi parin talaga ito pagiging broadcaster but still, gusto ko rin naman mag host. At alam kong mag-eenjoy talaga ako ng husto.

Alam ko rin naman na magagalit si mommy pero, bahala na si batman. Naka-oo na ako at hindi na ako aatras doon.

Nagsimula na yung shooting namin. This time, si Rui naman at yung isa pang actor ang kasama ko. Mamaya ko pa makaka scene si Jake ulit.

“alam mo, kahit gaano pa karami ang tumutol sa inyo, kung mahal mo dapat wag mo na bitiwan..”

 

“CUT!” rinig kong sigaw ni direk “Rui ano bang problema ha? Parang binabasa mo lang yung lines mo eh” sabi ni direk kay Rui

“s-sorry po..”

 

“ok mag break muna tayo. Rui please review your lines”

 

“opo”

Nagsi-diretsuhan na muna kami sa mga tents namin para mag break. Hay di kami matapos tapos doon sa scene na yun dahil kay Rui. Ano kaya problema ng Hapon na yun?

Dumiretso muna ako sa loob ng tent ko dahil sobrang init narin sa labas. Halos tanghali na kasi at patirik na yung araw. Pero pag pasok ko, nagulat ako ng makita ko si mommy doon.

“m-mom!” tumakbo ako palapit sa kanya then I hugged her tightly “mom! Na-miss kita! I’m glad you came here to visit me!” masayang masaya kong sabi sa kanya

Nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya then she slapped me.

Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang sakit… hindi nung sampal niya kundi nung naramdaman ko ng bigla-bigla niya akong sampalin.

“b-bakit niyo po ako sinampal?”

“you disgraceful child! I told you not to accept any offer na walang kinalaman sa pag-arte! Ano tong nalaman ko na tinanggap mo yung pag ho-host diyan sa isang pi-pitsuging reality show ha?!”

 

“mom, please po, pagbigyan niyo po muna ako kahit ngayon lang”

 

“No! hindi kita mapapayagan sa bagay na yan!”

 

“p-pero po---“

Athena wants to be an actress not a host or a newscaster!!” sigaw ni mommy saakin

Bigla akong natigilan at nakaramdam ng sakit… sakit na mas masakit pa sa pagsampal niya saakin.

“I’m not Athena… I’m Venus..” halos pabulong kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot saakin but instead, iniwas lang niya ang tingin niya.

“Mom... hanggang ngayon parin po ba sinisingil niyo ako dahil sa nangyari kay Ate Athena? Hanggang ngayon parin ba ako parin ang sinisisi mo ha? Hindi ko naman gusto ang nangyari eh!”

“manahimik ka! If you haven’t been a spoiled brat then hindi mawawala ang ate mo!”

This time, bumagsak na ang luha ko “paano kung ako yung nahulog sa bangka nun, hindi si ate? Paano kung ako yung nalunod at namatay? Magagalit ka ba ng husto kay ate katulad ng ginagawa mo saakin ngayon?” pinunasan ko yung luha sa mata “I guess not kasi eversince, laging sa kanya lang ang attention mo… nakalimutan mo ng may isa ka pang anak”

Pagkasabing pagkasabi ko nun, tumakbo na ako palabas ng tent. Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Gusto ko lang makalayo.. gusto kong mapag isa.

Sana ako na lang yung nahulog sa bangka, sana ako na lang yung nalunod at namatay. Kung nangyari yun, edi sana mas masaya sila ngayon…

***

A/N:

Dears, gusto ko po muna magpa thank you doon sa mga taong nagbabasa parin nito kahit medyo matagal ang update. Alam ko pong sobrang tagal ko mag update... kahit ako nababagalan narin sa sarili ko. I'm sorry po talaga, kasi po katulad nga ng sinabi ko, sobrang busy na sa work. Alam ko most of you cannot understand how hard it is to work and to earn money kasi most of my readers are still students. Pero doon po sa pilit parin umiintindi, salamat po.

Though I'm really thankful po talaga dahil binabasa at nag aantay parin kayo sa update ko, I'm not forcing you all to continue reading my stories.

kung para sa inyo ay nakaka HASSEL na mag antay ng update (bato bato sa langit... ang tamaan, sorry :p ) then you can always quit reading it. Again, sinasabi ko po na wala akong pinipilit sa inyo. I'm not demanding anything sa inyo. Hindi ako nag de-demand na mag like or vote kayo sa every chapters ng update ko or mag post ng comment.. ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun di ba eh ang bagal ko nga mag update. Pero sana po ay wag din kayong masyadong mag demand saakin. Believe me, gusto kong magupdate ng madami pero wala na po akong time. Kung tutuusin pwede ko ngang bitiwan ang pagususlat dahil hindi naman ako kumikita dito... pero di ko ginagawa dahil mahal ko ang pagsusulat. Yun lang minsan nakakapagod na makabasa ng messages ng mga rude readers. Yung bang parang binabayaran nila ang oras ko para mag update. Minsan nga nakakasama ng loob eh kasi pag nag post na ko ng nakapag update na ko.. may mga nag rereply pa na "hay salamat! nagupdate narin siya.. >:( ." .. parang saakin, wow, kahit maaga pasok ko, kahit pagod ako, nag update ako.. deserve ko ba na sabihan ng ganun? .. na kesa ma-appreciate pa yung paguupdate ko eh they replied me in a sarcastic manner.

Pero ayun nga po.. sobrang thankful ako sa mga readers ko.. pero po doon sa iba na kung nakakapagod na mag intay, then i;ll suggest na itigil niyo na kasi kahit gustuhin ko man mapabilis ang update ko, hindi ko kaya.