Gitara: Kailan

A/N:

A story dedicated to Ms. Dorinne Ulibas. She won first place in BTCHO fb cover photo contest! Enjoy your prize dear! and congrats again!

***



Ginawa ko na ang lahat, as in lahat para mapansin niya ako. Sumali siya ng English club, sumali din ako kahit bobo ako sa English. Naging member siya ng basketball team, nag volunteer akong maging water girl para lang masilayan ko siya ng malapitan. Sumama siya sa recollection, sumama din ako kahit na boring na boring ako sa mga ganyang bagay. Ngayon naman, kasali siya sa theater club, syempre magpapahuli ba ako? Eto ako ngayon, nagaantay na matawag ang turn ko sa audition.

Halos lahat na ng pagpapacute at pagpapapansin ginawa ko na pero bakit ni isang ngiti wala manlang ako nakukuha sa kanya? Ni anino ko hindi manlang niya mapansin?

Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Ako si Dorinne, at laging tanong sa isip ko…



Kailan mo ba ko mapapansin JM?



 

“Ms. Dorinne Ulibas, on the stage please” tawag saakin ni Ate Ideshiie.

Kasalukuyan akong nandito sa audition para sa theater club. May bago kasi silang production na gagawin at nangangailangan sila ng iba pang members. This time kasi, kesa stage play ang gagawin nila ay production talaga. At dahil malakas ang radar ko pagdating kay JM, nalaman kong kasali siya dito kaya naman eto ako ngayon, dali-daling nag audition.

Tumayo ako at hinawakan ko yung pendant ng kwintas na suot-suot ko. Isa itong G-clef pendant na bigay ng kababata ko at nagsisilbing lucky charm ko.

‘Please, sana maging maayos ang pagkanta ko’ bulong ko sa sarili ko.

 

Kinuha ko yung gitara ko atsaka ako umakyat sa stage. Tinignan ko yung panel of judges na nasa harap ko.

Asa gitna ay si Ate Ideshiie. Siya yung president namin ngayon ng theater club. Sa kanan  niya ay si Kuya Enzo, ang boyfriend-slash-parekoy niya na siyang nag ha-handle sa music and sounds para sa theater club. Sa kaliwa naman niya ay si Diana. Classmate namin siya and secretary ng theater club at siya din ang nakakauha ng lead role. Sa tabi naman niya ay si…

Napalunok ako bigla.

Si JM. Siya ang vice-president ng theater club at the same time siya din yung nakakuha ng lead guy role.

“ok Dorinne, what did you prepare for us?” tanong saakin ni Kuya Enzo

“uhmm k-kakanta po ako at tutugtog”

“ok you may start now” sabi naman ni Ate Ideshiie

Naupo ako doon sa bangko sa harap then inayos ko na yung gitara ko. Bago ako kumanta ay tumingin muna ako kay JM. He gave me an encouraging smile.

My gulay! Nginitian niya ko? nginitian niya ko!! uwaaaaa mamamatay na ko! uwaaaa!

Hay naku Dorinne! Umayos ka nga! Kailangan mong makakakanta ng maayos ng matanggap ka naman sa theater club at mas makasama mo si JM!

Inayos ang sarili ko then nag simula na akong mag strum ng gitara at kumanta.

“Bakit kaya nangangamba 
Sa tuwing ika'y nakikita 
Sana nama'y magpakilala”

Confident na confident ako habang kumakanta. Aba naman, talagang nag practice ako ng husto para makuha ako sa audition na to. Isa pa, ito kasing kanta na to ay para kay JM. Sabi kasi ni mama, mas gumaganda ang pagkanta ng tao pag kinakanta niya ito para sa iba.





“Ilang ulit nang nagkabangga 
Aklat kong dala'y pinulot mo pa 
'Di ka pa rin nagpakilala”

Hindi ko maiwasang mapangiti sa part ng kanta na ito. Paano ba naman kasi naalala ko dati, sinadya kong ihulog yung mga libro na dala-dala ko nung magkasalubungan kami ni JM kaya lang pagkahulog ko nun sakto namang may tumawag sa kanya kaya hindi niya ako nakita.


“Bawat araw sinusundan 
'Di ka naman tumitingin 
Ano'ng aking dapat gawin”

Napalingon ako kay JM pero this time hindi na siya nakatingin saakin. Busy na siya makipag kwentuhan kay Diana. Medyo na discourage tuloy ako ng onti pero pinag patuloy ko ang pagkanta dahil gustong gusto ko talagang matanggap dito.

“Bakit kaya umiiwas 
Binti ko ba'y mayroong gasgas 
Nais ko lang magpakilala 
Dito'y mayroon sa puso ko 
Munting puwang laan sa 'yo 
Maaari na bang magpakilala”

Pumikit ako at inalala yung mukha ni JM kanina ng bigyan niya ako ng encouraging smile. Ma-imagine ko pa lang yun, bumalik na ulit ang confidence ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakapikit.


“Bawat araw sinusundan 
'Di ka naman tumitingin 
Ano'ng aking dapat gawin”



Siguro sa ngayon, wala ang atensyon saakin ni JM kundi na kay Diana. Syempre kahit pa maganda ang boses ko, di hamak naman na mas maganda ang mukha ni Diana saakin. Walang sinabi ang boses ko sa ganda ni Diana. Pero isinantabi ko muna ang pagiisip ng ganun at tanging mukha lang ni JM ang inisip ko para makakanta ako ng maayos.

“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim 
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin”

 




Ilang clubs pa ba ang sasalihan mo JM? At sa ilang clubs pa ba kita dapat sundan para mapansin mo ako?


“Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin




Kung sabagay, kahit nga naman lagi ko siyang sundan, kahit lagi akong magpapansin, at kahit lagi akong nakabuntot sa kanya, kung di ako magkakalakas ng loob na magpakilala, walang mangyayari.




Sinubukan ko idilat ang mata ko at tumingin kay JM at halos mapatalon ang puso ko sa galak ng makita kong seryoso siyang nakikinig habang kumakanta ako


“Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”

“Dorinne!!” tumakbo papalapit ang best friend kong si Ilay saakin ng makalabas ako sa theater room “anong nangyari sa audition! Pumasa ka ba ha? pasa ka ba? Bat ganyan ang mukha mo, parang nalugi? Uy! Teka don’t tell me bumagsak ka?!” O___O

Tinignan ko si Ilay then bigla akong ngumiti at nagtatalon “PASADO AKO! NATANGGAP AKO! YEHEY!!”

“UWAAAAAAAA talaga?! Talaga?! Waaaaaaaah!!”

Nagyakapan naman kaming dalawa habang tumatalon talon kaming dalawa.

“yehey! Kasama ko na ang best friend ko sa theater club!” sabi ni Ilay saakin

“yehey! Masisilayan ko na araw araw si JM!” sagot ko naman sa kanya.

Biglang huminto sa pagtalon si Ilay “hmpf! Si JM lang ba dahilan ng pagsali mo doon!” sabi niya habang naka pout. Medyo natawa naman ako. Kasali din kasi si Ilay sa theater club at isa din siya sa mga dahilan kung bakit ako sumali.

Inakbayan ko si Ilay “syempre isang dahilan din ang napakaganda kong best friend!”

Nginitian niya ako “talaga? Maganda ako?”

 

“teka sabi ko bang ikaw ang tinutukoy ko?”

 

“ikaw ang sama mo! halika na nga at ilibre mo na ako ng lunch tutal natanggap ka naman!” sabi ni Ilay sabay hatak saakin papunta sa canteen.

(after 2 weeks)

Two weeks na akong member ng theater club at ngayon ko lang narealize na hindi pala biro ang ginagawa dito. Medyo malaki kasi ang production na ginagawa namin dahil ipapalabas ito during our school fair. Lahat ng highschool students ay required manuod kaya naman lahat kami ay nape-pressure dito. Talagang pinili namin ang magagandang locations para mag shooting. Tinulungan din kami ng mga teachers namin sa pag gawa ng script at pag edit ng videos.

Isang romance movie ang plot namin. Sa story, magkababata si Jester na ginagampanan ni JM at si Sidney na ginagampanan naman ni Diana tapos nagkahiwalay silang dalawa at after ilang taon ay nagkita ulit sila. Pero this time, may amnesia si Sidney at hindi na niya nakikilala si Jester. On the other hand, nainlove naman sa kanya si Jester at ginawa niya ang lahat para napansin siya ni Sidney kaya lang kahit anong pagpapapansin niya ay hindi siya mapansin pansin nito. Feel na feel ko nga masyado yung flow ng story eh kasi nakakarelate ako sa character ni Jester. Dahil pilit akong nagpapapansin sa lalaking gumaganap sa character niya. At kung mangaasar nga naman ang tadhana, ang title ng movie ay “Kailan” Ako pa nga ang kakanta ng theme song eh.

Pero kahit napaka madugo ng production na to, masaya parin ako kasi araw araw kong nasisilayan si JM. Araw-araw ko siyang nakikita ng mas malapitan. Hindi ko na siya kailangan i-stalk pa para lang masilayan ko ang maganda niyang ngiti at napaka sigla niyang mga tawa.

“Dorinne, ready ka na bang kumanta?” tanong saakin ng teacher namin na nag di-direct ng production “Isasama kita sa scene mamaya. Ayos lang ba sayo?”

Medyo natuwa naman ako sa narinig ko “opo! Ayos lang po!”

Uwaaaaa kasama daw ako sa scene mamaya? Ibig sabihin nun makakasama ko si JM sa scene? Masayang masaya na ako! Kahit kasi magkasama na kami sa theater club ay hindi parin naman talaga kami ganung ka-close ni JM. Ang tanging paguusap lang namin ay “hi” tapos “good morning” tapos “ingat sa pag uwi, bye” Mga ganun lang. Pero yung makakwentuhan ng matagal? Hindi pa talaga. May mga times na gusto ko siyang lapitan at kausapin kaya lang lagi naman akong tinatamaan ng hiya! Pero ngayon, nabigyan ako ng chance na makasama siya sa isang scene! Tapos may lines pa kaming dalawa! At least kahit sa ganitong paraan ay makakausap ko si JM.

Binasa ko yung mga lines na sasabihin ko sa script. Maiikli lang naman ito kaya naman madali ko siyang nakabisado. After nun, nag practice narin ako sa pagkanta.


“Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
 
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin


Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin…”

 

“uy”

Napatigil ako sa pag tugtog ng may kumalabit saakin. Nilingon ko naman ito.

“J-JM!” O___O

Halos lumabas ang mata ko sa sobrang panlalaki nito ng makita kong nakatayo si JM sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko tapos inabutan niya ako ng mineral water.

“inom ka muna para di ka mamaos” sabi ni JM saakin habang nakangiti.

Nakatulala naman akong inabot yung mineral water “s-salamat”

 

“makaka-scene pala kita mamaya? Galingan natin ah!”

 

Tumango lang ako sa kanya

“sige mag kakabisa muna ko ng lines mamaya na lang” sabi ni JM saakin “bye bye”

 

“b-babye!”

After that tumayo na siya at naglakad papalayo saakin kaya lang bigla siyang huminto at lumingon saakin.

 

“by the way, I love your necklace”

Napahawak naman ako bigla doon sa g-clef kong necklace then tumingin ako sa kanya at nginitian siya “s-salamat”

He just smiled at me at naglakad na siya palayo.

T-teka, totoo ba to? K-kinausap ako ni JM at inabutan pa niya ko ng tubig! Teka lang, pwede na kong mamatay ngayon! As in pwede na! de joke lang, tsaka na pag asawa ko na siya, mwahahaha.

Hinawakan ko ulit yung necklace ko. Hay lucky charm ko talaga to! Actually bigay saakin to ng isang mahalagang tao sa buhay ko and simula ng binigay niya saakin to, lagi ko na itong suot-suot.

Tinitigan ko yung mineral water na binigay saakin ni JM at pinaghahalikan ko to.

I love you JM! Mwah mwah mwah! I love you! Mwah!



 

“ok everyone’s ready? And action!!”

Nandito kami ngayon sa school canteen para i-shoot yung scene kung saan kasama ako sa scene. Sa scene kasi, busy makipagkwentuhan si Sidney (Diana) sa mga kaibigan niya habang tinitignan naman siya ni Jester (JM) mula sa malayo. Ako naman ay nakaupo sa hindi kalayuan kay JM habang kumakanta.

 

“bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita

Sana nama’y magpakilala..”

Nakita kong nag buntong hininga si JM

“ilang ulit ng nagkabangga, aklat kong dala’y pinulot mo pa

Di ka parin nagpakilala..”

“Ang ganda ganda talaga niya” bulong ni JM habang nakatingin kay Diana

“bawat araw sinusundan

Di ka naman tumitingin

Anong aking dapat gawin?”

“HEH!”

Napahinto ako sa pag kanta ng sumigaw si JM at tumabi siya saakin “nangaasar ka ba? Kita mo ngang broken-hearted tong tao tapos yan pa kinakanta mo?” T____T

Halos matawa naman ako sa itsura niya kasi bigla siyang nag pout doon kaso pinigilan ko dahil umaarte kaming dalawa.

“eh bat ka ba kasi brokenhearted?” tanong ko sa kanya

“eh kasi naman eh may babae akong gusto. Actually kababata ko siya kaya lang nagka amnesia siya at hindi na niya ako maalala.”

 

“hmm eh bakit hindi mo ipaalala ang sarili mo sa kanya?”

Bigla na naman nag pout si JM at talagang inubos ko ang buong lakas ko mapigilan lang ang sarili kong wag kiligin dito kasi naman ang gwapo gwapo ng ka-eksena ko! kaloka!

“paano pa ko makakalapit doon eh sikat siya sa campus! Ni-anino ko nga di makalapit”

Nginitian ko siya “lalaki ka di ba?”

 



“h-huh?”

“ang sabi ko lalaki ka di ba? kung tunay kang lalaki at mahal mo talaga ang taong yung, gagawin mo ang lahat makalapit lang sakanya. You’ll do whatever it takes para maalala ka niya at mapaibig mo siya. Kung panghihinaan ka agad ng loob without even trying then she don’t deserve a guy like you” after kong sabihin yun ay kinuha ko na ang gitara ko at iniwan ko siya.

“ok cut!! Very good!  I like your facial expression at the end JM, very realistic!” puri ni director sa kanya

“ah, hehe salamat po” sabi naman ni JM

Napangiti lang ako then dumiretso na ako kay Ilay.

“hoy bestplen! Ikaw ah umaariba ka! May scene ka with papa JM mo!” bulong niya saakin

Siniko ko naman siya “shh Ilay! Baka may makarinig sayo!”

 

“sus! kinikilig ka lang!” pangaasar niya saakin kaya naman napangiti ako “kinikilig talaga ang bruha!”

 



“eh kasi! Ano ba! Kinikilig ako! Hahahaha”

“ang landi mo te!”

 

“grabe kinikilig lang hahaha!”

 

“Dorinne!”

 

Napatigil kami ni Ilay sa paghaharutan ng marinig namin yung boses ni JM na tinatawag ang napakagandang pangalan ko.

“J-JM b-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya gawa ng sobrang pagka kilig.

“uhmm pwede ba kong manghingi ng favor sayo?”

 

“h-ha? o-oo naman!”

 

“ok good then, please go out with me on Sunday. Ok lang ba?”

Napatango na lang ako habang nakatulala dahil sa sinabi niya.

“ok good then kita na lang tayo sa tapat ng school ng 9am”

 

Tumango lang ulit ako sa kanya. Nag paalam na siya umalis then humarap ako kay Ilay

 

“b-b-b-bestplen… t-tell me, a-ano nga ulit yung favor ni JM? Hindi ko masaydong nag sink in sa utak ko eh”

Iniharap ako ni Ilay sa kanya then hinawakan niya ang mukha ko

“sabi ni JM, please go out with me on Sunday”

 

“paki ulit”

 

“please go out with me on Sunday”

 

“isa pa”

 

“please go out with me on Sunday! please go out with me on Sunday! PLEASE GO OUT WITH ME ON SUNDAY!!” tili ni Ilay kaya naman bigla na lang din ako napatili habang nagtatalon!

“waaaaaaaaaaaaaaah!! Sabi niya yun?! sabi talaga niya yun?! please go out with me on Sunday?! Waaaaaaaaaah!”

 

“oo bestplen! Sabi niya yun! please go out with me on Sunday!!”

 

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” sabay naming sigaw ni Ilay habang magkahawak kami ng kamay at nagtatatalon

“teka! Hindi to panaginip di ba?! Hindi to panaginip?!” tanong ko sa kanya. Bigla bigla naman akong kinurot ni Ilay sa pisngi kaya naman napahawak ako sa pisngi ko “aray ko!! it hurts!!” T___T

“masakit? Ibig sabihin hindi ka nananaginip!” sabi niya saakin

“oo nga no? uwaaaaaaaaaaaaa! Totoo talaga yun! totoo talaga!! please go out with me on Sunday! Waaaaaaaaaaa!”

 

Nagtatatalon ulit kami ng nagtatatalon ni Ilay doon na parang sira pero wala akong paki! Sobrang saya ko lang talaga! Aba naman, hindi ko aakalaing yayain ako ni JM makipag date! Ibig sabihin ba nito ay mahal din niya ako? Pag nagkataon ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo!

Dumating ang Linggo. Sobra talaga akong naghanda sa araw na ito. Todo paganda ang ginawa ko at talagang nag ayos ako ng husto para naman mag mukha akong tao sa harap ni JM. Isinuot ko din yung g-clef na necklace ko. Bago ako umalis sa bahay nag dasal muna ako kay God na sana maging maayos ang araw na to. Hinawakan ko din yung g-clef necklace ko.

 



‘please give me luck today’

 

Nung makarating ako sa tapat ng school namin, nakita ko na agad si JM doon na nagaantay. Again, hindi na naman maiwasan na bumilis ang tibok ng puso ko the moment na nakita ko siya. Pero ngayon, may halong saya na ang bilis ng pagtibok ko. Magkahalong saya at kilig.

Lumapit ako kay JM at nung makita niya ako ay nginitian niya ako agad. This time mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh nakikipagkarera sa mga kabayo.

“Hi” bati niya saakin

“h-hello, k-kanina ka pa ba?”

 

“no kadadating ko lang din. Thank you nga pala sa pag punta ah”

 

“w-wala yun!”

“so let’s go?”

 

“ok”

 

Naglakad kami ni JM sa may sakayan ng jeep then sumakay na kami. Bumaba naman kami sa mall malapit sa may school namin.

“ano una nating gagawin?” tanong ko kay JM

“hmm tulungan mo muna akong pumili ng regalo”

 



“Regalo? Para kanino?”

 

Biglang napakamot ng ulo si JM at nakita ko ang pamumula ng mukha niya “a-actually kaya ako nagpasama sayo dito k-kasi gusto ko sanang magpatulong”

 

“m-magpatulong? Na ano..”

“y-you see, m-may nagugustuhan kasi akong babae at b-balak ko sanang bigyan siya ng regalo. K-kaso hindi ko alam ang gusto niya kaya gusto ko sanang magpatulong sayo”

BOOM.

Parang biglang nawala lahat ng saya at kilig na nararamdaman ko at napalitan ito ng sakit. So ito pala ang favor na hinihingi niya saakin? ang tulungan siyang bilhan ng regalo yung babaeng mahal niya? Akala ko kaya niya ko niyaya dito kasi gusto niya ako. Buong akala ko ay may date kami ngayon. Yun pala nag assume lang ako. Masyado lang akong advance magisip.

Nakalimutan ko, isa nga lang pala akong anino na hindi pinapansin ni JM. At kahit kailan, hindi niya ako mapapansin. Sino nga naman ba ako di ba?

Hindi ko alam yung istura ko nung sinabi saakin ni JM yun kaya naman agad-agad akong ngumiti.

“i-ikaw ah! may pinopormahan ka p-pala! Sino yan ha!” kunyaring pang aasar ko sa kanya

“Si Sidney…” sabi ni JM

“Si Sidney? You mean si Diana?”

Nginitian lang ako ni JM pero bigla na namang namula ang tenga niya. Halata nga namang magugustuhan niya si Diana. Syempre maganda yun at matalino. Talented pa! Isa pa masyado na silang naging malapit dahil sa production na ito at idagdag mo pang love team sila. Malaking possibility naman talaga na magustuhan siya ni JM.

Wala na nga talaga akong pag-asa. Ang sakit :’(

“s-so, tingin mo ano ba dapat ang ibigay ko sa kanya?” tanong saakin ni JM

“uhmm bat hindi mo siya bigyan ng chocolates or flowers or the usual stuff na binibigay ng mga lalaki sa babae”

 

“eh kaso alam ko hindi naman siya mahilig doon eh. Ikaw ba, kung ikaw ang bibigyan ng gift ano gusto mo?”

 

“tweety bird na stuff toy!!” walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya “ay hehe sorry mahilig kasi talaga ako sa tweety bird. Kaso baka hindi naman gusto ni Diana yun”

“hmm kung bilhan ko na lang siya ng kahit anong stuff toy? Tingin mo?”

 

“s-siguro..”

 

“let’s go..”

 

Pumunta kami ni JM sa blue magic at nagtingin tingin siya ng stuff toy para kay Diana. Ang swerte swerte naman talaga ng babaeng yun. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na maganda, matalino at talented? Bakit ba merong mga taong sadyang pinag pala at meron din namang sadyang pinag kaitan—tulad ko.

Bumili ng isang malaking teddy bear si JM then sinunod narin niya yung payo ko na bumili ng flowers at chocolate. Siguro kung saakin ibibigay yan ni JM, magiging ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo.

Kaso wala, hanggang pangarap na lang ako.

After mamili, niyaya naman ako na kumain ni JM. Ililibre daw niya ako tutal daw sinamahan ko siya ngayon pero sabi ko kailangan ko ng umuwi ng maaga kasi may dadating kaming mga bisita. Pinilit niya rin ako na ihatid pero sinabi kong wag na.

Gusto ko na lang talaga na makalayo kay JM ngayon.

Pagkauwing pagka uwi ko, sumalampak agad ako sa kama ng kwarto ko at doon nagiiyak. Pakiramdam ko kasi parang ang tanga tanga ko para mag assume ng ganun. Nahihiya ako sa sarili ko. At the same time, nasasaktan ako dahil parang isinampal saakin ngayon na wala na talaga akong pagasa kay JM, na kahit anong gawing pagpapapansin ko, kahit kailan hinding hindi niya magagawang lumingon saakin.

For the first time, doon ko lang narealize na para akong tanga sa mga pinag gagagawa ko. sa pag iistalk ko sa kanya, sa pagpapapansin ko sa kanya, sa pagsunod ko sa lahat ng clubs na salihan niya, mukha lang akong desperadong tanga.



Ayoko na. Gusto ko ng itigil to.

 

Kinabukasan sa shooting namin sa production, tinanong ako ni Ilay kung kamusta ang ‘date’ namin kaso nung makita niya ang malungkot kong mukha, hindi na niya itinuloy yung tanong. Malamang ay nakaramdam siya na may hindi magandang nangyari.

Buong araw, sinusubukan kong iwasan si JM na makausap o makasalubong manlang. Hindi rin naman ako masyadong nahirapan nun kasi busy siyang makipag kwentuhan kay Diana. Malamang siguro ay naibigay na niya yung gift niya dito, at malamang din sila na.

Ang sakit talaga T___T

Mga bandang hapon nung papunta kami sa park kung saan kami mag sho-shooting, bigla namang sumama ang pakiramdam ni Diana kaya naman napauwi siya ng di oras. Dapat hindi na kami tutuloy doon pero sabi ni director, pumunta narin kami para makita namin yung location and makapag practice ng lines.

Nung makarating kami sa park na pag sho-shootingan namin, biglang may nag flashback sa memory ko. Dito sa mismong park na ito ko nakuha ang g-clef necklace ko. Natatandaan ko pa nung mga araw na yun kung saan ko nakilala ang isang batang lalaking nagngangalang Pepot. Well hindi ko alam kung iyon ang tunay niyang name pero yung ang tawag ko sa kanya dati.

Nung mga panahon na yun, nag-away si mama at papa at narinig ko sa usapan nila na maghihiwalay na sila. Sobra akong nasaktan nun at takot na takot dahil ayaw kong maghiwalay sina mama at papa. Tumakbo ako nun sa mismong park na ito at nagtago sa likod ng malaking puno. Doon ako umiyak ng umiyak habang kumakanta para kahit papaano ay mawala yung sakit na nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng may isang batang lalaki na biglang sumulpot sa harap mo.



“bata ang ganda sana ng boses mo kumanta pero kung hindi lang sana puro sipon yang ilong mo mas mabuti” sabi niya saakin

Pinunasan ko yung mga luha ko nun “h-hindi naman sipon to eh! l-luha to!” pahikbi-hikbi kong sagot sa kanya.

eh bat ka ba kasi umiiyak?”

 



Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kay mama at papa. Nakinig naman siya saakin nun at pilit akong pinapakalma.

“ah alam ko na!” sabi niya sabay may dinukot siya sa bulsa niya na kwintas at isinuot niya saakin “eto ang lucky charm ko! pero ibibigay ko na yan sayo. Mag wish ka lang palagi diyan at tutuparin niya ang wish mo”

“t-talaga? Akin na lang to?”

 

“oo naman!”

 



Yumuko ako habang hawak hawak ko yung g-clef necklace "sana magkabati na si mama at papa" bulong ko dito

"sigurado ako magkakabati na sila! Di ka bibiguin ng necklace na yan"

Nginitian ko siya “Salamat ah? a-ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya

“pepot. Eh ikaw?”

 

“ako si titot” sabi ko sa kanya. Yun kasi yung palayaw ko dati nung maliit ako.

After ko makilala si Pepot at nung ibinigay niya sa akin yung necklace, pagkauwi ko nun sa bahay ay nagulat na lang ako na bati na sina mama at papa. Hindi na sila nag away ng ganun simula ng araw na yun. Naging kaibigan ko rin si pepot kaya lang nung nasa grade 5 na kami, bigla na lang silang lumipat ng bahay kaya naman hindi ko na siya nakita simula noon.

Hay kamusta na kaya siya?

Tinignan ko ulit yung g-clef necklace atsaka ko ito hinawakan.

‘please, alisin mo yung sakit na nararamdaman ko ngayon’ bulong ko dito.

“Dorinne, please come here for a sec” tawag saakin ni director kaya naman agad agad akong lumapit sa kanya “mag pa-practice tayo ng mga lines today but since wala si Diana, kindly help JM with his lines”

“s-sige po” kung mamalasin ka nga naman. Iniiwasan ko yung tao pero eto, pilit kaming pinaglalapit T___T

Kinuha ko yung script at binasa ko ito. Kung mangaasar nga naman si tadhana, eto pa yung scene kung saan magtatapat na si Jester kay Sidney. Bakit ba ang malas ko? Mukhang naubos na ata ang luck power ni necklace T__T

After ng ilang minuto, pinapwesto narin kami ni JM para sa practice. At napakaganda nga naman, doon pa sa mismong puno kung saan ko unang nakilala si Pepot kami naka pwesto.

“and.. action!” sigaw ni director

“uhmm a-ang ganda ng park na to no?” sabi ni JM saakin

Binasa ko naman yung nasa script “oo nga eh. Bakit mo pala ako dinala dito?”

 

“kasi gusto ko sanang ipakita sayo ang lugar kung saan ko unang nakilala ang babaeng mahal ko. Dito sa mismong punong to, nakita ko siyang umiiyak dati. Dito rin sa mismong punong to ko naging kaibigan ang taong yun”

Tinignan ko lang si JM habang nag de-deliver ng mga lines niya. Parang medyo familiar yung scene na to saakin ah.

“kaso alam mo ba, nagkahiwalay kaming dalawa nung mga bata pa kami tapos after ilang years, nagkita ulit kami, sa kasamaang palad nga lang, hindi na niya ako naaalala. Pero dahil sa sinabi saakin ng isa kong kaibigan na kung tunay daw akong lalaki, gawin ko ang lahat, maalala lang ako ng taong mahal ko. Dapat gawin ko ang lahat para mahalin din niya ako. At kung pinanhihinaan ako ng loob ngayon, ibig sabihin nun, hindi ako worth it para sa babaeng yun. Sa totoo lang tinamaan ako doon. I want to be a guy that is worthy for that girl”

 



Lumapit si JM saakin at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko

“t-teka JM, w-wala sa script na hahawakan mo si Diana. Dapat nandiyan ka lang at nakatayo tapos after mong magtapat sa kanya, hindi niya tatanggapin yung proposal mo kaya naman tatakbo ka palayo” pag correct ko sa kanya. Tsaka tofu naman, wag niya kong hawakan sa kamay, baka mahulog na naman ako ng paulit ulit dito sa lalaking to.

Pero nagulat ako ng mas hinigpitan ni JM ang hawak niya sa kamay ko. Tinignan ko sina director pero hindi sila nakikielam saamin at pinapanood lang kami. Teka ano to?

“Gusto kong ipaalala ulit sa taong mahal ko ang lugar na to.  Pero bago yun kilala mo ba kung sino siya?”

Kahit litong lito na ako sa nangyayari, sinunod ko yung next line sa script

“s-sino?”

“Si titot”

 

 



Halos matulala ako sa sinabi ni JM “t-teka dapat Sidney ang sasabihin mo” halos pabulong kong sabi sa kanya

“hindi ka naman si Sydney di ba? Ikaw si Dorinne di ba? ikaw ang Titot ko na matagal ko ng gustong gusto”

Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan at pakiramdam ko ay parang may lalabas na luha sa mga mata ko “I-ikaw si Pepot?”

 



Nginitian ako ni JM “ako nga”

At ng pagkasabing pagkasabi niya nun, bigla na lang bumuhos ang luha sa mata ko.

“g-gusto mo ko? paanong nangyari yun! sabi mo si Diana ang gusto mo!”

 

“sabi ko si Sidney ang gusto ko”

 

“pero si Sidney si Diana di ba?”

Umiling si JM at mas lalo siyang lumapit saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi “Si Sidney ay ang Titot ko. Si Sydney ay si Dorinne Ulibas na matagal ko ng mahal kaya lang hindi niya ako napapansin. Ako yung sumulat ng story para sa production na ito. At alam mo ba kung bakit ko to sinulat? Baka kasi sakaling, marealize mo na ako yung kababata mo. Baka sakaling maalala mo ang mga pangyayari dito. Baka sakaling, sa pamamagitan nitong production na to, maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Baka sakaling mapansin mo na ko.”

 



Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni JM. Parang kahapon lang sobra akong nasasaktan ah? Parang kahapon lang halos maubos na ang luha ko kakaiyak sa sobrang sakit. Pero tingnan mo ngayon, umiiyak ulit ako, pero this time ay dahil sa sayang nararamdaman ko.

Bigla na lang ako nagulat ng magtayuan ang mga taong nanonood saamin at pare-pareho nila kaming pinalakpakan dalawa.

"hay sawakas nakapagtapat narin siya" dinig kong sabi ni Kuya Enzo mula sa malayo

"ang sweet nila no!" sabi naman ni Ate Ideshiie

Nagulat na lang ako ng makita ko si Ilay at si Diana na may dala-dalang flowers, chocolate at





At isang malaking stufftoy na tweety bird.

 

Inabot nila ito kay JM. Bago umalis si Ilay kinindatan niya naman ako sabay sabing "way to go bestplen!"

 



Lumapit si JM saakin at inabot yung stuff toy.





“siguro ngayon alam mo na kung sino ang pagbibigyan ko nito?” hinawakan niya ang kamay ko “Dorinne, I love you. This time ako naman manghihingi ng wish sa g-clef necklace mo” hinawakan niya yung necklace ko “sana, maging girlfriend ko na si Dorinne”

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko to the point na hindi na ako makapagsalita. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari at parang pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.

This is so good to be true. Sobrang saya ko.

Bigla ko na lang niyakap si JM atsaka ako bumulong sa kanya

“wish granted”

 

 

The End

5/16/2012

I love it!!!! short but beautiful... hay sana may lucky charm din ako like her..

publish pA po kayo ng madaming story pls... God Speed!!! and thank you for giving us (your reader) a beautiful readings!!!!

Reply
anne
5/21/2012

Waaaaah! shemay lang! ang ganda. ang gandaa tlgaaaa! solid.

Reply
Miracle
1/2/2013

Hayy, sana i hve a real lovelife story like hers ! Gnda nto ate author

Reply
jessica
2/3/2013

ang ganda ng story ahaha

Reply
jennelyn
6/27/2013

ang ganda nga ehhh



Reply
gabby1128
5/16/2012

wahhh kaw na kaw na, ang gandaaaa!!! :))

Reply
jash
5/18/2012

oooomigolllyyy!!! i so like it!!!

Reply
bhEng
5/23/2012

uwaaaah..oh my siomai..
kilig much..
super duper thumbs up ate aly..:)
good job!
gawa ka pa .. :)

Reply
heyymisterx
5/24/2012

shemayy!! Ate aly galing mo talaga... KILIG AKO >//////< Ang swerte ni Dorrine.. Kakainggit tuloy.. WAHAHAHA

Reply
xii
6/5/2012

nakakaiyak naman! TT_TT

Reply
rei
6/12/2012

wow ang cute!

Reply
Desire
6/20/2012

ang swerte ni titot >3<

Reply
JoyceSungba
6/20/2012

Bakit di pa po nakalagay sa downloads to? tsaka ung the desicion na nasa wattpad?

Reply
Vanessa Camacho
6/20/2012

Uwwaaaaa! BAT ANG GONDO?? hahaha..
Waley! The best ka talaga.. Mahal na kita. :D

Reply
Kaycee
6/21/2012

ang ganda.. i really really like it.. hands up talaga aq sau ms alyloony.. u have a great talent in writing.. very unique imagination.. keep up the good work.. Godbless..

Reply
rose madina
6/23/2012

ayyy...how cute nman po dis story..im alwayz inspired by ur works.. gudluck n pakiligin mu pa kme lalo s mga stories mu..

Reply
Snie'ar&lt;3Scotty
7/3/2012

wuuuuchiiiiiii!


kakilig!

ng story! like ko pa
yung theme song!

always akong na lss dun eh!

keep writting ate aly!

kiss mu na lang ako kay majinbu! ;)

Reply
Purple
7/11/2012

WHEEE !! Kakilig !! Nice Story !! Gusto ko rin magkaroon g-clef na necklace !! hahhaah XD


Err,, sana talaga totoo ang swerte.. hahahah

Reply
Nikan
7/14/2012

ang ganda!! :) i love this story! huwaa~ kinikilig tlga acu hahaha
hanggaling nung gclef na necklace . gling mo po tlga ate aly! :))))))

Reply
diannananana :)))))
7/18/2012

Reply
mae
7/23/2012

gosh..relate much on the first part..sana ganun din ung ending sa story ko...

Reply
Dorrine
8/1/2012

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh ! Kyuuuuuuuuuut :'>

Reply
Jeddy
8/10/2012

favorite short story ko na to! GANDAA! :DD

Reply
Mikan Chan
8/23/2012

wewww!!! gra.v... sobrang ganda 2 da MAX talaga..!! love it..!! (>.<)

ka relate gamay,,,!!! bwahahah..!!

Reply
SWEET
8/29/2012

it was an awesome story.. ang ganda grabe.. sana kgaya nung bida mapansin din ako ng taong gusto ko.. sana may next part.. god bless to you.. keep writing beautiful stories

Reply
9/5/2012

pareho pala tau ng story kaso lang di lumilingon andito lang naman ako hahaahha

Reply
aaron
9/21/2012

WAAAPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKKKKKK !

grabe GONDO =]]

maceado mu na akong
naiimpluwensyahan
Alyloony ! hahaha

gawa ka pa madami :']

Reply
rhuza18
10/7/2012

...tofu ang ganda hehehe..

Reply
mikkttuttt
10/18/2012

wahhhh i love the song !! really !! :)) and the story to

Reply
kaichelle
12/12/2012

wow subrang ganda nkakakilig jejejeje

Reply
kadejeko
12/25/2012

ganda ng short story: kailan...luv it..

Reply
1rona3
12/27/2012

it was awesome^-^
i really like your short story miss author.. galing mu :)

Reply
belle
12/28/2012

goodness! this is the best story ever!:) love it very much ....
saranghae alyloony!:) <3 <3 <3!!!

Reply
Louise
12/30/2012

Wifey ni Ate Denny!!! For the nth time, napalabas mo ang sweet bones ko. :)

Reply
lofiel_yen
1/26/2013

ahhhh...
sana ang keychain ko na g-clef swerte din

Reply
lofiel_yen
1/26/2013

BTW..
i super love the story

Reply
tweety gurl
2/6/2013

super ganda ng story ang sarap maka relate...

Reply
cookie_bear
2/9/2013

wew!!!!

I REALLY LOVE THIS STORY.....!!!!


natamaan ako ha...,,
ganda ng story nato....


love it.... <3

Reply
cookie_bear
2/9/2013

ikaw na ate ALY...

galing mong gumawa ng story, nainspired ako ahh,,..

hahah,, ecchhooosss...


ITO SERIOUS GANDA TALAGA, I LOVE IT,...
PARANG GUSTO KO NG G-CLEF NA NECKLACE...


HEKHEK...

Reply
joanna
2/25/2013

wooooooooooooooooooooow!!! ♥♥♥

Reply
3/23/2013

HAY KILIG TO THE MAX TALAGA ME...WAAAAHHAA

Reply
Ella kim
3/24/2013

.kyaaah!.:D.ang ganda.ganda pu ng st0ry at ang cute2x ng pl0t.^.^...sna pu mdmi pa ky0ng ggwin na st0ry. .:).g0dbless p0. .and m0re p0wer!:*

Reply
via vanessa
3/30/2013

yaaayyy,..nakakakilig...bitin nga lang..

Reply
soresecretlover
4/17/2013

galing talaga ng Idol ko!^_^Keep it up!I'm reading your stories!

Reply
jade sison
4/17/2013

super ganda..:)

Reply
SUNAKO
5/19/2013

ayeeeeeeh!!!! kinilig naman ako sa short story na to.. i lab it!!

Reply
Poa :D
5/20/2013

Omg. Binasa ko na 'to for the 2nd time at kinikilig parin ako. Grabe ka talaga Ate Aly!

Reply
belle garcia
5/22/2013

whoa nkakaiyak, ang ganda2 ng story, mtgal n pla siyang ngmamahal ky dorinne,naku nkakakilig nmn. super like q tong story nto. kaht short story lng eh, andon ang kilig, sakt at ang saya pg ngmamahal.

Reply
Venerie Aurelle Marcial
6/19/2013

ganda po ng story kahit short lang..!!

Reply
karen gabion
6/20/2013

i love this story spuer like this ☺

Reply
diane
6/24/2013

two thumbs-up po sa inyo God bless to you. pagpatuloy niyo lng po ang pagsusulat d(^_^)b

Reply
MYLZ COLYNN
6/26/2013

NAKAKA KILIG NAMAN TOH!!!!! SANA MAY PEPOT RIN AKO !!!!AHAHAHAHAHAH ♥

Reply
mae Anne yoonaddict
7/26/2013

Grabeee nakakakilig naman

Reply
Lane
9/19/2013

haru! Jus mei.. munitkan na akong d maka hinga xD ang ganda talaga SUPER DUPER :DDD

Reply
9/29/2013

waaahhhhhhhhhh worth rin pla ung pagsama niya sa drama!clubkilig mats si aquh!

Reply
Raine
11/4/2013

nakakarelate din ng makunti, napakaganda po ng atory!

Reply
marivic
3/9/2014

the writer is so talented...so sad coz she can't make story anymore...goodbye Dorinne...

Reply
7/20/2014

i really love this story.. nabasa cu na po ito paulit-ulit maganda kasi yung pagkaka sulat ng kwento..

Reply



Leave a Reply.

    Copyright © 2012 by Alyoony Stories

    ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.