angel in disguise

Glig Graphics

Chapter 17
*Stolen* 

Picture
Chapter 17

*Stolen*

[Jake’s POV]

“uwaaaaaa Daddy tignan mo yung rabbit oh! Ang cute cute cute cute cute” itinapat ni Maya saakin yung hawak hawak niyang rabbit. Tinignan ko naman ito maigi




“may kamukha yan!”




 

“sino daddy?”




 

“hmmm” lumingon ako kay Dionne “tingin ko kamukha yan ng mommy mo!”




“huh? Hindi ko yan kamukha no! Ang sama mo talaga Japoy!” sabi ni Dionne habang nakapout “kanina ka pa! lahat na lang ng animal na makita natin sinasabi mo kamukha ko!”




“hahahahahaha eh mukha ka kasing animal!” pang aasar ko sa kanya. Habang naglilibot kasi kami sa loob ng zoo, lahat na lang na puntahan naming animal ay sinasabi kong kamukha ni Dionne. Aba ganti ko sa kanya yun no matapos niya ba naman akong sabihan na kamukha nung gorilla! Hah! Kala niya siya lang magaling mang asar ha! wag niyang minamaliit ang isang Jake Marquez!




“ang bad bad bad mo talaga Japoy!” T___T




“Daddy wag mo awayin si mommy!” saway naman ni Maya saakin “ang ganda ganda nga ni mommy eh! mukha siyang angel!”




Bigla naman nag smile si Dionne then humarap siya saakin “oo nga Japoy, hindi ka ba nagagandahan saakin?” ^___^




Tinignan ko maigi ang mukha ni Dionne. May singkit siyang mata, maitim at mahaba ang buhok niya na diretsong diretso, she has a rosy cheeks and a very kissable lips. Kung titignan mo ang features ng mukha niya, napaka amo nito at mukhang inosente. Idagdag mo pa yung—adjlsfsalrhfsdlt.. BWISET! Ano ba tong iniisip ko?!




“h-hindi! Hindi ka maganda! Mukha kang animal!!”




Bigla na naman nag pout si Dionne “ang sama sama talaga ni Japoy” T___T




“Daddy! Lagi mo inaaway si Mommy! Dapat sweet kayo sa isa’t isa kasi kayo ang mommy at daddy ko! say I love you to mommy na!”




Nagulat naman ako sa sinabi ni Maya “huh?!”




ah hehehe M-maya! Hindi na kailangan y-yun” sabi naman ni Dionne na mukhang nagulat din sa request nung bata.




Bigla naman lumungkot ang mukha ni Maya “s-sorry Kuya Jake, Ate Dionne… gusto ko lang po kasi m-magkaroon talaga ng mommy at daddy dito. S-sorry po sa mga hiling ko” malungkot na malungkot na sabi niya




“Maya..” tawag naman ni Dionne dito




Tinignan ko ulit yung bata at mukhang ang lungkot lungkot niya. Tokwa naman oh, bakit ba ko binabagabag ng konsensya dito!!! Nakakaasar talaga! Honestly, ano bang nangyayari saakin at nagkakaganito ako?! >__<




Huminga ako ng malalim atsaka ako tumingin kay Dionne. Hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napalingon ito saakin at halatang gulat na gulat na naman sa paghawak ko sa kamay niya.




 

“J-japoy—“




Nginitian ko siya  “Mahal ko, sorry sa pagbibiro ko kanina ah? syempre hindi ko naman talaga meant yung sinabi ko dahil para saakin…” tinignan ko siya sa mata at pakiramdam ko ako ang matutunaw sa ginagawa ko “p-para s-saakin, i-ikaw parin ang p-pinaka magandang babae s-sa b-buong mundo..” lumunok ako “I-I love you”







Hindi sumagot si Dionne instead tinitigan niya lang ako na para bang may lumabas na tentacles sa katawan ko. Her mouth is slightly open. Tokwa tong Dionne na to, nahihirapan na nga akong um-acting kasama siya, mas lalo pa niyang pinakukukplikado lahat dahil sa mga expression niyang ganyan!




 I fake a laugh “he-he-he! I-ito talagang a-asawa ko h-halika nga dito!” inakbayan ko siya “w-wag ka na magalit ha?”

 




“I-I love you too, a-asawa ko” bulong ni Dionne saakin




Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatitig din ako sa kanya. Anak ng tokwa! Bat ba ang akward ng nangyayari saaming dalawa ngayon?! Alam naman naming acting lang to pero bakit nakakailang?! Bwiset!!!




“ang sweet ng mommy at daddy ko!”




Nagkahiwalay lang kami ng tingin ni Dionne ng magsalita si Maya.




“ang sweet sweet talaga ni mommy at daddy!” yumakap saamin si Maya “ang saya saya saya ko dahil may mommy at daddy ako ngayon na sobrang sweet sa isa’t isa! Love na love ko kayo”




Napangiti naman ako bigla doon sa bata.




“love na love ka din namin Maya! Love na love na love” sabi ni Dionne dito habang niyayakap niya ito ng mahigpit




“Ako ang baby niyong dalawa ha? promise yan ah?”

 




“oo naman! Ikaw ang nagiisang baby girl namin ni Dionne” binuhat ko si Maya “uhmm saan mo pa gusto pumunta?”




 

“ahmmm gusto ko pong makita yung mga dolphins!” sagot niya saakin




“ok then, let’s go to the dolphins!” masigla ko naman sabi dito




“yehey!”




Tinignan ko si Dionne at inilahad ko ang kamay ko “let’s go?”




Nginitian niya ako then inabot niya ang kamay ko, filling the spaces between my fingers with hers.

Naglakad lakad pa kami sa loob ng zoo. Nung nagutom naman kami, dinala ko sila sa restaurant malapit dito at doon kumain. Grabe si Dionne, ang dami-daming kinakain! Hindi ko lang talaga maaway ang babaeng yan dahil baka malungkot si Maya. Ni-request pa nga niya na subuan ko si Dionne eh! Syempre hiyang hiya naman kaming dalawa. At sobrang asiwang asiwa din ako. =____=




“saan mo pa gustong pumunta Maya?” tanong ko sa kanya matapos naming kumain




“hmmm… gusto ko pong magpapicture kasama si Daddy tsaka si Mommy!”

 



“pa-picture? Ok may alam ako na studio na maganda mag picture!” binuhat ko si Maya “let’s go”




Sumakay kami sa kotse ko then nag drive na ako papunta sa studio kung saan madalas kami mag pictorial nina Rui. Exculsive lang talaga ang studio nila para sa mga artista but since kaibigan ko naman ang mga photographer doon, malamang eh papayagan nila kami magpa-kuha ng picture. Sus! ako pa! Walang hindi nagagawa ang isang Jake Marquez!




Bago kami dumiretso sa studio, dumaan muna kami sa isang convenience store. Naubos na kasi yung dala kong alcohol. Paano ba naman, lagay ako ng lagay ng alcohol kanina pa. Ang dami dami kasing hayop sa pinuntahan namin! Mamaya magkaroon pa ko ng kung anong animal virus eh! isa pa kanina ko pa hino-holding hands si Dionne. Mamaya hindi naghuhugas ng kamay yang babaeng yan. =___=

Kumuha ako ng limang bote ng alcohol then babayaran ko na sana ito ng makita ko na may tinitignang mga pang ipit sa buhok si Maya. Nilapitan ko siya.




“gusto mo ba yan? Sabihin mo lang bibilhin ko para sayo”




Nginitian niya ako “naku daddy wag na po! wala na naman po akong buhok. Nalagas na silang lahat. Kaya hindi ko din po magagamit yan”




Tinignan ko si Maya at again, nakita ko na naman ang malungkot na expression sa mata niya kahit nakatago ito sa isang ngiti. Kinuha ko yung clip na tinitignan niya kanina.




“then kailangan mo ng magpagaling tapos patutubuin natin ulit yung hair mo. After nun, magagamit mo na to kaya bibilhin ko na to”




“D-daddy, tingin niyo po gagaling ako?”




Lumapit ako kay Maya atsaka ko siya binuhat “oo naman! Gagaling ka syempre! Kaya dapat lagi kang susunod sa sinasabi ng doctor ha?”




Ngumiti ng malawak si Maya “opo! Susunod po ako sa mga sinasabi ng doctor! Pero daddy alam mo po ba may mga ini-inject saakin yung doctor na sobrang sakit po talaga! Napapaiyak nga po ako minsan eh pero promise po titiisin ko na yung sakit para masuot ko yung clip na binili mo saakin”

Niyakap ko si Maya. Alam ko hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon. I still cannot understand why God let a child like her to suffer, pero for the first time, napapikit na lang ako at bumulong sa Diyos na hindi ko madalas pinapansin.




‘God, please save this child. Please wag niyo na po siyang pahirapan… please…’










After kong mabayaran yung nabili kong alcohol at yung clip, sumakay na ulit kami sa kotse at dumiretso sa studio. Nung makarating naman kami doon, sakto na on-duty si Rap, yung photographer ng movie namin.




“Hey! Rap!”




Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo at nung marealize niya kung sino ako, dali-dali siyang lumapit saakin.




“Jake? Ikaw ba yan? Di kita nakilala gawa ng shades at cap mo! ano ginagawa mo dito? May pictorial ka ba?”




“wala but I have a request to you. Pwede mo ba kaming kuhaan ng litrato?” tanong ko sa kanya sabay turo kina Dionne at Maya.




“sure! No problem!” lumapit naman saakin si Rap at binulungan ako “but tell me bro, who are they? Don’t tell me girlfriend mo yan at anak niyo yung bata? Ikaw ah! paano mo natago yan sa media!”




“heh! Tumigil ka! PA ko yung babae, tapos uhmm fan ko yung bata! We’re sort of role playing lang as family para doon sa bata!” =__=

 




“ows? Mamaya ang uwi niyan totohanan na ah?” pang-aasar ni Rap saakin




Badtrip to! Kung hindi lang ako humingi ng pabor dito ngayon malamang eh naupakan ko na tong chismosong photographer na to!




Pinapunta kami doon sa isang dressing room at pinapili kami ng gusto naming costume. Creative shot kasi yung ipapagawa ko para naman mag enjoy din si Maya.




“wow! Ang gaganda nung mga costume oh! Bagay kaya saakin yung princess na costume? O yung fairy kaya? Or yung angel? Uwaaaaaa ang gaganda!” sabi ni Dionne habang manghang mangha na nagtititingin sa mga costume.




Mukhang hindi lang si Maya ang nag eenjoy dito. =___=




May kinuha akong wings ng angel doon at pinakita ko kay Dionne “Eto ang costume ko!”




“uwaaaaaa gusto ko din ng angel costume para pair tayo!”




“hindi! Mas maganda kung ito sayo” may kinuha pa ako na isang pakpak but this time color black siya hindi white. Pakpak ng pang black angel.




“huh?! Bat ayan ang akin?! Gusto ko yung white” T____T




“mas bagay sayo to! Ang puti-puti mo na eh tapos white pa yung kukunin mo? black naman para maiba!”

 




“p-p-perooooo…”




Hindi ko pinansin ang nagmamaktol na si Dionne but instead tumingin ako kay Maya




“Maya nakapili ka na ba ng costume mo?”

 




“opo Daddy! Ito pong pang fairy!”

 




“for sure bagay yan sayo!” kinalong ko si Maya at hinatak ko naman si Dionne “halika na at punta na tayo sa make-up room para maayusan kayo”




 

“pe-pero Japoy” T______T




Bago pa makaangal si Dionne, tuluyan ko na silang dinala sa mga mag aayos sa kanila. Medyo inayusan din ako ng onti then after nun, nag bihis na ako ng costume ko at inintay matapos sina Dionne at Maya.




 

“Daddy Jake! Daddy Jake!” naglakad papalapit saakin si Maya at napangiti naman ako sa ayos niya. Nilagyan siya ng wig at suot suot niya yung clip na binili ko sa kanya. Sumigla din ang kulay niya gawa ng make-up




“daddy bagay po ba saakin?” tanong niya




“oo naman! Ang ganda ganda naman ng baby namin!”

 




“naku daddy! Magugulat ka sa ayos ni mommy! Ang ganda ganda niya!”




“huh?”




“uhmm ready na ko” rinig kong sabi ni Dionne.




Nilingon ko siya at bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko ang ayos niya. Nakasuot siya ng black na gown habang suot-suot din niya yung pakpak niya. Merong inilagay na parang maliit na korona sa ulo niya then medyo kinulot ang dulo ng buhok niya.

S-si Dionne ba to? Bat ganun? B-bat ang ganda ng asawa este ng chimay ko? O___O




“J-japoy, maganda ba ko?” tanong niya saakin na parang nag aalangan sa itsura niya




Instead na sagutin ko siya, tinalikuran ko lang siya “t-tara na! m-mag start na ang pictorial” >__<

 

 

“yehey! Ang gaganda po ng mga kuha natin oh! Ang ganda ganda!” sabi ni Maya habang tinitignan niya yung mga pictures namin




“nag enjoy ka ba Maya?” tanong ko sa bata




 

“opo daddy! Sobrang nag enjoy po ako! Gagala po ulit tayo next time ah?”

 




“oo naman! Gagala ulit tayo” sagot naman ni Dionne sa kanya




“ay! Ito po” inabutan niya kami ng tig-isang picture ni Dionne “lagi niyo po ilalagay sa wallet niyo yung picture natin ah?”




Kinuha ko yung wallet ko at inilagay yung picture naming tatlo doon “syempre naman! Lagi lang tong nasa wallet ko”




After ng pictorial namin, inihatid na namin si Maya sa hospital kung saan siya naka-confine. Hindi na rin kasi pwedeng mapagod ng husto si Maya kaya naisipan narin namin siyang ihatid. Nung makarating na kami sa ospital, nakita ko naman na mahimbing ng natutulog yung bata.




“ako na bahala mag buhat sa kanya sa room niya. Just wait for me here” sabi ko kay Dionne




“oki Japoy!”




Binuhat ko si Maya papunta sa room niya and agad naman akong sinalubong ng lola niya. Nagpasalamat ito saakin sa pag-gala ko kay Maya then after that bumaba na ako para balikan si Dionne sa kotse ko.




Kaso pagdating ko naman doon sa kotse, tulog na ang dakila kong chimay.




Hay grabe lang! tinulugan talaga ako ng isang to?! =___=




Tinignan ko ang natutulog na si Dionne at nakita ko naman na nagtataasan ang balahibo nito sa may braso. Mukhang nilalamig ata ang isang to. Hinubad ko yung jacket ko at ikinumot ko sa kanya. Nung nilalagay ko na yung jacket sa kanya, medyo napalapit naman ako sa mukha niya. Napalunok ako..




Hay, kahit gaano ko pa i-deny sa sarili ko, oo na, maganda na talaga si Dionne. Sobrang amo ng mukha niya tapos kada ngumingiti pa siya, parang mawawala lahat ng pagod mo sa katawan. Tinitigan ko maigi yung mukha ni Dionne at napadapo ang tingin ko sa labi niya. Medyo mamula-mula ito at I admit, she has a kissable lips.




Hindi ko alam kung sinaniban ba ako ng masamang espiritu o katangahan, but before I could stop my self, naramdaman ko na lang na unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa mukha ni Dionne. Unti-unti…










hanggang sa maramdaman ko na ang malalambot niyang labi na nakadikit sa labi ko.







1 second.. 2 seconds.. 3 seconds…




Bigla akong napahiwalay kay Dionne.







Ok, what was that? What the heck did I do?




Napatitig ako sa natutulog na si Dionne na walang kaalam alam sa nangyayari.




Oh sh1t!!




Napaumpog ako ng ulo sa manibela ng kotse.





Did I just steal a kiss from her?!?!

***

A/N:

Hello dears! Balik na po sa dating url ang website ko >>> www.alyloonystories.weebly.com

Anyways sa mga nag tatanong po kung ano ang facebook account ko.. hindi po open for public ang account ko.. but you may communicate with me on my page >> www.facebook.com/alyloony

At... sa mga nagbabasa ng author's note ko, salamat po ng madaming madami! :)


 


Comments

patricia
05/21/2012 6:30am

ang galing mo talaga ate alyloony gumawa ng mga kwento!! YOUR THE BEST!! :)

Reply
Pamela Aniceto
05/21/2012 6:49am

I love it. Nagugustuhan na ni Japoy si Dionne.. YIIIIEEE! Hoho

Reply
05/21/2012 6:52am

UWAAAAAAAAAH! Ang ganda-ganda po ng update niyo Ms. alyloony! :"""""""""""""> Finally may first kiss na si Dionne!!! :""""""">

Reply
Janelle ^.^
05/23/2012 8:24pm

kelan po next update?? excited to read it :)
nagkakadevelopan na yug dalawa ohh

Reply
Snie'Ar,<3Scotty
07/06/2012 11:17pm

una investigator-stalker-baklang dinasaur-daddy-ngayon kiss stoler na si jake!

hay naku npaka talented mo ha'

hahahahahahaha

enjed reading

Reply
smile^-^
08/22/2012 4:35am

sana po matapos na ang angel in disguise.....uuuaaaaahhh excited na po ako hahahha........ang galing mong mag stole ng kiss jake
hahaha hindi ka pa naniwala na nahalikan mo si dionne hahaha...

Reply
lenlen02lyn
04/01/2013 9:04am

aaaaahhhhh,grabe,natawa at kinilig ako ng subra sa chapter nah to,promise..hehehehe,wwaaahh..
Kung pwede lng mgsisigaw ginawa ko nah kaso my natutulog nah..wahahahaha,sa isip ko nlng..

Reply
sophia puri
05/01/2013 6:42am

idol talaga kita ate alyloony!!ikaw na ang favorite kong author ever

Reply
SUNAKO
05/18/2013 7:18am

Ayeeeeh kilig naman ako sakanilang dalawa. love it!!

Reply



Leave a Reply