angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 16
*Mommy and Daddy* 

Picture
A/N 

Hahahahaha natatawa ako sa mga conclusions niyo last chapter ng sabihin ko ang R|E|A|D .. grabe naman.. mamatay agad? hahaha but anyways.. i just want to give another clue

"not everything is always what it seems"





***





Chapter 16

*Mommy and Daddy*

[Rui’s POV]

“Rui sino yung kasama mo doon sa picture na babae?”

“girlfriend mo ba siya?”

“bakit kayo magkayakap noon?”

“according sa mga witnesses ay nakita nila kayong nagaaway ng mga panahon na yun”

“ano po ang nangyari?”

Yumuko ako habang padaan ako sa mga nagkakagulong reporter. Hinaharang naman sila ng entourage ko kaya naman hindi rin sila gaanong makalapit saakin.

“Di ba ang name nung babae ay Maisie Shaey?” napahinto ako ng marinig ko yun at napatingin doon sa isang reporter na nagsabi nun

“please stop” sabi ko sa kanya

“siya yung fashion designer niyo di ba? Bakit mo siya kasama? Ano ba talaga ang relasyon niyo?” tuloy tuloy parin niyang tanong saakin

“please stop!” bat ba ayaw nila akong tantanan?!

“bakit mo tinatago ang tunay niyong relasyon? Bakit siya umiiyak nung mga panahon na yun? Ano ba talagang tunay na nangyari?”

“YAMETE KUDASAI!!!” sigaw ko.

Nakita kong lahat sila natahimik sa pag-sigaw ko but after a few seconds, binato na naman nila ako ng binato ng mga tanong. Dali-dali akong naglakad hanggang sa makapasok na ako sa office ng manager ko.

Hay nakakainis! Simula ng pumasok ako sa showbiz, hindi ko iniinda masyado ang mga nagiging intriga saakin.

Pero iba na ngayon. May nadamay akong isang tao.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, nakita kong nakaupo doon si manager at kasama niya si Maisie.

“oh Rui’s here” Tita Jelyn, my manager, said.

Nagkatinginan kami ni Maisie at agad pero agad din naman niyang iniwas ang tingin niya saakin.

Naupo ako sa tabi niya

“gomennesai” bulong ko dito

“hindi kita naiintindihan”

“i-I said I’m sorry”

Hindi sumagot si Maisie saakin instead, iniwas lang niya ang tingin niya saakin.

Nagu-guilty ako sa nangyari. Maisie is a very private person. Kahit pa she works with celebrities, lagi siyang nagiingat na hindi madamay sa kung ano mang issue at gulo ng showbiz. Pinaka ayaw niya kasi ang pinag uusapan siya. Alam ko yun. Nung highschool kasi kami, nagkaroon ng issue noon na boyfriend niya yung isa sa mga kaklase namin. Kumalat yun sa classroom at lagi siya nun pinaguusapan. Nakita ko ang trauma sa kanya nun. Sa classroom pa lang namin yun na may mahigit 30 na students.

Paano pa kaya ngayon na halos buong Pilipinas pinaguusapan kami?

Tumayo si Tita Jelyn at lumapit sa kinauupuan namin ni Maisie. Inilapag niya sa table sa harap namin yung mga dyaryo na puro mukha namin ni Maisie ang nakalagay. Meron doon nung times na naghahabulan kami after ng concert. At meron din doon na yung nakayakap ako sa kanya habang umiiyak siya.

“hindi ko muna kayo huhusgahan dalawa, pero gusto kong umamin kayo saakin. May relasyon ba kayo?” tanong ni Tita Jelyn saamin.

Iniwas ko ang tingin ko at wala akong planong sagutin ang tanong ni Tita Jelyn pero nagulat ako dahil biglang nagsalita si Maisie.

“wala po kaming relasyon. Isang misunderstanding ang lahat. Wag po kayong mag-alala, willing po akong mag painterview at sabihin ang mga nangyari”

“M-maisie…”

Tumayo siya “uhm sige po mauna na ko. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin”

After sabihin ni Maisie yun ay lumabas na siya ng office ni Tita Jelyn.

“Rui, wala ba talaga kayong relasyon ni Maisie?” tanong niya saakin habang nakatingin siya saakin ng seryosong seryoso

“wala po. Kaibigan ko si Maisie”

“then why don’t you say it to the media? Bakit hindi ka nagsasalita? Wala naman pala kayong relasyon ni Maisie? Ang mas maganda is sabihin mo na na wala kayong relasyon para matapos na ang issue na to”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Siguro kung hindi isang mahalagang kaibigan para saakin si Maisie, matagal na akong nagsalita. Alam ko ang nararamdaman niya saakin at alam ko rin kung gaano siya nasasaktan dahil hindi ko magawang maibalik ang pagmamahal na yun sa kanya.

Magsasalita ako sa media? Ano sasabihin ko? Na kaibigan ko lang si Maisie at walang halong malisya ang pagkakaibigan namin?

Oo nung una yun ang plano ko. Yun naman talaga ang totoo kong nararamdaman sa kanya eh. Kaso naalala ko bigla yung araw na nagtapat siya saakin. Naalala ko ang expression ng mukha niya ng sabihin kong parang kapatid lang ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. Naramdaman ko nun kung gaano siya nasaktan.

Ano pa kaya ang sakit na mararamdaman niya pag sinabi ko yun sa harap ng madaming tao?

Mahalaga saakin si Maisie, at gusto ko siyang protektahan.

Pero sa kabila ng lahat, lagi ko parin siyang nasasaktan.

Ano ba ang gagawin ko? 

[Jake’s POV]

“Hehehehehehehehehehehehehehehehe”

“tawa-tawa mo diyan?!” =___=

Tinignan ko si Dionne na kasalukyang nasa tabi ko at ngiting ngit habang natatawa na mukhang kinikilig na ewan. Hinawakan niya ang braso ko atsaka ako niyugyog

“Japoy! Hehehehehehhehe”

Tinabing ko yung pagkakahawak niya sa braso ko. Tss kaasar na tong babaeng to ah?! Bat ba ang saya saya niya! =____=

“uy Japoy!” he poke my cheeks “Japoy japoy japoy japoy japoy japoy” *poke poke poke poke poke*

“ANO?!”

“uyyy thank you!” sabi niya saakin habang ngiting ngiti parin. Nakakaasar na talaga siya.

“tss” sabi ko na lang sa kanya.

“Kuya Jake” lumapit saamin yung batang kadadating lang sa condo ko “gagala tayo ngayon?”

“oo Maya gagala tayo” sagot naman ni Dionne sa kanya.

Oo na oo na, tinablan ako ng konsensya kahapon sa mga pinagsasabi ni Dionne saakin kaya naman bumalik ako at hinanap tong batang to para ipagpaalam kung pwede ko ba namin siya ipasyal, at sa kasamaang palad, pumayag yung lola niya na ipasyal namin siya. At ng malaman naman ni Dionne ang tungkol dito, ang saya saya ng babaeng to. Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Akala mo eh nililigawan ng isang superstar, Kaasar! Kaya ngayon, kesa nasa shooting ako, ay aalis ako ngayon para gumala at mag babysit =__=

“Excited na excited po ako!!” kinalabit ako nung bata “Kuya Jake, Kuya Jake, thank you po” sabi nung bata habang ngiting ngiti siya saakin.

Tinignan ko lang yung bata kaya naman siniko ako ni Dionne at sinenyasan. Nginitian ko bigla yung bata “hehe ok lang yun” after nun tumayo na ako at dire-diretsong lumabas sa unit ko kasunod si Dionne at si Maya.

Sumakay na kami sa kotse. Ako naman, nag suot na agad ng cap and shades. Mahirap na baka may makakilala pa saakin.

“saan tayo pupunta kuya Jake?”

 

“hmmm anong gusto mong puntahan?”

 

“sa zoo!” mabilis na sagot nung bata sa tanong ko

“madaming hayop doon!” =__=

 

“kaya nga zoo eh! to talagang si Japoy oh! Pero gusto ko din pumunta sa zoo! Gusto kong makakita ng penguin!” sabi naman ni Dionne

“walang penguin dito! Tsaka ayoko! Puro bacteria ng hayop doon magkasakit pa tayo!” tsk tong batang to pwede naman niyang sabihin na pumunta na lang kami sa mall o kaya sa children’s playground! Bakit sa zoo pa ang napili niyang puntahan! >__<

“eh gusto ko doon kuya Jake! Sige na po please! Magpapakabait ako promise basta dalin niyo po ako doon”

 

“oh ayan Japoy,  pagbigyan mo na si Maya..”

 

“oo nga po kuya Jake! Hindi pa po ako nakakapunta doon eh at gustong gusto ko po talaga pumunta! Please po punta tayo ha? punta tayo”

 

“oo nga! Oo nga punta tayo!!”

Tinignan ko yung dalawa at parehong nag be-beautiful eyes saakin.

Tokwa naman oh! Nakaka badtrip!

“s-sige na nga! Pupunta na!” sabi ko sa kanila

“yehey!” sabay namang sabi nung dalawa.

Tong si Dionne parang bata. =__=

Pinaandar ko yung kotse ko papunta sa zoo. Nung makarating naman kami, hindi ganoong kadami ang tao. Siguro dahil Lunes ngayon at karaniwan ay may pasok ang mga tao. Buti na lang din at hindi natapat na may field trip ngayon.

“wow ang cute nung gorilla!” turo ni Maya doon sa cage ng mga gorilla

“oo nga! Kamukha ni Japoy oh!” sabi ni Dionne

“heh! May gwapo bang mukhang gorilla ah?!” sabi ko kay Dionne habang nakaturo ako sa mukha ko

“oo meron! Ikaw” ^____^

“ikaw kamukha mo naman yun!” sabi ko sa kanya sabay turo doon sa giraffe

“hala mahaba ba ang leeg ko?” O_____O

 

“hindi! Mukha ka lang talagang animal!” =__=

“uwaaaaaaa ang sama mo Japoy!” tumingin si Dionne kay Maya “Maya, mukha bang animal si ate Dionne?” tanong niya dito pero hindi siya pinansin nung bata dahil ito ay nakatingin sa malayo “Maya?”

“ah” napalingon si Maya kay Dionne “ano po ulit yun?”

“hmm sino tinitignan mo doon?” tanong ni Dionne sa kanya. Pareho naman kaming napatingin sa direksyon na tinitignan ni Maya. Sa di kalayuan ay may isang pamilya na namamasyal doon. Yung tatay ay buhat buhat yung anak niyang babae habang hawak-hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang kamay ng asawa niya.

“Nami-miss mo siguro ang mama at papa mo no? Gusto mo ba pasunorin natin sila dito?” tanong ni Dionne kay Maya

Umiling naman yung bata “hindi po ate Dionne. Hindi ko po kasi sila nakilala dahil sabi ni Lola iniwan lang daw ako ni mama at papa sa kanya. Kaya po ang mama ko at ang papa ko ay si Lola na” nakangiting sabi ni Maya kay Dionne.

Napatingin ako doon sa bata. Alam ko kahit na nakangiti siya ngayon ay may dinadala din siyang kalungkutan. Parang si Dionne lang.

 

Hay bat ba may mga taong sadyang may mabibigat na problema na pinapasan? At bakit ba may mga ibang tao ring nakukuha pang ngumiti kahit na ang bigat na ng problema nila?

Siguro kung ako nasa kalagayan nila, malamang eh nabaliw na ko.

Hay naku.

Umupo ako para maging ka-level ako ni Maya then hinawakan ko ang magkabilang braso niya “gusto mo ako muna maging daddy mo ngayong araw?” tanong ko doon sa bata habang nakangiti ako.

“t-talaga po? Ikaw muna magiging Daddy ko?”

 

“oo naman!”

 

“yehey!” biglang napayakap si Maya saakin “gusto ko po yun! ikaw ang daddy ko tapos ang mommy ko naman ay si ate Dionne!”

 

“h-huh?!”

 

“sige sige! Gusto kong maging mommy mo!” pag sangayon ni Dionne kay Maya

“t-teka lang muna! Asawa kita?!” tanong ko sa kanya. Anak ng tokwa! ok lang maging ama ko ng batang to ngayong araw! Pero ang maging asawa ng chimay na to?! wag na uy! Dun na siya sa manliligaw niyang babakla bakla! =___=

“Sige na Japoy! Ngayong araw lang naman eh!” sabi ni Dionne saakin na akala mo eh gustong gusto ako maging asawa. 

“yehey! May mommy and daddy ako ngayong araw!” tinignan ko si Maya at kitang kita ko ang saya sa mukha niya. Parang nabura lahat ng lungkot sa mata niya kanina at parang biglang mas sumigla siya.

Paano pa ba ko makakatanggi dito? =__=

Binuhat ko yung bata atsaka ko tinignan si Dionne. Sige na nga, ngayong araw lang naman eh. Isa pa artista naman ako at kayang kaya kong umarte na asawa ng chimay na to.

“halika na!” tawag ko kay Dionne then hinawakan ko ang kamay niya. Bigla naman kaming nagkatinginan dalawa.

“J-japoy..” sabi niya saakin habang gulat na gulat dahil sa pagkakahawak ko ng kamay niya

“o-oh w-wag kang magi sip ng kung ano. Asawa kita di ba? natural lang na hawakan ko ang kamay mo”

Nakita kong ngumiti si Dionne tapos tumango siya.

Napalunok naman ako bigla.

Anak ng tinapa. Sanay na sanay na kong umarte sa kung anu-anong role. Ilang babae na ang naka holding hands ko.

Pero eto pa lang ang unang beses na para akong kinabahan na ewan.


Click to set custom HTML
Rio Ivy Cerbito
5/18/2012 11:55:51

waaaa ms.aly sana matapos mu na to habang marami akong free time sa pasukan goodbye wattpad, alyloony at denny ang drama ko huhu , anyways recent lang ako nagbasa ng angel in disguise kasi alam ko di pa tapos pero shet lang di ko matiis haha ang ganda niya una palang naiyak na ko , anyways keep smiling and keep us inspire. May God bless you and more stories to come ^_____________^
love lots
rio ivy ;)

Reply
Janelle ^.^
5/23/2012 19:55:09

kinikilig naman daw ako ohh

Reply
Snie'Ar,&lt;3Scotty
7/6/2012 22:53:45

huuuwwaaaa!

kunwarii pa si
japoy eh

gusto nya lang
mkaholding hands si dionne eh

Reply
Erjelyn :)
12/18/2012 19:23:09

eiii,,, suppah like po nito,, sana po matapos na to... napakaganda at nakaka inspire na story..ms. alyloony ang galing niu po.. sana po tlga matapos na to.... im suppah excited na tlga :)

Reply
LOL
5/26/2014 04:04:45

kilig talaga sana makaupdate ka na sa wattpad ate aly :))

Reply



Leave a Reply.