“Break the Cassanova’s Heart” Operation
Special Chapter
New Love


Chapter 5.2
Man-to-man 


[Drew’s POV]

“So ikaw pala talaga ang naglalagay lahat ng yan” napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko sa likod ko si Kryzel.

“nandyan ka na pala” sabi ko sa kanya

Lumapit si Kryzel saakin at tinignan niya yung hawak kong mga foams “talagang alalang alala ka kay Jeanell no at nakuha mo pa talagang maglatag ng foam dito”

I just smiled at her at ipinagpatuloy ko ang paglalagay nung mga foams sa sahig. Medyo nahirapan din ako dahil isang arm lang ang nagagamit ko dahil nga may bali yung kabila kong braso.

“Don’t you know that Vin is taking all the credits?”

Napalingon ako sa kanya “what do you mean?”

“sinabi niya kay Jeanell na siya ang nagligtas sa kanya. Nung tinanong din siya kung siya ba ang naglalagay ng mga foams dito, ni hindi man lang niya itinanggi! Drew bat ba kasi ayaw mo na sabihin namin na ikaw ang nagligtas sa kanya?!”

Napayuko ako. Sinabihan ko kasi lahat ng naka witness na wag na lang sabihin na ako ang nagligtas kay Jeanell. Ayoko ng magkaroon pa ng dahilan para ma-fall pa ulit saakin ang babaeng wala akong ibang ginawa kundi saktan. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako ka-walang kwenta at kung gaano ko hindi deserve si Jeanell. She deserve someone better and that’s Vin.

“Kryzel, mas maigi ng hindi alam ni Jeanell..”

“But why?! Para magkatuluyan na sila ni Vin?! Dati gusto ko siya para kay Jeanell, but come to think of it, hanggang paglalandi lang kay Jeanell ang effort na kaya niyang ipakita dito! ”

Napa buntong hininga ako dahil sa sinabi saakin ni Kryzel “he can make her happy”

“you can also just give yourself a chance! Drew, kung pagbabasihan ang lalim ng pagmamahal, mas malalim ang iyo! Nung nahulog si Jeanell, sino ang sumalo dito? Di ba ikaw? Si Vin hanggang sigaw lang ng pangalan niya pero ikaw tumakbo ka papunta kay Jeanell at ayan ang naging kapalit!” tinuro niya yung braso ko “I know how much you love basketball, pero ipinagpalit mo yun para kay Jeanell. Alam mo ok na sana eh! Mahal mo na eh! Ang duwag mo lang! kumilos ka nga! Mas lamang ka parin ng sampung paligo sa Vin na yan!” =__=

Medyo natawa ako sa reaction ni Kryzel kaya naman lumapit ako at ginulo ko yung buhok niya

“ikaw talaga! Masyado ka lang bias kaya ganyan iniisip mo!” ^___^

“oh what the—stop that! I’m not a dog!” sabi ni Kryzel sabay pout “pero Drew naman! Lahat na lang ng sabihin ko di mo sineseryoso eh! mahal mo ba si Jeanell o hindi?!”

Yumuko ako at nag buntong hininga “oo inaamin ko, may nararamdaman na ko kay Jeanell, kaso—“

“eh yun naman pala eh bakit hindi mo siya ligawan?!”

“Kryzel, kada magkasama si Vin at Jeanell, nakikita kong tumatawa si Jeanell. Nakikita ko ang mga ngiti niya. Nakikita ko kung gaano siya kasaya. Alam mo ba, kada kasama ko siya, madalas umiiyak siya. Lagi ko na lang nakikita sa mukha niya yung painful expression. Pero iba pag kasama niya si Vin”

“pero ikaw ang mahal niya Drew. Bat hindi mo na lang ipagtapat yang nararamdaman mo ngayon? Tell her you have a change of heart! Tell her na may nararamdaman ka na para sa kanya. J-just tell her that! Sabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo siya at wag ka niyang ipagpapalit kay Vin! You’re a man Drew! Do everything para makuha mo ang babaeng mahal mo”

Nag buntong hininga ulit ako and I looked at Kryzel with a painful expression “I did that before. Sinabi ko kay Naomi na wag niya na ituloy ang contract, na iwan niya na lahat ito para maging kami na. Alam mo ba, umasa ako nun na ako ang pipiliin niya dahil sinabi niya saakin na mahal niya ko. But I’m wrong” huminga ako ng malalim just to restrain myself from crying “alam kong alam mo ang pakiramdam ng umasa sa wala Kryzel. Masakit di ba? Sobrang sakit. Sige ayos lang naman saakin na matawag na duwag o tanga o kahit ano eh. But, I’m scared. I’m really scared. Ayoko ng maramdaman pa ang ganung sakit. Si Vin ang makakapagpasaya kay Jeanell. I’m willing to let her go just to see her smile..”

“Drew…” Kryzel taps my shoulder “I totally understand. Pero sabi nga nila, things never happen the same way twice. Sige maiwan muna kita diyan at magbibihis na ako” nginitian ako ni Kryzel then tumalikod na siya at naglakad papunta sa girl’s locker room.

Things never happens the same way twice?

 

Not really. Nasaktan na ako noon, nasasaktan parin ako ngayon at alam ko, mararanasan ko paring masktan sa mga susunod pang araw.

Nung matapos ko ang paglalatag ng mga foams, lumabas na ako ng gym kaya lang bigla ko namang nakasalubong si Vin na papasok pa lang.

“Drew”

I just nod at him as a sign of greeting. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayong nakita ko siya. Maybe because I’m jealous dahil sa ngayon, nasa kanya na ang atensyon ni Jeanell.

I walk pass him pero nagulat ako ng tawagin niya ulit ako

“Drew, let’s have a man-to-man talk”

Hinarap ko siya “why?” I asked him innocently

“alam kong alam mo kung bakit”

Tumalikod si Vin at naglakad palayo. Sumunod narin ako sa kanya. Siguro nga it’s about time na magusap kaming dalawa.

It’s about time na ako mismo ang sisigurong hindi na masasaktan ang best friend ko.

Nagpunta kami ni Vin sa rooftop kung saan kadalasang walang tao kaya naman makakapagusap kami ng matino dito.

“hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Drew..” diretsang sabi saakin ni Vin pagkaakyat na pagkaakyat namin sa rooftop “mahal ko si Jeanell at hindi ko siya kayang isuko. Gagawin ko ang lahat para mapalitan ka sa puso niya kaya kung gusto mo si Jeanell at balak mo siyang agawin, sorry pero hindi magiging madali yun dahil hindi ko siya bibitawan”

I smile a little “pag lumaban ako sayo at sinabi kong mahal ko si Jeanell, I’m very sure na iiwan ka na niya dahil ako ang mahal niya hindi ikaw. Kaya kahit anong pag laban pa ang gawin mo, wala kang magagawa. You’re only fighting in a lost battle”

I saw Vin clenched his fist. Aware akong nainis siya sa sinabi ko sa kanya. Ganti na lang siguro yun sa ginawa niyang pag te-take credit sa mga ginawa ko para kay Jeanell.

“but don’t worry…” dugtong ko doon sa sinabi ko sa kanya “I’m not going to fight anymore..”

Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng sabihin ko yun “Huh?!”

“a-alam kong hindi na ako deserve ni Jeanell. Alam kong ilang beses ko na siyang sinaktan at wala na akong karapatan para angkinin siya. K-kaya Vin, alagaan mo siya ah? at gawin mo ang lahat para sumaya siya..”

Biglang ngumiti si Vin at nilapitan ako “ok then buti hindi nap ala ako mahihirapan. Ayoko narin kasing kalabanin ka bro” he held out his hand “makakaasa ka. Hindi ko sasaktan si Jeanell”

Tinignan ko ang kamay niya then inabot ko to at nakipag shake hands “salamat”

“pero Drew gusto ko sanang mag request sayo..”

“ano yun?”

“pwede bang layuan mo na muna si Jeanell? Kada lalapit ka sa kanya, alam kong nasasaktan siya at mas lalong mahihirapan siyang maka move on. Di ba ayaw mo naman ng nasasaktan si Jeanell? Please Drew nakikiusap ako, layuan mo na muna siya hangga’t maari”

Medyo natigilan ako sa sinabi ni Vin. Layuan si Jeanell? Kaya ko bay un? Oo masakit sigurong makita na magkasama si Vin at Jeanell, pero kung pati friendship namin puputulin ko, makakaya ko ba?

Magagawa ko bang layuan ang bestfriend ko? Ang taong nandiyan nung mga panahong nasasaktan ako?

“hindi ko kaya…” bulong ko

“kayanin mo! Para kay Jeanell kayanin mo!”

Para kay Jeanell?

Napabuntong hininga ako.

Siguro nga tama si Vin. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Jeanell. Ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan at umiiyak.

Ayoko ng maging dahilan pa ng sakit na nararamdaman niya.

Napatango na lang ako biglang sign ng pag sangayon ko sa kanya.

Hinawakan ni Vin ang magkabila kong braso “Salamat bro! salamat”

Bumaba na kami ni Vin matapos namin magusap. Dumiretso naman siya sa gym habang ako naman ay dumaan muna sa locker ko para kunin yung mga gamit ko. Nung maayos ko na ang mga gamit ko, plano ko na sanang umuwi ng makita ko si Jeanell na naglalakad sa way ko. Bigla akong napatago sa gilid ng hallway.

“Jeanell! Kanina pa kita hinahanap” rinig kong sabi ni Vin at nakita ko naman siya na patakbo papalapit kay Jeanell

“oh Vin, may naiwan lang kasi ako sa room namin. Pabalik na ko ng gym”

“I see, tara sabay na tayo bumalik?” Vin stretched his hand

At parang dinurog ang puso ko ng makita kong hawakan ni Jeanell ang kamay nito habang masaya siyang nakangiti kay Vin.

Eto naman ang gusto ko dib a? Ang makitang masaya si Jeanell kahit nasasaktan ako. Eto naman talaga ang tama eh. Kailangan ko siyang pakawalan para maging masaya na siya…


Pero sa kabilang banda, hindi ko parin talaga maiwasang hindi masaktan.




***

A/N: Next chapter will be the epilogue :)

 


Comments

dyosa
06/08/2012 10:57am

sana matuto namang lumaban ng patas si Vin =.=

Reply
ms.toyo
06/08/2012 12:00pm

badtreeep! I hate u n vinz

Reply
albien
06/08/2012 10:27pm

hayss...ang lungkot naman...maxado naman atang kinakawawa ni drew yung sarili nya... why don't give himself a chance to be happy.. hayss.pati ako nadadala sa lungkot nya ngaun..

Reply
cloud
06/08/2012 11:58pm

nakakainis si Drew! parang suicidal ginagawa nya sa sarili nya ah! masokista much? ayaw ba nyang maging masaya sya? ndi naman masamang maging selfish minsan diba?

Reply
stella
06/09/2012 6:14am

my gosh...anu ba yang c drew...nawawalan n lng lakas ng loob..bakit si vin lng ang nagpapasaya..as in panandaliang ligaya..[ang sagwa..haha]...pero ikaw nmn ang napapasaya ng puso ni jenelle..wahhh..ang cheesy...haist.dba?haaaaaayyyy...

Reply
supersub
06/12/2012 9:50pm

....go drew...wag kang susuko!

Reply
Chi
06/30/2012 6:26am

"Things never happen the same way twice."
naka! Numa-NARNiA. Mehehe

"...ayos lang naman sakin na matawag na duwag o tanga o kahit ano eh. But I'm scared. I'm really scared.. Ayoko na maramdaman ang ganung sakit.." -DREW

aww T^T minsan, kelangan mo ng lakas para amining mahina ka..
My heart goest out to him. :(

Reply
Chi
06/30/2012 6:27am

"Things never happen the same way twice."
naka! Numa-NARNiA. Mehehe

"...ayos lang naman sakin na matawag na duwag o tanga o kahit ano eh. But I'm scared. I'm really scared.. Ayoko na maramdaman ang ganung sakit.." -DREW

aww T^T minsan, kelangan mo ng lakas para amining mahina ka..
My heart goest out to him. :(

Reply
Snie'Ar<3Scotty
07/09/2012 3:18am

parang di lalaki tong si
drew'

nkakakinis kah!

cnabi ko noon na wag
kang hahabol
kay jeanel pag nainlove cia kay
vin'
pero di ko sinabi
na magpakawawa ka!

man! fight for it if
you really love her
win her heart back to you!

kasi mukhang nagbago isip ni miss aly
eh' biglang naging
bad boy si vin
so .....

now....
sususportahan na kita kay jeanel'

halata nman kayo din
magkakatuluyan eh'

db miss aly? :)

Reply
LYAN21
08/15/2012 6:01am

E kasi nakakarelate ako kay DREW . Na takot na magmahal ! :(

Reply
08/18/2012 12:25am

ay ang sakit non ah :((((

Reply
_jez_27_^^
09/02/2012 5:49pm

ouch nmn !!!!!!

Reply
kocokrants
10/15/2012 4:48am

ang duwag mo naman drew.. pero since nsktan ka na dti, may dhilan ka nman. pero sana matuto ka nmang lumaban, kahit ngayon lang.

Reply
Kenji
10/20/2012 9:53pm

ta*g i*a nmn ng Drew na yan oh! haizz.. wala nang tatalo sa kaduwagan nya. tsk'3.

Reply
amae
11/01/2012 3:59am

nu ba yan. i hate vin na >.<
kung nung una gusto ko sya ngaun I really hate him >.<

papa Drew parin ako :")

Reply
12/07/2012 4:11pm

asan po ung epilogue??

Reply
Joevena
03/01/2013 11:58pm

magkamuka talaga sila... DREW & VIN =))) when i first saw Drew, i thought si Kim HYun Joong yung ngpoportray sa kanya. XD HAHA.

Reply
nikka <3
03/20/2013 6:24am

ang tanga mo drew!!

Reply



Leave a Reply

    Click to set custom HTML