“Break the Cassanova’s Heart” Operation
Special Chapter
New Love


Chapter 4
*New heartbeat* 


A/N: Sorry po kung medyo natagalan yung update! Anyways enjoy reading..

Balik na po sa dating url ang website ko >> www.alyloonystories.weebly.com :)



Chapter 4

*New heartbeat*

[Drew’s POV]

“uy Drew alam mo ba na nag date ngayon si Jeanell at si Vin?” tanong saakin ni Kryzel habang nakaupo siya sa bleachers at pinapanuod akong mag practice ng basketball mag isa

“grabe feeling ko nagkakamabutihan na yung dalawa” pagpapatuloy niya habang tuloy tuloy lang ako sa paglalaro ng basketball

“kasi naman itong si Vin, mabilis pumorma. Kung gusto niya ang isang tao, hindi na siya nagpapaka indenial pa, wala ng dala-dalawang isip! Liligawan na niya agad at gagawin ang lahat maipakita lang ang pagmamahal niya dito!” sabi ni Kryzel saakin.

Dinedma ko parin siya at tuloy tuloy lang sa pag dribble ng bola. I attempted to shoot the three points shot at pumasok yung bola sa ring!

“kita mo yun? pasok ang three points shot ko!” pagmamayabang ko kay Kryzel

Tumayo si Kryzel sa kinauupuan niya at lumapit saakin habang nakasimangot “Mr. Drew Fernandez nakikinig ka ba saakin ha?!”

“huh?”

Bigla na lang napa-face palm si Kryzel “you’re hopeless really! What I’m trying to say is…” huminga siya ng malalim “HAHAYAAN MO NA LANG BA MAWALA SAYO SI JEANELL HA?! HAHAYAAN MO NA LANG BA SIYANG MAPUNTA SA IBANG LALAKI?!?!” sigaw ni Kryzel ng pagkalakas lakas na feeling ko eh dinig hanggang sa labas ng university namin ang boses niya.

Napatakip naman ako bigla ng tenga dahil sa pag sigaw ni Kryzel “relax ka lang! bat galit na galit ka saakin?!” =___=

“nakakaasar ka kasi!” lumapit si Kryzel saakin “tell me Drew, wala ka ba talagang nararamdaman para kay Jeanell?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya then I heared her sigh

“hay naku Drew, kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng puso mo. Mamaya magsisi ka sa huli. O siya alis na ko. Nandiyan na si Rence at inaantay ako. Bye bye”

Tinalikuran na ako ni Kryzel at tuloy tuloy siyang lumabas sa gym habang ako naman ay naiwang mag isa doon.

I tried shooting a three points shot again but this time, sablay na ang tira ko. Nahiga ako sa sahig.

 



“kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng puso mo. Mamaya magsisi ka sa huli”

 

Napa buntong hininga ako ng maalala ko yung sinabi sakin ni Kryzel.

Ano ba kasi talaga ang tinitibok ng puso ko? ano ba talaga? Pumikit ako at naalala ko yung time na sinabi saakin ni Jeanell na nililigawan siya ni Vin. Sa totoo lang parang kinabahan ako na ewan nung sinabi saakin ni Jeanell yun. Hindi ko nga lang alam kung dahil natatakot akong mawala saakin ang bestfriend ko o naiinsecure ako dahil baka magmahal na ng iba si Jeanell. Pero naisip ko, ayoko namang magpaka selfish. Oo alam ko dadating din ang araw na makakapag move on si Jeanell at makakahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya but I didn’t expect it to come this soon.

Hay siguro nga masaydo lang akong nasanay na ako ang mahal ni Jeanell at lagi siyang nandiyan para saakin kaya siguro ako nagkakaganito.

Kung pipigilan ko si Jeanell, hindi ba masaydo akong magiging selfish? Ilang beses ko ng nasaktan si Jeanell and it’s about time na sumaya na siya. Isa pa tingin ko naman hindi naman siya pababayaan ni Vin.

Well I guess? Hindi ko naman masaydong close si Vin at hindi ko alam kung paano siya makitungo sa babaeng gusto niya. Pero kung ang pagbabasihan ko ay yung paglalaro niya ng basketball…

Si Vin ay may pagka aggressive sa loob ng ring.

Aggressive?!

Biglang may naimagine ko kung ano ang ginagawa nila Vin ngayon.

~~~~~~~~~~~~~~~

“Jeanell, sumama ka saakin ngayong gabi sa bahay namin?”

 

“p-pero Vin hindi pa ko ready…”

 

“edi gagawin kitang ready!” sabay hatak kay Jeanell at dahang dahang naglalapit ang mukha nila…

~~~~~~~~~~~~~~~~

Napatayo ako bigla sa imagination na yun! Bwisit naman! Bat ba ganun agad ang pumasok sa isip ko >___<

Ano pa ba katangian ni Vin? Hmm, medyo mainitin din ang ulo niya bilang manlalaro. Pag hindi niya nakukuha yung bola, madali siyang madistract dahil sa init ng ulo niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~

“ayaw mong sumama saakin ha?!”

 

“w-wag Vin maawa ka! Wag!”

 

*sampal kay Jeanell* *sabunot kay Jeanell*

~~~~~~~~~~~~~~~~

Napailing naman ako. Ano ba tong imagination ko masyadong wild?!

Pero kahit aggressive at mainitin ang ulo niya, he value teamwork. He’s a good team player!

~~~~~~~~~~~~~~~~

“guys! Pagtulungan nating dalhin ang babaeng to sa bahay natin! Team work tayo”

 

“oo pare tapos hati hati tayo ah?”

 

“syempre naman! Team work!”

 

*high five*

~~~~~~~~~~~~~~~~

BWISET! Lahat ba ng papasok sa isip ko puro masasamang bagay? Wala bang maganda? Nakakainis!!! Tsaka bat ko ba kailangan ikumpara ang paglalaro ni Vin ng basketball sa pakikitungo niya kay Jeanell! Malamang naman siguro ay magkaibang bagay yun!!

Pero paano nga kung ganun talaga ang ginagawa ni Vin? Paano kung sinasaktan nga niya si Jeanell? Paano.. paano kung pinagpaplanuhan na niyang gahasain ang best friend ko?! O____O

WALANGYANG LALAKI YUN! MAKAKATIKIM SIYA SAAKIN!!!

Dali-dali akong tumayo at nagpalit ng damit. Madalian kong inayos yung mga gamit ko at tumakbo ako papunta sa bahay nila Jeanell. Makita ko lang na nakauwi na siya, makakahinga na ako ng maluwag.

Naku sana naman walang ginawang masama si Vin kay Jeanell. =___=

Nung makarating ako sa kanila, sakto nakita kong naglalakad narin si Vin at Jeanell papunta sa bahay nila kaya naman bigla akong napatago sa gilid ng poste.

“thank you Vin ah? talagang nag enjoy ako ngayong araw” sabi ni Jeanell kay Vin

“ako din! Kung alam mo lang kung gaano mo ko napasaya ngayon”

Napasaya?! What exactly did they do?! =___=

Naramdaman ko naman na may kumikiskis na kung ano sa paa ko kaya napatingin at dito ayun may nakita akong isang kuting.

“ngyawww” sabi nung kuting saakin

“shh!”

 

Tinignan ko ulit sina Vin

“uhmm gusto mo munang pumasok sa loob?” yaya ni Jeanell

“naku hindi na, medyo gumagabi narin eh!”

Hay buti naman at di pumayag!

“ngyaw ngyaww!” sabi nung kuting sa may paa ko habang kinakalmot kalmot yung pantalon ko. Tinabing ko yung pusa. Bwisit, ang kulit kulit!! >__<

“Oh ganoon ba? Ingat ka pauwi Vin ah?”

 

“Sure! I’ll text you pag nakauwi na ko”

 

“sige bye” nag wave na si Jeanell sa kanya at tumalikod pero bigla siyang hinila ni Vin

“wait!”

Nagulat ako ng bigla niyang halikan si Jeanell sa pisngi

“thank you talaga Jeanell”

At talaga nga naman! Kailangan i-kiss na agad sa cheeks eh first date pa lang nila yun?! aggressive nga talaga ang Vin na to! >___<

“ngyaaw.. ngyaaaaw..”

“O-ok lang y-yun. Salamat din” sabi ni Jeanell at halatang namumula siya. Wag mong sabihing kinilig na siya dun? >__<

“ngyaaawwww ngyaaaw ngyaaaawww”

Tinignan ko yung dalawa at nakita kong paalis na si Vin

“ngyaaaaaaaw! Ngyaaaaaaaaawwww! Ngyaaaaaaww”

“Ay anak ng--!!!” tinignan ko yung kuting sa may paanan ko na kanina pa nanggugulo saakin “wala akong pagkain kahit mag meow ka pa ng mag meow diyan? Mamaya na lang ok? Babalikan kita dito basta wag ka lang maingay at wag mo na muna ko istorbohin dito!! Busy ako!” >____<

“Drew?” napatigil ako bigla ng makita kong nasa harap ko na si Jeanell “anong ginagawa mo dito? Tsaka sino kinakausap mo?”

 

“H-ha? ah eh.. hehehe w-wala napadaan lang ako”

Naku naman! Nahuli pa! tong pusang to kasi ang ingay ingay! >___<

“oh I see. May pupuntahan ka ba dito? Di ba sa kabilang way yung bahay mo?”

 

“h-ha?! a-ano eh uhmm ano kasi.. n-nag jojogging ako! Tama nag jojogging kasi ako!” pagpapalusot ko sa kanya

ng ganitong oras? Gumagabi na ah?”

 

“ay ganun? Hehe hindi ko napansin! Sige una na ko” pag papaalam ko sa kanya

“ok. Ingat ka! Bye bye” she waved at me tapos pumasok na siya sa loob ng bahay nila

Yun lang yun?! Ni hindi manlang ako niyaya pumasok sa loob ng bahay nila para painumin man lang oh ano! Samantalang yung Vin na yun niyaya niya?! Napagpalit niya na ko ng ganung kabilis?!

Badtrip. Makauwi na nga lang. T___T

Napahinga ako ng malalim. I gave Jeanell’s house one last look.

Pero sa itsura nila kanina, mukhang ang saya saya nila. Ok narin siguro si Vin para kay Jeanell. Nakikita kong aalagaan at mamahalin niya to ng husto. Hindi niya sasaktan si Jeanell at alam ko sasaya ito sa kanya.

Hindi katulad ko.

 

Kinabukasan maaga akong nakarating sa gym para mag practice. Wala pa yung ibang ka team members ko. Malamang eh may mga klase pa yung mga yun. Nagpalit ako ng sweat shirt then lumabas na ko para mag practice. Nagulat naman ako na may tao na doon sa gym pagdating ko.

 

“Jeanell?”

 

“oh Drew, ikaw palang?” tanong niya saakin

“ah oo. Maaga kasi nag dismiss yung last subject class ko”

 

“oh I see. Ako din eh” nginitian ako ni Jeanell atsaka niya ko nilapitan “ikaw talaga hindi ka marunong magtali ng sintas mo”

 

“h-ha?”

Yumuko si Jeanell at itinali niya yung sintas ng rubber shoes ko

“salamat Jeanell..”

 

Tumayo siya then nginitian niya ako “uhmm Drew, a-alam mo ba b-binigyan ko na ng chance si Vin na manligaw saakin”

Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko pero hindi ko ito pinahalata kay Jeanell.

“g-ganun ba?” I fake a smile “edi maganda! Bagay naman kayo ni Vin eh! sagutin mo na kaya siya” I told her half heartedly. Sa totoo lang gusto ko talagang sabihin ang mga katagang yun kay Jeanell ng bukal sa puso pero bat ganito? Bat hindi ko makuhang maging masaya para sa kanya? Bakit parang nasasaktan ako sa thought baka ma-fall na rin siya kay Vin?

Bakit ba parang natatakot ako?

“naisip ko Drew siguro tama narin talaga para saakin si Vin. Mahal niya ako at lagi niya akong inaalagaan. Alam ko magiging masaya ako sa kanya”

I nod “o-oo. Alam ko magiging masaya ka kay Vin..”

“sana ikaw din maging masaya na”

I just nod at her. Sa nararamdaman ko ngayon, parang ang layo pa bago ako maging masaya ng totoo.

Maya-maya lang din ay nagsidatingan na ang mga ka-team members namin at nagsimula narin ang practice. Dahil kasabay namin ang practice ng pep squad ngayon, tig kalahati kami ng court. Medyo malapit narin kasi ang competition ng pep squad pati narin ng basketball team kaya naman todo na ang pag pa-practice namin.

Nag warm-up muna kami then after ten minutes ay nagsimula narin kami ng practice game. At kung mangaasar nga naman, kalaban ko si Vin.

Nag jump ball ang magkabilang captain sa team namin at saktong sakto na saamin napunta ang bola. Agad kong kinuha ito at nag dribble papalapit sa ring kaya lang napatigil ako bigla sa nakita ko.

Sa kabilang court ay nag pa-practice ng pyramid ang mga pep-squad at si Jeanell yung nasa pinaka tuktok.

“Drew! Concentrate on the game!” sigaw ng captain namin pero hindi ko ito pinansin. Binitiwan ko ang bola at napatakbo papalapit kila Jeanell ng makita konga na-o-out balance na siya at parang mahuhulog na.

“Jeanell!!!” narinig kong sigaw ni Vin.

Dali-dali akong tumakbo papunta kay Jeanell at saktong  pagkahulog niya ay bigla ko siyang nasalo. Pareho kaming napatumba sa sahig. Ako nasa ilalim habang yakap yakap ko sa may dibdib ko si Jeanell na walang malay. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa may ankle ko.

“Drew!! Jeanell! Ayos lang kayo?!” sigaw ni Vin. Nagsilapitan din ang mga members ng pep squad pati mga ka-team member ko.

“ok lang ako. Si Jeanell nawalan ng malay! Tulungan niyo siya!”

Agad agad binuhat ni Vin si Jeanell. Nagsilapitan naman saakin yung mga ka-team member ko habang namimilipit ako sa sakit at nakahawak sa may ankle ko.

“na twist niya ata ang ankle niya gawa ng pagkakatumba nila! Dalhin na natin to sa ospital” naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ng mga kasamahan ko at inihiga sa isang stretcher.

“may bone fracture ka sa may ankle mo and it’ll take a month para gumaling” sabi ng coach ko “hay, hindi ka muna makakapaglaro para sa tournament natin. Malaking kawalan ka Drew alam mo ba yun?”

Hindi ko pinansin yung sinabi niya instead, sinubukan kong umayos ng upo “kamusta po si Jeanell?”

 

“she’s fine. Nawalan lang siya ng malay pero ni-galos wala siya”

Napangiti ako “I’m glad”

 

“mahal mo no?” diretsahang tanong ni coach saakin kaya




“h-ha?! hindi no! kaibigan ko lang yun at mahalaga siya saakin”




“Drew, kung hindi mo siya mahal edi sana ngayon nagmumukmok ka na dahil hindi ka makakapag laro sa tournament. Importante tong game na to para sayo pero malaman mo lang na ligtas si Jeanell eh ayos lang sayong hindi makapag laro”




Napayuko lang ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya “s-sorry dahil hindi po ako makakapag laro”




you don’t sound resentful. Nararamdaman ko pang masaya ka dahil ligtas siya”




Hindi ko ulit siya sinagot at kinuha ko yung saklay ko “k-kakamustahin ko lang si Jeanell”




Naglakad ako palabas ng room ko at para pumunta sa kabilang room kung saan nandun si Jeanell. Papasok na sana ako sa loob ng makita kong kasama niya si Vin at hawak-hawak nito ang kamay niya.




“Jeanell sure kang ok ka a? wala bang masakit sayo o ano? Ayos ka lang ba?”




“o-oo Vin  ok lang ako. I-ikaw ba nag dala saakin dito?”




Vin nodded




Nakita ko namang ngumiti si Jeanell “salamat ha? salamt Vin sa pagligtas saakin. siguro kung di mo ginawa yun, malamang eh nadisgrasya na ko”




Hinawakan ni Vin ang pisngi ni Jeanell “hindi ko naman talaga hahayaan na may mangyari sayo eh. I’m glad ligtas ka…”




Napahinga ako ng malalim dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili ko. Kung di lang ako ta-tanga tanga edi sana ako rin ang nagdala kay Jeanell sa ospital. Ako sana ang nagbabantay sa kanya at ako rin ang pinasasalamatan niya.




Pero sa kabilang banda, naisip ko, ayos nadin siguro to. Ang mas mahalaga ay ligtas si Jeanell. Ako man o si Vin ang nasa tabi niya, ang mahalaga, hindi siya nasaktan.







Yun nga lang, meron parin parte saakin na parang nagseselos at hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.




Naalala ko bigla yung sinabi ni coach saakin




“Drew, kung hindi mo siya mahal edi sana ngayon nagmumukmok ka na dahil hindi ka makakapag laro sa tournament. Importante tong game na to para sayo pero malaman mo lang na ligtas si Jeanell eh ayos lang sayong hindi makapag laro”

 




Mahal? Pagmamahal na ba talaga tong nararamdaman ko para kay Jeanell? Nahulog na ba talaga ko sa kanya?




Kung oo, isa lang ibig sabihin nito. Malas talaga ako sa pagibig.

Dahil kung kelang nahulog na ko sa taong matagal ng nasa tabi ko, ngayon pa siya mawawala saakin..

 


Comments

France
05/20/2012 5:03am

Ang masasabilalu ko lang sa update... mas mahal ni papa Drew si Jeanell! Si papa drew ay sumugod nung nahuhulog si Jeanell.. si papa Vin sumigaw lang! kaya papa vin akin ka na lang.. kay papa drew na si jeanell :3

Reply
lori
01/21/2014 6:48am

hayyyyyyyyyyyy :(

Reply
Tina
05/20/2012 6:29am

Ang malas naman ni Drew.. nakakainis aman!! Tinatadyakan ko tuloy yung hangin ngayon! Gosh!! Inis man!! Pero hindi naman ako galit kay Vin, pero-- EHHHH!! Dapat Drew and Jeanell na lang eh! Sad naman ako :( Kaya UD na po kayo. Excited na kaming lahat sa next UD :D xoxo

Reply
Bah <3
05/20/2012 7:13am

waaah !! nakakatawa imagination ni Drew. Pero nakakalungkot din kasi ang malas malas nga naman nya .. tsk tsk. :(
excited na ko sa next update ..

Reply
hani
05/20/2012 1:04pm

yan! buti nga! tanga-tanga kasi edi nagsisisi ka ngaun! go Vin!

Reply
may
05/20/2012 9:41pm

hay...kalungkot sa part ni drew...pero kainis si vin ha...di man lang nya sinabi na si drew ang nagligtas ke jeanell...hmmm...kaasar....sayang tuloy effort ni papa drew...

Reply
gabby1128
05/20/2012 10:45pm

weeww!! nasa huli talaga ang pag sisisi! si drew kasi ehh!!!

Reply
rhegine
05/20/2012 11:14pm

tsk!nakakinis nomon ooh ang sarp lang tadyakn ng feekings mu drew whahahahah ang malas mals mals mo nga whahahahah anubey bakit ka ganyan..napawow at napacomment tuloy ako lagi ka nalng sawi toinkz joke syempre may pagasa pa naman, sakin ka nalng este hindi pa namn tuluyang sila whahahahah bwuahahahhaha tu2lungan pa kita ee kyah!!!!!! ^_^

enjoy na enjoy namn ako sa pgbabasa hahahaha may kasunod pa po ba?ang galing namn ...*hugs and kissess*

Reply
SimplyYourPrincess
05/21/2012 3:37am

DREEEEEEEEEEWWWWWW !!! bawiin mo kung ano ang iyo !!! Sa'yo naman talaga si Jeanell ee ...

Reply
Sabby
05/21/2012 5:52am

Aww... Kainis naman na-fracture na nga si Drew si Vin pa din yung nakakuha ng credit... :((( Drew kaya mo yan! :D

Reply
05/21/2012 7:48pm

hay!!! bkt kc ang tagal malaman ng isang tao na he/she have something to someone... hay... (sigh) (sigh) (sigh)
thank you po sa update Ms. Aly... w8 ko po ul8 ung susunod.

Reply
ciara
05/25/2012 9:33am

wahhhhhhhhhh ....... ang ganda .. bitin nga lng po :( kelan po next update ??

Reply
Potpotttt
05/26/2012 9:12pm

hihi. Ateeee. Silent reader here. :))) waaa. Update na ulit bgo mgpasukan :)) okay naman si vin ah? At least he's there when Jeanel was at her worst. Drew always had her at her best though magbestfriends nga sila. Pero it's not the same with Vin. ;)) i loke Vin for her :"""> reader's opinion lang po :)) same as you guys :)))

Reply
nica
05/28/2012 3:58am

wahahahahha@!! Para nmang chix tong si Drew.. pakipo ang pakshet lang!

IBAON MO NA SI JEANELL!!!!!!........ Sa puso mo.. <3

Reply
Sophie
05/30/2012 12:55am

Rawrr ! kainis nmn.! Kung kelan wala na si Jeanell saka nmn na pamahal tong si Drew.. Ang tanga tanga mo tlga Drew.. Nakakainis ka.!

Reply
Snie'Ar<3Scotty
07/09/2012 2:43am

yan ang cnasabi ko sayo
drew!

hahahahahah
karma strikes you!

hwhehehehe
bad kuh"

btw ang sweet talaga ni vin!

hhahahhah :)

Reply
08/17/2012 11:39pm

drew ! your such a jerk !!! love her

Reply
_jez_27_^^
09/02/2012 5:28pm

waaaah!!! cnungaling ka vin ! wawa nmn c drew ! >_<

Reply
myDada
11/02/2012 11:35pm

all I can say is, Drew it is love and dont lose hope.!! ^_%

Reply
daidu-chan
12/31/2012 4:32am

waaahhh.. ayan kc.. tsk. tsk. nasa huli ang pag sisisi. hmp.

Reply
jara12
03/01/2013 12:26am

kawawa naman si drew ......... huhuhuhuhuhuh

Reply
03/22/2013 7:10pm

wew

Reply
w
03/22/2013 7:15pm

Reply
maychelou
03/28/2013 10:45am

kawawa naman.. c Drew.. sana Jeanell at Drew lang FOREVER....

Reply
jhamella
06/21/2013 3:24am

I LOVE DREW&JEANELL SANA CLA PARIN HANGGANG END

Reply
carel
07/03/2013 1:40am

ILOVE DREWWWWWWWWWWWWWWWW!!!!!!!

Reply



Leave a Reply