Originally posted on September 17, 2011
Ren and Amber.

Nag bback read ako sa comments ng My Prince and sobrang dami pala talaga ng against sa Ren<3Amber loveteam? hahahaha lahat maka Arcie<Ren ... or kung hindi naman, mapunta na daw si Ren sa kahit na sino wag lang si Amber... 

Poor Amber... but still never kong pinagsisihan ang decision ko kahit more than half ang mga readers na nangiwan saakin ng dahil na dito. 

Honestly speaking, sila talaga ang pinaka favorite loveteam na nagawa ko sa lahat ng characters ko. Mas kinikilig ako sa kanila kesa kay Jiro at Arcie, or Stephen and Naomi.

Alam mo yung sobrang opposite nila? ang hirap isipin na mahal nila ang isa't isa pero *boom* nadevelop silang dalawa. 

Kada susulat ako ng sweet scenes nila, oh kahit na yung aso't pusa scene nila or indenial scenes nila..  kinikilig ako. Mwahahahahhaa. Yung bang damang dama? tagos hanggang buto? feeling ko ako si Amber. XD

May nakapag sabi saakin "sundin mo kung ano ang gusto ng nakakarami mong readers"

Actually muntikan ko na talagang gawin si Ren ang makakatuluyan ni Arcie then magkakabalikan si Arcie and Jiro, but naisip ko, hindi naman talaga ito ang gusto kong mangyari eh. Gusto ko si Ren at Amber at kahit iwan ako ng mga readers ko ok lang. Kahit madissapoint sila ayos lang. EH ETO GUSTO KO EH. 

Ang story ko ay hindi isang business na kailangan kong gumawa ng fesibility study at intindihin ang "wants" ng mga target market ko. Ang story ko ay isang pag aari ko... na pwedeng ihalintulad sa underwear (walang magandang example na maibigay ang author. ipagpatawad) ... paki ba ng mga tao kung ano ang kulay ng underwear na gamitin ko o kung anong brand? ako naman nagsusuot eh! tsaka di nila ko binabayaran para isuot ko ang kulay ng underwear na gusto nila =__=

Well matatawag niyo kong failed author sa paggawa ng love team kasi hindi ito nagustuhan ng madaming readers.. pero naisip ko lang, idea ko yun... eto ang sa tingin ko ang tama, akin yung story, at boss ko ang sarili ko hindi yung ibang readers. Ang dahilan kung bat ako nagsulat dati kasi "gusto ko" ... ganun din siguro ang dapat na idahilan ko sa bawat pagtatapos ng story

Wala lang, naishare ko lang. Hahahaha.. but all in all I'm very happy kasi yung ibang readers ko eh natutunan mahalin si Amber.... at gusto na nila si Amber kay Ren... dahil dito ang saya ko... mwahahahahaha

Doon sa mga nagpatuloy magbasa ng REACHING YOU. SALAMAT PO.

Doon sa may ayaw sa Ren<3Amber, sorry po talaga. Pero para saakin mas bagay si Jiro kay Arcie, si Ren kay Amber :)

 


Comments

03/26/2012 12:08am

miss alyloony..i'm not against sa ren/amber love team..actually masaya po ako sa takbo ng story kc c amber at ren nlng po ang leftover(huhuhu..nakakaoffend po yung word..sori:)) sa 'my prince' and naiintindihan ko po c amber kc ang sad nmn po tlga ng buhay nya dun taz nung bumalik sya..may new love n po c jiro..sna po ipagpatuloy nyo prin yung reaching you kahit na may mga anti sa kanila..i like the loveteam!! FIGHTING AMBER AND REN LOVETEAM!

Reply
kohakohoshi
03/20/2013 5:49am

tnx! ... REN<3AMBER ..

go SALVY<3MESTIZANG HILAW loveteam !!!!

Reply
obsdcani
04/03/2012 12:55am

kahit ako ate nung una i wished na sana ren and arcie na but then natutuhan kong tanggapin yun at saka maganda naman yung kinalabasan ng story kaya ok lang good job ate..<3

Reply
cj7
04/07/2012 8:53pm

yeah right!! atlast!! nadownload ko na rin ang reaching you, ang tagal kung hinanap ang website na pwedeng madownloadan nito, nandito lang pala..wohh!!.anyways.. ok naman ang renamber love team...boto nga ako sa kanila eh...hello miss alyloony you know what? (hindi nya alam) im your number 1 fan..hahahah,,love yah stories..parang drugs, nakakaadik..joke lang..(some jokes are half meant) ...hehe..(sipsip si ako)

Reply
Eljhay
04/24/2012 5:38pm

Hello po panu po ba mag register??

Reply
reader
05/04/2012 12:14am

para sa akin, ito ang the best loveteam, ang AmbeRen (gawa-gawa q 'yan), kasi ang cute nilang magkasama. si miss iyakin at mr. matakaw, nagkasama! C-U-T-E (ito lang po ang reason ko kaya ko gustung-gusto yung reaching you). tama yung sinabi niyo miss author! do it your way and i'll always be there. thumbs up!

Reply
anggandako
06/22/2012 7:25pm

RenBer is <3. I love how you developed their love story. tbh, I like them better than Jiro and Arcie...kasi mas challenging tlg pra sa part nina Ren and Amber since parehas silang nanggaling s pagiging mga sugatan ang puso, yet still they've found their way back into love. :)

Reply
08/11/2012 7:19pm

..Ahmm..sa tingin ko po tama lang na ginawa mong loveteam si AMBER at REN,,,,,kasi po.............................nung sa book 1 ,mas malakas ang tibok ng puso ko kela Amber at Ren kesa Arcie-Jiro,kaya nung malaman kong may book2 at story ng Amber-ren yun,,sobrang nagtatatalon ako..HUUU!..grabe thank you..you're the best ate Aly...

Reply
sheekiz
08/16/2012 3:14am

REACHING po yung unang story na nabasa ko by ALYLOONY ,, na-inspire tlga ne.. i really love the lovestory.. uhhmnn.. love ko ung REN-AMBER loveteam.. try ko basahin ung kena arcie and ren.. baka magbago isip ko.. your the best alyloony!!

Reply
nadine
10/01/2012 8:14am

Aynako.. favorite ko kaya ang ren amber loveteam besides kaya ko naging idol c kitagawa at koike dhil sa my prince at reaching you...saka ung readers na nang iwan s inyo.. hayaan nyo na sila... basta ikaw ang peyborit author ko...

Reply
lora maridelle
11/08/2012 7:35pm

THEIR LOVE TEAM IS ONE OF THE BEST LOVE TEAM FOR ME.

AJA!!! AJA!!! SALVY & MESTIZANG HILAW LOVETEAM.

GO! GO! GO! ATE ALY... :> idol. jeje.

Reply
Jessa Ylagan
12/06/2012 3:43am

ate aly... 2 be honest, i agree with you, kau na man po tlga ang may-ari ng story e, ok lng po ian hahaha. pero 2 be honest po, sa reaching you ko po natutunang mahalin si amber. (^.^)> buti nga po at mabait c amber kht saang sitwasyon, khit sa my prince.

Reply
zel
12/17/2012 1:21am

hi aly, kahit naman ako nagustuhan q ung story nila ren and amber,, sana nga my part 2 pa un ei,

Reply
pottermore
12/28/2012 9:15pm

ate aly sa mga loveteam na ginawa nyo renXamber loveteam ang pinaka gusto ko.. iba kasi ang impact nila dalawa.. noon na binabasa ko ang my price gusto ko c ren at arcie magkatuluyan peo yun na nagkakilala c ren at amber, may something na d ko ma xplain sa kanila... at c amber naman never po ako nagalit sakanya ewan ko bah kung bakit, basta. kahit ang mga kaibigan ko po napapa smile cla habang binabasa nila ang my price at reaching you cla din mas gusto nila renXamber kaysa arcieXjiro (^.^)

Reply
iEureka
01/12/2013 3:15am

Waaaah! Ateee ang ganda ganda po talaga ng reaching you mas maganda pa nga po un sa my prince eh kasi ang cute po kasi nila couple <3

Reply
hanYnah
01/23/2013 2:32am

i am not Anti. though mas gusto ko yung Arcie and Ren loveteam.NUNG UNA! :) pero kalaunan, nagustuhan ko din si Amber at Ren. :) infact mas gusto ko nga ang Reaching You kesa sa My prince eh :) peace ate Aly :) <3

Reply
01/31/2013 4:37pm

ate aloony, sa totoo lang ayoko talaga .. sa kanila .. andun ako sa di sa mga readers mo na yaw kay amber pero cge i accept, yun idea mo yun kaya .. di ko nlang binasa ipinasummarize ko nlang sa freind ko kasi pag binabasa ko yun.. tatagos luha ko.. masakit kasi ayaw ko. pero accept lang accept. :)

Reply
01/31/2013 5:05pm

Pwede kaba gumawa nlang ulit ng ibang story na naman at si Ren and Arcie ang nagkatuluyan :) Sa totoo lang 3rd year highschool ako nagsimulang maadik sa pocketbook pero ng kalaunan nacontrol ko yun ngayon eto na ulit ang ebook. Di ko maintindihan, pero dalang dala ako sa mga stories mo sana talaga gagawa ka Highschool pa naman sila sa story dba. Tpos College Freshman pa.
so my possibility pa ma change ang story :)) Kaw nlng bhala ate huh.. Wala lang express ko lang feeling ko.

Reply
reachingyouismyfavorite
02/11/2013 7:14pm

pareho tayo ate loony!! mas kinilig ako sa ren-amber loveteam kaysa kang jiro-archie at stephen-naomi ... affected talaga ako sa reaching you. lagi ko nalang tong naiisip at nagdi-daydream pa nga ako at gumagawa ng kilig scenes nila :P ♥

Reply
kohakohoshi
03/20/2013 5:56am

go go go ... REN<3AMBER LOVETEAM!!!!

FIGHT ate ALY ..


#REN<3AMBER 4ever ...

Reply
Jane Ingeniero
04/09/2013 5:54am

cute kaya loveteam ni REN-AMBER.
and tama si ate loony, mas bagay si Jiro kay Arcie.

kaya, go lang ate loony, kahit sino pa mga pagtambalin mo jan... suportahan kita. i love your works. :)

Reply
gesabeL
04/27/2013 11:36pm

Super tama ka Ate Aly kase ikaw ang may gusto nyan e :) pati na din ako sa umpisa ayaw ko pero nung nabasa ko na yung "Reaching You" nagustuhan ko na si Amber <3 hahahaha !! love na love ko kayo Ate Aly kaya kahit anong mangyari d2 lng me . hehehe .. suport to damax ako sayo Ate Aly . mhuaa .. Saranghae <3

Reply
shamae
08/31/2013 3:21am

Hai -- ohh myy miss alyloony i love very much the reaching you especially the my prince ang astig mo talagang gumawa - your the best author ever !? Gustung-gusto ko lahat nang mga gawa mo your the best !!!! Love u much :)) <3 ♡♡♡♡

Reply



Leave a Reply

    Alyloony

    Welcome to my dreamland

    Everything that is posted in here are just a random craps like my thoughts, my rants, etc..

    Caution: Danger inside. Prepare a weapon before entering.

    Archives

    March 2012

    Categories

    All
    Stories
    Writing