Cliche
- typical lovestory, paulit ulit, common na at gasgas na.
Kung isa kang magaling na author, iiwasan mo na yung magsulat ng ganitong story. Syempre iisip ka ng mas unique and mas bago sa paningin ng iba.
Pero dahil hindi ako magaling na author at abnormal ako, pagdating sa mga short stories mas ‘feel’ kong isulat yung mga cliche na story. Yung tipong “in love ako sa best friend ko”… “crush siya ng bayan kaya di ako mapapansin” … “may mahal ng iba ang taong gusto ko” … etc etc.
Alam niyo kung bakit? Kasi madami ang nakakarelate.
Kaya nga cliche eh… common na.. madalas nangyayari sa buhay natin…
Di ba mas masarap mag basa kung nakakarelate ka sa mga nangyayari sa character doon sa story? Parang habang binabasa mo ito paulit ulit mo sinasabi sa sarili mo na “oo tama siya! shet tinatamaan ako! ganyang ganyan ang nararamdaman ko ngayon!” … Kesa naman yung magbabasa ka ng isang babae sasaktan ang isang cassanova para mailigtas ang buhay nito? (hahahaha sige inaway ang sariling akda) Pshh… unique pero nakakarelate ka ba? hahahaha (OY BAKA DI NIYO NA BASAHIN YUNG BREAK THE CASSANOVA’S HEART AH?! ECHOS LANG TO)
Some Jokes are half meant »> opo cliche to sobra. Pero naka recieve ito ng 278 votes, 148 comments, 5,727 reads… nagulat ako kasi expected ko na walang papansin nito kasi nga “cliche” at predictable ang ending. Kaya tuwang tuwa ako ng madami ang nagbasa. Tapos may mga nanghihingi pa ng copies.
Gitara: Dear Ideshiie » another cliche story. A typical “inlove ako sa bestfriend ko” na story. Predictable din ang ending. Obvious na obvious. Pero madami din ang nagbasa. For just 2 weeks, 154 votes. Another nakakagulat.
Hindi po sa nagyayabang. Pero gusto ko lang talaga ipagtanggol ang side ni cliche na kinahihiya ng karamihang authors. Yep maganda kung makakaisip tayo ng unique story. Pero wag din natin kakalimutan na kung minsan, masarap din magsulat at magbasa ng cliche stories :)