Though mahirap maging isang author at minsan nakakapagod na. Nandiyan si makukulit na readers, nandiyan si mga haters. Pero kahit pagbali-baligtarin natin, malaki ang nagiging parte ng readers para sa isang author. Dapat mahalin ng isang author ang mga nagbabasa at nakakaappreciate ng stories niya, dapat wag niyang balewalain ang suporta at pagmamahal ng mga mambabasa niya oonti man ito o marami.
Napansin ko kasi, may ibang mga authors na once na maka gain na ng madaming readers, wala na silang pakielam sa mga ito. Hindi na nila ito pinapahalagahan at nagkakaroon na sila ng view na “wala akong paki kung may mawala man akong reader, magaling naman ako eh, madami parin magbabasa ng story ko”
Mali yun. Dapat lahat ng mga readers ay inaalagaan din at pinapasaya. Dapat nag rerespond tayo sa walang sawa nilang pag support at pag intindi saatin. Inaamin ko minsan, napipikon din ako sa ibang readers pag grabe silang mag demand at sobrang kulit nila. But still, I treasure them.
Nagsusulat ako ng plot the way i wanted it to be. Sinusulat ko kung ano ang mga gustong mangyari sa story at may mga pagkakataon na alam ko hindi ito magugustuhan ng readers. But still, I make sure na sa every story na sinusulat ko ay maihahatid ko sa kanila ang message na gusto ko.
Medyo nalungkot lang ako dahil sa isang magaling na author na nakilala ko na ngayon eh parang ang layo na niya sa pagkakakilala ko. Hindi na siya katulad ng dati.
Sabi nga sa kanta ng Paramore na brick by brick
“keep your feet on the ground, when your head’s on the cloud”
- you can dream high but always keep your feet on the ground hindi pati buong pagkatao mo eh nagmamataas na.
Mahalaga ang mga readers. Kung wala sila, wala tayo. Kung di sa overflowing nilang pagmamahal at pag support, hindi magiging maganda ang stories natin at hindi tayo magkakaroon ng lakas ng loob para sumulat ulit ng panibago.
Ayun lamang po. Just wanted to share my thoughts.
Happy Easter everyone :)