angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 18
*Unexpected news*

Picture
Chapter 18

*unexpected news*

[Venus’s POV]

Nakaka badtrip siya!!!

Ibinato ko sa sofa yung cellphone ko na magdamag ko ng hawak. Ilang beses na kong hindi natutulog sa unit ni Jake pero ni isang text man lang kung bakit hindi ako umuuwi doon eh wala akong narecieve! Nakakayamot siya! Ni ha ni ho wala! Kahit sa mga shootings namin ni hindi manlang ako tanungin kung bakit di ako nakakauwi sa unit niya!

Bwiseeeet! Ayan ba ang boyfriend!!!

Venus, wag ma carried away. Nagpapanggap lang kayo..

 

Pero nakakayamot talaga!! >__<

Ano ba yan! Walang mangyayari saakin kung patuloy lang akong maiinis sa alcohol freak na yun! Makapag kabisa na nga lang ng lines!

Kinuha ko yung script ko and nagsimulang magkabisa ng mga script para sa bandang ending ng movie na ginagawa namin. Actually kabisado ko na naman to. Kada kasi ipadadala na saakin yung script, lagi ko na siyang kinakabisado a head of time. At ngayon naman, medyo nire-review ko na lang ito para hindi mawala sa isip ko.

Ganito ko masyado sineseryoso ang pagiging artista.

Ini-scan scan ko lang yung mga lines ko ng bigla naman akong mapadapo sa lines nung isa naming ka-cast member na ang role ay isang broadcaster. Binasa ko yung lines niya and medyo napangiti ako.

Hay, nakakainggit naman to. Kahit hindi siya ang bida sa movie na to, ang ganda naman ng role niya! Kelan kaya ako magkakaroon ng role as broadcaster? Siguro kung magkataon, ay! Ang saya ko na talaga. Napakaimposible na kasi na maging isa akong broadcaster. Gusto ni mama ay mag artista ako. Gusto niyang maging sikat ako at gagawin ko ang lahat para masunod ko ang gusto niya.



Kabayaran na rin sa nagawa ko kay ate dati…

 

Tinignan ko ulit yung script at binasa ko ng malakas yung lines nung broadcaster at umaktong ako yung gumaganap sa role

“Kamakailan lang ay natagpuan na ng sikat na aktres na si Divina Maloba ang kanyang matagal ng nawawalang anak. Abo’t ang galak ng magina ng muli silang magkita makalipas ang mahabang panahon. Labis na nagpapasalamat din si Divina sa mga awtoridad na tumulong sa kanya upang mahanap ang kanyang anak. Sa kabilang banda naman ay labis din ang pasasalamat ni Divina sa mga kumpkop sa kanyang anak sa loob ng mahabang panahon—“

*clap clap clap*

Napatigil ako sa pagbabasa ng script ng mararinig ako ng palakpak.

“direk!”

“Venus! I didn’t know you have such talent! Ang galing ng pagkakabasa mo ah. Broadcaster na broadcaster ang dating!” pag puri saaking nung director namin.

“really direk? Well I’m happy to heard that from you”

 

“magaling ka naman talaga eh! wait, do you want to try working in an evening news?”

 

“w-what do you mean po?”

“nag hahanap kasi kami na papalit doon sa isang broadcaster sa evening news show. Mag le-leave kasi siya. So you want to try? Actually mga showbiz news naman ang ibabalita mo so hindi ka rin masyadong mahihirapan. What do you think?”

 

Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko. I mean kahit substitute lang ako at puro showbiz news lang ang ibabalita ko, sobrang saya ko na na makapagtrabaho sa isang evening news show! Paano ko pa ba matatanggihan ang ganitong kagandang offer?

I was about to say yes to direk kaso nagulat ako ng may biglang sumagot na para saakin

“no, she’s not accepting the offer” napalingon ako doon sa nagsalita and I saw my mom na kapapasok pa lang sa dressing room ko “she’s focusing more on her acting career” tinignan niya ako “am I right Venus?”

Napayuko ako sa sinabi ni mom then tinignan ko si direk “s-sorry po direk, h-hindi ko po matatanggap yung offer mo”

“ow that’s such a waste of talent dear. You could be a great host or broadcaster! But anyway I won’t force you. Just tell me kung nagbago ang isip mo” after that umalis na si direk sa dressing room ko kaya naman naiwan kami ni mom doon.

“Venus, don’t ever think accepting such offers like that” my mom told me sharply “wala kang mararating sa ganyang klaseng career. Focus on your acting career!”

 

“o-opo..”

“mag bihis ka na! magsisimula na ang shooting mo”

Tinalikuran ako ni mom then lumabas na siya sa dressing room ko. Napahinga ako ng malalim.

Hanggang kelan pa kaya niya ko parurusahan sa isang kasalan na matagal ng nangyari? :’(

[Dionne’s POV]

“Japoy! Alcohol?” inialok ko yung alcohol na hawak ko kay Japoy

Tinignan niya ito at kinuha tapos ibinalik niya saakin ng hindi manlang siya nagsasalita. Hindi rin siya tumitingin saakin.

Ano kaya problema ni Japoy? Nung isang araw pa siya ganyan saakin eh. Hindi niya ako kinakausap pero pag kailangan naman talaga niya akong utusan, napaka ayos ng pagkakasabi niya saakin. Minsan ginamit niya pa ang word na ‘please’ nung magpabili siya saakin ng lunch.

Ano kaya problema ng isang to?

Hay ang weird weird weird ni Japoy. Baka naman nakakain yan ng virus kaya ganyan. Hehehehe.

Naupo ako sa may tent at pinanuod ko yung scene ni Japoy at Venus sa di kalayuan sa kinauupuan ko. Nakita ko naman sa kabilang tent si Rui na mukhang malalim ang iniisip at walang ibang ginawa kundi mag buntong hininga.

Mukha atang may problem si Rui. Kada makikita ko siya sa shooting lately, parang ang tamlay tamlay niya. Hindi siya yung Rui na nakilala ko na masiyahin. Pati din si Maisie ganoon. Hay may problema kaya sila?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko si Rui.

“uy” tapik ko sa balikat niya kaya napalingon siya saakin

“Dionne-chan..”

Inabutan ko si Rui ng isang stick ng choco-choco na kanina ko pa kinakain.

“you want?” sabi ko sa kanya

Bigla naman akong nginitian ni Rui “wow choco-choco! Meron pa pala nito? Ang tagal ko ng di nakakakain nito eh. Naalala ko nung bata pa ko, sobrang favorite ko to!”

“talaga! Pareho tayo!” pag sang ayon ko naman sa kanya

Nginitian ako ni Rui then he stretched his hand “haaaaaaay! I’m back to my senses! Thank you Dionne-chan!”

 



“huh? Anong ibig mong sabihin?” takang taka ko namang tanong sa kanya

“uhmm alam mo ba yung feeling na down na down ka, ni-hindi mo magawang makangiti, pero dahil kinausap ka lang ng isang tao eh para nawala lahat ng problema na dinadala mo, instead napalitan pa to ng saya?"

“h-ha?”

 

Ngumiti ulit ng pagkalawak lawak si Rui “wala. Wag mo na intindihin ang sinasabi ko. Basta thank you talaga Dionne-chan!”

Nginitian ko lang si Rui.

Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya saakin but in some ways parang sumaya din ako kasi alam kong kahit papaano ay nakatulong ako sa kanya.

Ang sarap din kasi makita ng mga ngiti ni Rui. It makes my heart feel warm. Siguro bukod kay Japoy, si Rui na ang isa pang tao na nakakapagpasaya saakin.

[Jake’s POV]

 

“ok cut! nice one!” sigaw ni direk saamin ni Venus “you may rest for a while!”

Hay salamat naman! Pagod na ko at gutom pa! isa pa ang init init dito! Pinagpapawisan na ko!

Papunta na sana ako sa dressing room ko ng marinig ko na tinatawag ako ni Venus

“Jake wait!” hinatak niya ang kamay ko “hindi mo manlang ba tatanungin saakin kung bakit hindi ako natutulog sa unit mo lately?!”

Tinignan ko si Venus at inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko “why would I?”

“for pete’s sake!!” lumapit saakin si Venus then she lowered her voice “remember Jake, they all know that I am your girlfriend so better act like a real boyfriend! Kung ayaw mong mahuli nila na nagpapanggap lang tayo then galing galingan mo sa pag arte!”

Nginitian ko si Venus then bigla ko siyang hinalikan sa cheeks. Nakita ko naman ang natulala niyang expression.

“I love you darling” after kong sabihin yun tinalikuran ko na siya habang aware ako na nakatulala parin ang babaeng yun dahil sa ginawa ko.

Tss, sino ba naman kasi hindi ma-aattract sa kagwapuhan ko? B-)

Pumasok ako sa dressing room ko at nadatnan ko naman si Dionne doon na nakaupo. Bigla akong natigilan ng mag flashback na naman sa utak ko ang katarantaduhang ginawa ko.

Napatingin ako sa labi ni Dionne.

Ah bwiset!!! Ayoko na nga maalala yun!! bwiset talaga!! Bwiset!! >___<

“Japoy! Tapos na pala ang shooting mo! tumawag pala si Maya kanina gusto kang makausap. Wait tatawagan ko siya” kinuha ni Dionne ang phone niya then tinawagan niya si Maya. Nung masagot naman ni Maya sa kabilang line, agad niya itong ibinigay saakin.

“hello Maya?”

 

“daddy! Miss na miss na po kita! Pati po si mommy! Gagala po ba tayo sa Sunday?” masiglang tanong ni Maya

“naku Maya baka hindi eh. mag o-out of town kasi kami ng ate Dionne mo para sa shooting namin. Siguro sa susunod na Sunday na lang”

 

“ay ganun po? Sige ok lang po daddy! ay kelan niyo po ako dadalawin? Pwede po ba kayo pumunta ngayon dito saamin?”

 



“sorry Maya, may work ako ngayon eh. Don’t worry babawi talaga ako sayo!”

 

“ok lang po yun daddy, naiintindihan ko po! basta po pag may time ka dadalawin mo ko ah? Wag mo ko kakalimutan dalawin ah?”

“syempre naman! Promise yan”

 

“yehey! Happy na po ako! I love you daddy ko”

 

“I love you too Maya. Mag rest ka na, baka mabinat ka”

 

“opo! Bye bye”

“bye”

I end the call and napatingin naman ako kay Dionne na ngiting ngiti saakin.

“a-anong nginigiti ngiti mo diyan?!?!?!”

 

 

“wala lang Japoy! Natutuwa lang ako sayo” ^___^

 

 

“heh! Tigilan mo ko!!”

 

“talagang na-attach ka na kay Maya no?” ^___^

 




“nakakatuwa kasi yung bata hindi katulad mo mukhang aso” =___=




After kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya at lumabas ulit para sa shooting.




Nakakabadtrip talaga ang babaeng yun! tsaka sana naman tigil tigilan niya na ang pag ngiti ngiti saakin! in some ways naalala ko lang yung ginawa ko sa kanya. Well hindi naman ako nakokonsenya kahit aware ako na first kiss niya ang ninakaw ko. Pero sh1t talaga! Kinikilabutan ako kada maalala ko yun! nakakabadtrip kasi! Ano bang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinalikan!




Brrr. Nakakakilabot talaga! =__=




Nag start na ulit yung shooting namin. Mga bandang 12:30 am na ng matapos kami. Grabeng puyatan naman to, nakaka high! ni hindi pa ko kumakain ng dinner! Sana naman ay may madaanan kaming 24 hours open na restaurant dito!




Dahil medyo sabog na ko sa antok at sa gutom, dumiretso na ulit ako sa dressing room para makapag palit at makaalis na agad. Kaya lang pag pasok ko doon, halos mabuhay ang dugo ko ng madatnan kong nakaupo si Dionne sa sahig habang nakayuko at nanginginig.




“D-dionne?! Dionne!!” dali-dali akong tumakbo papalapit sakanya “what happened to you?!?!”




Inangat ni Dionne ang ulo niya at nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak.




“J-japoy… j-japoy…”




 

“hey what happened?! Why are you crying?!”




Bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Dionne at halos manlumo ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.












“S-si Maya.. wala na si Maya. Japoy, iniwan na tayo ni Maya!”

***

A/N:

My heart is open for rude comments and violent reactions :) hehehe

Anyways doon po sa mga nagpapa followback sa twitter, sorry po talaga. Hindi ko po kayo ma-follow back kasi naka follow din po ako sa mga taong kilala ko personally. Pag madami ako finollow back baka matabunan na ang mga tweets nila. Sorry po talaga. Hope you guys understand. Godspeed :)


 


Comments

Janelle :)
05/26/2012 7:05am

nakakaawa naman po si ate Dionne

Reply
kesoocheese
05/27/2012 3:28am

was expecting that. but not this soon..

anyways, keep it up. the flow is getting better and better..

Reply
lenlen02lyn
04/02/2013 2:49am

nakakalungkot nman..

Reply



Leave a Reply