Glig Graphics

Chapter 24
*first move* 

Picture


[Dionne’s POV]

“ok guys! Pack up na muna tayo. Bukas na ulit yung ibang scenes. Make sure to be here on time tomorrow. For now you may take your time na mag gala or mag pahinga” sabi nung director saamin matapos yung last take nina Japoy, Rui at Venus.

Nakita ko naman si Japoy na papalapit saakin

“alcohol ko nasaan?” pambungad na tanong niya saakin.

Agad agad kong kinuha ang alcohol niya at inabot ko sa kanya to “i-ito..”

Kinuha naman niya ito agad saakin at nag lagay agad siya sa kamay niya. After that naupo siya sa upuan habang pinupunasan yung pawis niya.

Tinitigan ko lang si Japoy. Naalala ko na naman bigla yung kissing scene nila ni Venus. Hindi ko alam kung bakit paulit ulit tong nag re-replay sa utak ko na akala mo eh parang pirated DVD. And the weirdest thing is, naninikip na ewan ang dibdib ko. Para bang nakakaramdam ako ng sakit at galit at the same time.

Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

“pakikuha yung tubig ko” rinig kong utos ni Japoy. Agad agad ko naman sinunod yung utos niya at kumuha nung tubig at inabot ko sa kanya

“e-eto” sabi ko sa kanya while avoiding his gaze

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Japoy at sinilip ang mukha ko.

“huy!”

“b-bakit?” sabi ko sabay tingin sa kabilang direksyon para iiwas ang mukha ko sa mukha niya. Pero lumipat naman siya ulit sa direksyon na tinitignan ko at pilit na sinilip ulit ang mukha ko.

“huy!” sabi niya ulit

“b-bakit nga?” sabi ko sabay iwas na naman ng tingin sa kanya.

“may sira ba ulo mo ngayon at iniiwasan mong tignan ang gwapo kong mukha?” 

“w-wala ah” sabi ko sa kanya while still avoiding his gaze.

“eh bat ka ganyan? Bat ka nakasimangot? Bat di mo ko tinitignan ha? Anong problema mo?!”

Di ako umimik. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ano nga ba problema ko at bakit parang naiinis ako kay Japoy? Parang hindi ako to ah. Usually kahit naiinis ako nagagawa ko parin kumalma at ngitian ang taong kinaiinisan ko. Tsaka isa pa kung maiinis man ako ay dahil sa isang mabigat na dahilan.

Pero ngayon bakit ako nagkakaganito? Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan? Simula nung kissing scene nila ni Venus para akong nabadtrip na ewan.

Napapukpok ako sa ulo ko.

Ang salitang badtrip at pangalan na Dionne ay hindi magkatugma. Pero bat ba ko nagkakaganito? >__<

“huy! Baliw ka na ba?!” tanong ni Japoy

Tinignan ko si Japoy “oo mukha ngang nababaliw na ko. Paki dala na nga po ako sa mental” T___T

“ewan ko sayong chimay ka! Tumino ka nga!! Yung yosi ko nasaan?!” pagalit na sigaw ni Japoy saakin

Agad agad kong inilabas yung isang pack ng stick-o at inabot k okay Japoy “eto yosi!” ^___^

Nakita ko namang kumunot ang noo niya at halos magdikit ang dalawang kilay niya “PINAGLOLOKO MO BA KO HA?!?!” sigaw niya saakin habang nanlalaki na naman ang butas ng ilong

“hindi ah! Sabi mo yosi. Eto yosi!” ^__^

“you—you--! Arggghhhh! Nakakaasar!!!” sabi niya then umupo ulit siya habang nakasimangot at mukhang badtrip na badtrip. Parang bigla namang nawala lahat ng bad vibes ko ng makita ko ang itsura ni Japoy. Ang cute cute kasi talaga niya pag naaasar. Ang sarap picture-an ng mukha tapos ipapa-print ko as poster then ididikit ko sa bawat sulok ng kwarto ko ang mga kuha ni Japoy pag nababadtrip siya at nanlalaki ang butas ng ilong. For sure gabi-gabi akong matutulog ng may ngiti sa labi. Bwahahahahhahaha.

“HOY! ANONG NGININGITI-NGITI MO DIYAN HA?!” bigla naman akong natauhan sa pantasya ko ng sumigaw na naman si Japoy.

“wala lang!” sagot ko sa kanya habang ngiting ngiti “Japoy! Tara gala tayo sa beach mamaya! Wala ka na naman shooting for today di ba? Tsaka tanghali naman na yung shooting niyo bukas kaya sige na gala tayo! Ha? Please gala tayo!”

“ayoko matutulog ako!!”

“eeehh please? Gala tayo!”

“ayoko nga sabi eh!”

“sige na please!!” pagpupumulit ko parin sa kanya

“ayaw nga niya eh! Sino ka ba para yayain siya ha?!” napatingin kami pareho ni Japoy doon sa sumigaw at nakita namin si Venus na papalapit saamin.

Iniwas ko yung mga tingin ko sa kanya at nag kunyaring inaayos yung mga gamit ni Japoy. Parang bigla na naman kasi bumalik yung nararamdaman ko kanina. Yung parang naiinis ako na ewan.

“what do you need?” tanong ni Japoy kay Venus

“w-wala naman. G-gusto ko lang sabihin na nice job kanina” sabi ni Venus

Medyo napatingin ako sa kanila at nakita kong nakangisi si Japoy.

“I told you I’m going to give you a good scene” tumayo si Japoy then he leans forward on Venus “masarap ba kong humalik?”

Napahigpit ako ng hawak doon sa tumbler ng tubig ni Japoy dahil feeling ko kung hindi ko to hahawakan maigi, maibabato ko sa kanila ito. Sumagi narin sa isip ko na pumunta sa harap nilang dalawa at itulak si Venus. O kaya hatakin palayo si Japoy kay Venus.

Ay ASDFGHJ!! Ano ba tong pinag iisip ko?! Bat may pumapasok na masasamang bagay sa isip ko?!

Pumikit ako then I whisper to myself ‘God sorry po sa mga iniisip ko. Hindi ko alam bat ako nagkakaganito’

 

“I admit” natauhan ako bigla ng marinig kong magsalita si Venus “walang tatalo sa halik mo but don’t deny na hindi ka rin nag enjoy sa scene na yun?”

This time tuluyan na akong lumingon kay Japoy just to see his reaction. Nakita kong ngumiti lang siya pero hindi siya nag salita. Ngayon naman, para akong sinaksak sa nakita ko. Bakit ganito? Bakit gusto kong marinig na sabihin ni Japoy na hindi siya nag enjoy sa kissing scene nila? Ano na ba talaga ang tumatakbo sa isip ko at bat ako nagkakaganito?

“Dionne-chan!” nakita kong papalapit si Rui saamin kaya naman I took this opportunity na ibaling sa iba ang attention ko

“R-Rui!”

“wala na kaming shooting mamaya, gusto mo mag beach?” tanong ni Rui saakin

“h-ha? Ah o s-sige! Tara mag beach tayo!” sabi ko habang pilit pinapasigla yung boses ko.

“next week mag handa ka na sa bed scene natin” rinig ko namang sabi ni Japoy kay Venus

“tss handa ako sa mga ganyang scene” sabi naman ni Venus “sige at ako’y matutulog pa. Bye” tumalikod na siya saamin at naglakad palayo.

Bed scene? Ayoko ng isipin kung anong mangyayari saakin pag pinanood ko yung scene nay un.

“Dionne-chan may gagawin ka pa ba?” tanong ni Rui saakin

“ah aayusin ko na lang yung gamit ni Japoy”

“ok then I’ll help you!” tinulungan niya akong buhatin yung mga gamit ni Japoy “Jake-nii chan hihiramin ko lang si Dionne ah?” sabi niya

Umismid lang si Japoy pero di naman niya kami pinigilan kaya naman naglakad narin kami palayo ni Rui sa kanya. Tinulungan lang ako ni Rui na buhatin ang mga gamit ni Japoy sa room namin then inayos lang namin saglit. After that, nagusap kami na magkikita sa lobby at sabay pupunta sa beach.

Nagpalit ako ng damit na pwedeng ipampaligo. Simpleng board shorts lang naman at t-shirt. Nung makapagpalit na ko ng damit, nakita kong kapapasok lang ni Japoy sa room namin.

“Japoy, pupunta muna ako sa beach kasama si Rui ah” paalam ko dito

“edi pumunta ka” sabi niya sabay pasok sa bed room at ikinandado niya yung pinto.

Napahinga ako ng malalim. Feeling ko nadisappoint ako kasi hindi ako pinigilan ni Japoy. At lalo na bat ba pakiramdam ko ang weird weird ko ngayong araw. Kung ano-ano ang nararamdaman ko ngayon.

Napailing na lang ako. Hay naku! Kesa mag isip ako ng kung anu-ano, mag eenjoy na lang muna ako sa beach kasama si Rui!

 Tinignan ko yung pinto ng bedroom ni Japoy then tuluyan na kong lumabas.

[Rui’s POV]

“di ba si Rui Ashiya yun? Yung artista?”

 

“oo nga siya nga! Shet ang gwapo niya sa personal!”

 

“magpapicture kaya tayo?”

 

“wag nakakahiya, mukhang may inaantay siya eh. Girlfriend kaya niya?”

Napangiti ako bigla.

Nandito ako ngayon sa lobby at inaantay si Dionne-chan dahil may usapan kami na pupunta sa beach. At last maso-solo ko na siya! Si Jake nii-chan kasi walang ibang ginawa kundi pahirapan si Dionne.

Hay, pero nakakatuwa rin na para akong nagaantay sa girlfriend ko.

“Rui!”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Dionne-chan na papalapit saakin. Nakasuot lang siya ng shorts at t-shirt but why is it ang ganda ganda niya? Akala mo anghel siya na bumaba sa lupa at pinaibig ang isang mortal na katulad ko.

“Dionne-chan”

 

“uy sorry! Napagantay ata kita!”

Nginitian ko naman siya “ok lang yun no! Kahit ilang century pa kong mag antay dito, basta ikaw ang iniintay ko, ayos lang! Dahil alam ko namang dadating ka eh” I told her then I winked.

Bigla naman siya tumawa “hahaha ikaw talaga Rui! Masaydo ka talaga palabiro!”

Nginitian ko lang siya habang nakatitig sa mukha niya. Hay Dionne, kelan mo kaya mare-realize na hindi ako nagbibiro?

“tara na sa beach?” yaya ko sa kanya

“sige!”

Nag lakad kaming dalawa ni Dionne papunta sa beach. Medyo malakas yung alon ng dagat kaya naman wala halos tao ngayon sa beach. Pero ok narin to dahil kahit papaano mabibigyan kami ng privacy dalawa. Gusto ko na maenjoy ang araw na to kasama si Dionne ng walang umiistorbo saamin.

“uwaaaaa ang tagal na ata nung huling beses akong makakita ng dagat!” sabi ni Dionne habang tuwang tuwa na nakatingin sa dagat tapos bigla naman siyang tumakbo sa may seashore para salubungin yung alon

“uy ingat ka! Malakas yung alon!” sabi ko sa kanya habang tumatakbo ako papalapit

“Rui!” nagulat naman ako ng bigla niya akong binasa ng tubig “hahahaha ayan basa ka na! bleh”

“ah basaan pala ang gusto mo ah!” syempre hindi ako nag patalo at binasa ko rin ng binasa si Dionne ng tubig.

“hahaha! Uwaaaa Rui grabe ka!” sabi niya habang ginagantihan parin ako sa pagbasa

“ano ka ngayon ha!” patuloy ko parin siyang binabasa habang siya naman nakatagilid lang at di na makaganti sa ginagawa ko

“uwaaaaa tama na! hahaha! Tama---aray!”

 

Bigla-bigla naman natumba si Dionne ng dumating yung malakas na alon kaya naman agad akong napahinto sa pagbabasa sa kanya at tumakbo papalapit at lumuhod sa harapan niya.

“uy Dionne ayos ka lang ba ha? Nasaktan ka ba? May masaki---asdfghddasdsa!” halos mabulunan ako sa pagsasalita ng biglang umalon ulit at tinamaan pareho ang mga mukha namin ni Dionne.

Nagkatinginan kaming dalawa then we both laugh

“hahahahaha mukha ka ng basang sisiw Rui!”

 

“nagsalita ang hindi! Hahahahahahha”

Tumayo kaming dalawa at naupo sa sea shore kung saan hindi kami masyadong aabutin ng malakas na alon.

“hay napagod ako sa basaan natin!” sabi niya habang naka stretch ang mga hita niya at nakatingin siya sa langit “sorry ah ang dali kong mapagod. May asthma kasi ako and hindi narin ako masyado nakakapag excersise kaya ang bilis ko na tuloy mapagod”

“oh? Ako din kaya may asthma pero nung sumali ako sa iba’t ibang sports dati, gumaling ang asthma ko. Never na akong inatake simula nun. Kaya dapat ikaw din mag excersise ka palagi!”

 

“hmm tingin ko nga” bigla naman niya itinaas ang mga braso niya then nahiga siya sa buhanginan in a starfish like manner “uwaaaaaa ang sarap mahiga dito! Try mo Rui!”

Ginaya ko si Dionne at nahiga rin sa damuhan pero naka side ako para makita ko ang mukha niya.

Hindi ako makapaniwala na ganito ako kalapit sa babaeng nagugustuhan ko ngayon. Ang sarap talaga titigan ng mukha niya lalo na pag nakangiti siya. Ang sarap din siguro sa pakiramdam kung ako ang magiging dahilan kung bakit madalas siyang nakangiti.

Tinitigan ko si Dionne at naramdaman kong parang gusto kong hawakan ang mukha niya, gusto kong yakapin siya at gusto kong ibulong sa kanya lahat lahat ng nararamdaman ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko, hindi pa ito ang tamang oras.

“huh? Ano to?” sabi ni Dionne then may itinaas siya na isang maliit na bato “Rui tignan mo oh, ang weird nung korte nung bato.”

Kinuha ko sa kamay niya yung bato then tinignan ko ito “oo nga no. Parang korteng heart”

“oo nga! Korteng heart! Ang cute naman!”

Bumangon ako sa pagkakahiga at inabot ko yung bato kay Dionne “sayo na lang. Ingatan mo yan, puso ko yan” 

Bumangon this siya tsaka niya kinuha yung bato “ikaw talaga Rui! Ang hilig mong magbiro! Pero kung puso mo to hindi ko to matatanggap”

 

“h-huh? Bakit naman?”

“kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo” sabi niya saakin habang nakangiti.

Hindi ako agad nakapag salita dahil sa sinabi ni Dionne. Napatitig lang ako ng seryoso sa mata niya at doon ko naramdaman ang biglang pagbilis ng puso ko.

Para bang biglang naghalo-halo lahat ng emosyon ko ngayon at gusto ko nang ilabas ito.

Dionne is such a wonderful lady at alam kong hindi malabong may ibang magkagusto sa kanya. Never pa akong nakaramdam ng ganito sa isang babae at ngayon, biglaan ko lang din napag isip..

..dapat magtapat na ko sa kanya. 

Pero ito na ba talaga ang right time na gawin to?


Right? is there such thing as right time para sabihin mo ang nararamdaman mo sa isang tao?

Bago pa magtalo ang isip at puso ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang nahawakan ang kamay ni Dionne.

“R-rui m-may problema ba?”

“keep the heart-shaped stone please”

 

“h-huh?”

 

“Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko diba? Then I’m giving you my heart…”

“t-teka Rui—“

“Dionne, hindi ko alam kung paano nangyari to. Oo aaminin ko sayo na unang beses pa lang kita nakita, na-attract na ko sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama. May times pa na naiinis ako ay Jake-nii chan kasi pinapahirapan ka niya. Meron din times na nag seselos ako kasi parang feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Dionne…” mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya “Aishiteru.. Mahal kita..”

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Dionne ng sabihin ko yun. Kahit ako nagulat din sa sarili ko sa ginawa ko ngayon. Nagtapat ako ng hindi manlang nagiisip. Nagtapat ako sa kanya ng biglaan at parang ewan lang din ang mga pinagsasasabi ko.

But still… hindi ako nagsisisi sa mga binitiwan kong salita.

“R-rui..” halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko “uhmm ano.. kasi.. ahmm---“

“DIONNE!”

Halos mapatalon kaming dalawa ni Dionne ng marinig namin ang sigaw na yun. Nagulat na lang ako ng makita kong papalapit saamin si Jake nii-chan.

 

“J-japoy?!”

Hindi nagsalita si Jake at hinatak niya lang patayo si Dionne

“t-teka Japoy---“

“babalik na tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!”

Tumayo rin ako at hinawakan ko ang wrist ni Jake “teka, di ba nag paalam si Dionne-chan? Bakit ngayon pinapabalik mo siya?”

Tinabing niya ang kamay ko “wag ka makielam!” after that, kinaladkad niya palayo saakin si Dionne habang nakatingin siya ng masama saakin.




Ok?





Bakit pakiramdam ko galit na galit saakin ngayon si Jake nii-chan?








***

Mensahe ni Majinbu..

Uwaaaa sorry kung super duper mega tagal ng update. Sisihin niyo si hanging habagat na nagdala ng ulan saatin for two weeks na ikinasanhi ng muntikang pag abot ng baha sa bahay namin at pagkawala ng kuryente at internet sa loob ng limang araw. Parteh parteh. Five days kaming pinapapak ng lamok >.<

Anyways salamat po sa mga matyagang nag antay ng update! Salamat po talaga <3

If you want po na magpa dedicate, i-tweet niyo na lang po saakin. Hindi ko na po kasi nagagawang mag basa ng PM ngayon. Sabihin niyo lang po kung anong story and kung ano ang watty username niyo. Kung walang username di ko po i-eentertain. Anyways, di na po ako pwedeng mag dedicate sa BTCHO Specials. Tapos sa angel in disguise naman po, onting wait lang po ang dedics kasi madaming nakapila. Ayun lamang po. Salamat

Twitter >> @iamAlyloony


 


Comments

nadine gatdula
08/19/2012 11:26pm

Anghaba naman ng hair ni dionne

Reply
devorah
10/22/2012 5:00am

grabe ang gand a ng mga story mo...

Reply
10/23/2012 8:53pm

update po

Reply
Michelle
11/26/2013 6:30pm

may pdf file po ba ito? T_T
or soft copy po please

Reply
Michelle
11/26/2013 6:31pm

gusto ko sana ilagay s phone pra mbasa ko sa e-book huhuhu

Reply



Leave a Reply